Christine

2K 12 3
                                    

Warning

R18. You've been warned. This fiction contains obscene words and actions that are not suitable for young readers. Read at your own risk.

Disclaimer

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

~ ~ ~

Nakasakay si Christine sa jeep papuntang terminal ng bus. Nahuhulog na ang mga mata niya sa pagod at antok habang nasa biyahe. Galing pa siya sa trabaho niya kaya naman pagod na pagod siya.

Nakagawian na niyang umuwi sa kanila sa Batangas tuwing weekends dahil 'di siya roon umuuwi araw-araw. Sa Maynila pa kasi ang trabaho niya kaya nangupahan na lang siya kesa bumiyahe pabalik-balik.

Pero dahil 'di siya nakauwi noong nakaraang weekend dahil sa dami ng trabaho, kahit Biyernes pa lang at galing pa sa trabaho ay pinili na niya agad bumiyahe para makauwi. Hahabol siya sa last trip ng bus pa-Batangas.

Ilang beses na bumagsak ang kamay niyang nakakapit sa hawakan ng jeep dahil sa pag-idlip. 'Di na niya alintana ang tingin ng ibang pasahero sa kanya. 'Di niya rin pansin ang panakaw na titig ng mga lalaking pasahero na katapat niya sa mga hita niya. Suot niya pa rin kasi ang paldang uniporme sa trabaho. Nagpalit lang siya ng pang-itaas dahil mahirap labhan ang puting blouse niya 'pag nadumihan.

Medyo maigsi ang itim na paldang uniporme nila. At dahil sa halos wala na siyang malay sa hitsura niya, labas na ang hanggang kalahati ng hita niya na pinagpepyestahan na ng mga lalaking pasahero. Pasimple ring yumuyuko ang mga ito para masilayan ang gitna ng mga hita niya.

"Para! Para!"

Bigla ang ginawang pagpreno ng driver kaya nawalan ng balance si Christine. Bahagyang napabukaka tuloy siya para 'di tuluyang tumumba. Napakagat-labi naman ang mga lalaki sa harap niya nang masilayan ang pink na panty niya. Walang kamalay-malay na umayos lang ulit ng upo si Christine at muling pumikit.

"Buendia! Buendia na po!"

Naalimpungatan siya nang marinig ang anunsyo ng driver. Bahagya niya lang inayos ang hitsura niya saka naghintay na makababa.

Napahikab pa siya habang naglalakad papasok sa terminal. Bumili pa muna siya ng sandwich at tubig sa nadaanang tindahan. Iyon na ang dinner niya.

Kulang tatlong oras din kasi ang byahe kung hindi traffic. Halos makatulog naman siya habang nakatayo sa pila. Medyo marami pala ang bumabyahe ng ganitong araw at oras. Kinain na lang niya ang nabiling sandwich habang nasa pila.

Kaya naman nang makasakay na siya ay mabilis na umupo siya sa bandang likod na upuan. Katabi ng bintana para mas makatulog siya sa byahe. Niyakap niya ang dalang bag saka komportableng sumandal sa upuan. Naiidlip na siya nang maramdamang may tumabi sa kanya.

Naramdaman niya ang pag-andar ng bus at 'di na lang muna natulog ng malalim. Hinihintay niya pa ang konduktor na maningil ng pasahe bago tuluyang magpahinga.

Nilibang niya muna ang sarili sa pagtingin sa madilim na kalsadang binabaybay ng sasakyan. Sa mga maliliwanag na establishimento at mga taong nadadaanan.

Napalingon siya sa kaliwa niya nang maramdaman ang pagkilos ng katabi. Medyo nasanggi kasi nito ang tagiliran niya.

Lumingon din naman sa kanya ang lalaking katabi niya. May inaayos ito sa dalang bag kaya siguro siya nasiko. Hinayaan niya na lang iyon at bumalik sa pagmamasid sa kalsada.

ChristineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon