Chapter 04
Curious V
Sobrang bilis ng panahon. Halos ilang buwan na rin akong namamalago dito sa dorm nila. At marami rin akong nalaman. Katulad ng...
"AJHUMMA!" Napatingin ako kay Jimin at bigla akong dinambahan. Oo, tangina. Akala ko nung una ayaw niya sakin. Yun pala mas type niya ang mga matatanda. Hirap paniwalaan eh.
Tapos itong si Jungkook. Ugh. Di ko alam na hindi na pala siya virgin. Banaman, halos kada linggo, may uwi uwi siyang babae dito! Grabe! Ang Golden Maknae ng Bangtan!
Si Jin naman, sala sa init sala sa lamig ang kasarian. Bi ata siya eh. Isang beses kasi may lumilipad na ipis, tapos dumamba si Jin kay Namjoon! Shet. NamJin feels ko. Daig pa kasi nila ang couple kung umasta.
"Ajhumma, anong niluluto niyo?" Tanong ni Jimin habang naka-pangalumbaba sa tabi ko. Nakaupo siya sa high chair at nakapatong ang kanyang braso sa counter habang pinapanood akong magluto.
"Secret." At kinindatan ko siya, ayun namula! Hahaha. Shet.
Si Hoseok naman, siya ang pinaka-tahimik sa kanila. Ibang-iba kapag on-cam. Medyo bipolar ata. Minsan masigla tapos biglang seseryoso.
Si Yoongi, ayun still don't give a shit. Laging nakatambay sa kwarto. Di ko alam kung ano ginagawa. Lalabas lang kapag may meeting sila at kakain. At tsaka kapag nasaipan niyang lumabas, dun siya lalabas.
Si Namjoon, nasa LA ngayon. Ayun may bago siyang na-release na kanta. Kaya kulang kami ngayon.
Pero ang pinaka-kakaiba sa lahat ay si Taehyung. Di ko ba alam kung alam bakit ganito siya ka-misteryoso. Halos lahat ng Bangtan ay iniiwasan siya. Para bang galit silang lahat sa kanya. Tapos eto pa ha, feeling ko alam niya ng di talaga ito ang totoo kong itsura.
At tsaka, nalaman ko rin na ang mga schedule nila dahil binigyan ako ng Manager nila ng planner nila. Magkakaroon nga sila ng concert eh. Well, ang swerte swerte ko lang kasi maliban sa pagiging pinaka-magandang fangirl, may VIP sit pa ako. Oha. Oha.
Sinalin ko na sa lalagyan yung pagkain na niluto ko. Simula nung lumipat ako dito, salitan na kami ni Seokjin sa pagluluto kahit na di ako marunong. Pero nasanay na ako kasi lagi akong tinutulungan ni Seokjin kapag magluluto dati. Pero ngayon, hindi na kailangan. Pati rin sa gawaing bahay, di ako masyadong nahirapan. Mabait naman silang lahat sakin eh.
"KAKAIN NAAAAAAAAA" Sigaw ko. Daig ko pa si Tarzan kung sumigaw.
Isa isa na silang dumating sa hapag-kainan. May rules dito, bawal ang hindi sabay-sabay kumain maliban na lang kung nag-out of town ang isa sa amin. Para bang pinapatatag namin lalo ang samahan namin. Pa-deep lang. Hehe.
"Oh, asan si Jungkook?" Tanong ko sa kanila. Napansin ko kasing bakante ang dalawang upuan, isa para kay Namjoon, isa para kay Jungkook.
Kibit balikat lang ang sagot nila. Tahimik kaming kumain ngayon maliban kay Jimin na panay ang talak tungkol sa kagandahan ko. Feeling ko nga nawala na ang feels ko as fangirl sa kanila. Kasi medyo na-uuta na ako sa pagmumukha nila. Jokie. Jokie.
Oo aaminin ko. Nung unang buwan ko dito halos hindi ako makahinga dahil dream come true ito at halos lagi kong nakikita ang kanilang yummy-licious body and faces from head to toe. Pero after ilang months, naglaon na lang iyon bigla. Para bang sanay na ako sa pagmumukha nila. Para bang sobrang komportable ko sa kanila na hindi nila ako naging fangirl.
"Ajhumma, date naman tayo." Literal na nabugahan ko si Jimin sa mukha ng kanin dahil sa sinabi niya. Pero mas lalo akong nagulat ng di lang ako ang nabulunan pati na rin si Taehyung.
Tangina "Ano bang pinagsasabi mo?" Muntikan ko tuloy siya mamura.
"Nag-susuggest lang naman" Sabay pout niya. Kung bias ko lang talaga siya, mahahalikan ko na ito. Pero wala. Nawala ang pagiging biased ko sa kanila. Tinuring ko na silang parang mga kapatid. Pati na rin ang pinapagawa sakin ng magaling kong tatay. Nawala na sa isip ko iyon. Tinapon ko sa isang ilog yung mamahalin kong phone para di niya ako ma-contact kahit na alam kong alam niya kung nasan ako.
Matapos naming kumain, naisipan kong mamili muna kasi naubos na ang laman sa pantry.
"Alis muna ako ha?" Sabay suot ko ang sapatos ko. Masyado na akong bihasa sa pag-aakting kaya sanay na ako sa boses matanda at matanda kung kumilos. Malaya lang ako nakakapag-kilos ng maayos kapag di ko sila kasama katulad ng pag mag-grogrocery ako. Buti na lang may sasakyan sila.
"Annyeong Soonshim!" Bati ko sa aso ni Taehyung pag-labas ko. Tumahol naman ito kaya hinimas ko yung ulo niya.
"Sasama ako" Napatayo ako bigla ng marinig ko ang cold na boses niya. Umubo ako para maiba ko yung boses ko.
"Di na kailangan"
"No, sasama ako. Masyado ka ng matanda para mag-drive. Baka makabangga ka pa. Or, baka naman di ka talaga matanda?" Ngumisi siya at nag-taas ng kilay. Di ko siya pinansin.
Nauna na siya sa sasakyang SUV at sumakay. Bastos talaga to kahit kailan. Di manlang ako pinagbukas ng pintuan. Binuksan ko muna yung gate at sumakay ako sa front seat at padabog na sinara ng pintuan. Lagi na lang siya ganito, sobrang cold niya.
"Wow. Di ko alam na may lakas ka pa pala para isara ng malakas yang pintuan?" Sabay basa ng labi niya gamit ang dila. Mannerism niya siguro ito. Kasi dati, tuwing kinukunan ko siya ng litrato, laging naka-kagat labi or dinidilaan niya yung labi niya. At minsan panga, nasasaktuhan ko siyang nakatingin sa lens ng camera ko.
Pinaandar niya yung sasakyan. Habang di parin nawawala ang ngisi niyang mapang-asar. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at tinanaw ang mga bawat madadanan namin.
"Alam mo ba pamilyar ka sakin." Sabi niya na naging dahilan kung bakit ako napalingon sa kanya. Kumunot ang noo ko. Simula nung nakaraang linggo, di na siya gumagamit ng nakaka-respetong salita. Straight forward kung straight forward siya sakin.
"Anong ibig mong sabihin?" Tinignan niya ako at umiling. Agad niyang ibinalik yung tingin sa dinadaanan. Di ko parin inaalis yung titig ko sa kanya.
Ang gwapo niya talaga. Shet.
"Ba't di mo sila ka-close? Diba sa mga bombs niyo naman ang hyper hyper mo tapos ang close close niyo namang pito. Pati sa ibang fansigb event close kayo."
Huminto yung sasakyan kaya napatingin ako sa kalsada. Nag-redlight pala. Ey, ey it's a red light.
Tumaas ang kilay niya at tumingin sakin. Agad kong tinakpan ang bibig ko. Shit. Wrong question!
Tumingin ako kay Taehyung, lalong namutla ako kaya tinaas niya pa yung kilay niya.
"Talaga? Di ko alam na pinapanood mo pala kami sa Internet?" Tumingin na lang ako sa harap at di siya pinansin. Makalipas ang ilang segundo, umandar na yung mga sasakyan sa harap namin. Hudyat na nag-green na ang ilaw.
"Sabagay, mapa-bata at mapa-matanda naman iniidolo kami." Tangina. Oo. Alam ko yan.
"Ba't ka pa sumama? Paano kung may makakita sayo?" Tanong ko sa kany. Nag-kibit balikat lang siya at mabilis na na-ipark yung sasakyan. Malapit lang kami sa mall kaya madali lang kami naka-punta. Nagmadali akong bumaba baka kasi intrigahin niya na naman ako.
Bago ko maisara ang pintuan, nalaglag ang panga ko sa sumunod na sinabi niya. Alam niya ang screen name at name ng fansite ko.
"Ba't kelangan mo pang mag-panggap ha?" Sabay banggit niya ng fansite name ko.
"Bakit? Eya?" Paano?
**
Author's Noter: AFTER 1234567890! Nakapag-update din sa wakas! Sorry sobrang late! Halos two months din. May nangyari lang kasi. Sana suportahan niyo parin ito. Feedbacks are purely appreciated by me! At tsaka, usap tayo? Just post on my MB or inbox!
BINABASA MO ANG
Bangtan Sitter [ON-HOLD]
FanfictionDahil sa sadyang sakim ang kanyang tatay, ginawang chimay si Myka ng Bangtan.