Ian
Kumukuha ako ngayon ng pagkain sa kusina nila Amber kase why not? Gutom ako hello
Tsaka maglalaro daw kami ng Truth or Dare
Kinakabahan ako jusmiyo ewan ko kung bakit, siguro dahil sa mga katarantaduhan din ng mga kasama ko, baka pag sinabi kong dare, baka kung ano-ano pa ipagawa sakin.
Kumuha ako ng soft drink at chips para may kainin ako habang nagkalaro, habang kinukuha ko yun may napansin ako na gumagapang sa ilalim ng cabinet
Kaya napatigil ako sa ginagawa ko at tinignan ito.
Joseph
Nasa tabi ko ngayon si Ian matapos halos ng atakihin dahil sa nakita nyang ipis sa kusina
Inaayos kasi namin kanina yung higaan namin, ng bigla kaming nakarinig ng malaks na tili mula sa kusina
Bigla akong nag-alala dahil alam na alam ko kung kaninong tili yun
Kaya dali-dali akong tymakbo sa kusina para tignan kung ano nangyari sa kanya
Kinakabahan talaga ako lalo na nung nakita ko si Yanyan na halos namumutla na sa takot
Nagtaka ako kung ano kinakatakutan nya, wala naman sigurong multo dito sa bahay nila Amber, ano?
Pinakalma ko muna si Ian bago ko tinanong ang dahilan kung ba't sya natili
Bigla namang dumating sila Amber na nag-aalala din kay Ian
Tinatanong sa akin kung anong nangyari,at napakibit balikat nalang ako dahil 'di ko naman talaga alam kung anong nangyari
Nakarinig nalang ako ng malakas na tili mula sa kusina, at nakita kong takot na takot si Ian
Lumapit si Amber kay Ian at paulit-ulit na tinatanong kung okay lang ba sya, at tumango-tango naman si Ian
Nang medyo kumalma na si Ian,tinanong ni Amber kung anong nangyari, at kung bakit sya napatili ng ganun
Bigla namang nanlaki ang mata ni Ian habang tinititigan ang ulo ni Amber
At sumigaw ulit si Yanyan ng:
"AMBER! MAY IPIS SA BUHOK MO!!!!!"
At bigla namang nagpumiglas si Amber nang naramdamang may gumagapang sa ulo nya at tumalon-talon at tili pa ng tili
Bigla namang sumulpot si Carla at sabing "Jusko ipis lang pala eh" ani nya sabay lapit sa Ipis at hinuli ito
Kahit anong siga din pala ni Amber, takot din pala sya sa Ipis HAHAHAHHA
*****
Inikot na ni Franz yung bote, at kung kanino ito nakaturo, sya ang pipili sa dalawa: Truth or Dare
Ang magtatanong muna ngayon ay si Franz since sya yung umikot ng bote
Nakatutok lang kaming lahat sa pag-ikot ng bote, at sa pagtigil nito, nakaturo ito kay...
To be continued....
Bitinin ko nga kayo hehezz:>
YOU ARE READING
The Day I Met U
FanfictionReminder: This is a YanSeph Story. If u don't support LGBTQ+ then don't read this story. This story is based on YanSeph's story in real life. But most of the scenes are just my IMAGINATIONS only, So please don't take this story seriously. Hi! I am N...