"Love, please uwi ka naman ng maaga today." Mahina at mahinhing sabi ni Elora habang inaayos ang necktie ng kaniyang asawa. Makikita mo sa kanyang mga mata ang pangungulila na para bang matagal na niyang gustong sabihin ang mga katagang kaniyang sinambit.
"I can't. Madami pa trabaho sa office. Alam mo naman iyon diba? Bakit ka ba nagtatanong?" Hindi mahinahong sagot ng kaniyang asawa na si Zephyr. Makikita sa galaw ng kanyang katawan na unti-unti na siyang naiirita sa mga sinabi ni Elora.
"Sorry, love." Nakatungong sagot na lamang ni Elora at mabilisang inayos ang necktie ni Zephyr. Umalis na agad ito sa harapan ng kaniyang asawa. Pinanood na lamang niyang ang mabilising pagtalikod at paglisan ng kaniyang asawa.
Huli na para makita ni Zephyr ang mga maliliit na pagpatak ng luha mula sa mga malulungkot na mata ni Elora.
A/N: THIS IS A TRIGGER WARNING. Alam kong iba sa inyo ay hindi kaya ang emotional or physical abuse, so please lang, kung ayaw niyo ng ganon ay huwag niyo ng ituloy ang pagbabasa ng librong ito. This book contains emotional and physical abuse. Ayaw ko kayong mapahamak. Stay safe everyone!! Please bear with me. This is my second book. Hope you'll like it. :)
BINABASA MO ANG
Love Me Again, Elora
Short StoryDoes looks really matter in a relationship? Magmamahal ka pa ba kung nagbago na ang kaniyang itsura? Elora Liberty Santos has always been this girl living like her name. Freely and a sunshine to everyone. Siya yung tipo ng babae na mapapahanga ka ka...