Dream 3

5 0 0
                                    

Pagkababa ko andun na nga siya. Nakasandal sa Kotse niya. 'Syeeeet! Manliligaw ko ba talaga to? Sakin? Sakin talaga? Ghaaaaa!' Isip ko.

Tamang-tama papasama ko sa kanyang mag hanap ng pwesto para sa karinderya. Nang magkalapit na kami ay bigla akong nadapa. At nasubsub sa paanan niya.

"T*ng*n*! Cess, tanga mo talaga! Kaya mahal kita ee! Hahahaha!"

Nang tignan ko ang dahilan kung bakit ako nagdive, Isang bato  -_-

At tignan mo to! Imbis na tulungan ako. Inuna pa ang tawa. Tss

Tumayo nako at nagpagpag. Pumasok nako sa kotse niya ng walang paalam. Pumasok narin naman siya ng tumatawa pa. Tss.

*poink* binatukan ko nga!

"Love you Cess! Kelan mo ba ko sasagutin?" *pout* "Ako? Akong si Bryan Jua Poh? Akong GWAPO?  Tagal mong sagutin?"

" Malapit na" kako nalang. Naghihintay lang naman akong mag 3 buwan ang pangliligaw niya e. At next week na yon.

*kruuuuuuk* Omo! Umiyak yung tiyan ko~! Gutom nako.

"Hahahahahaaaa~!" Tumawa nanaman siya at napahampas sa manibela. Aksidente niyang napindot ang busina. Sinigawan tuloy kami ng mga driver.

"Pfft. Kaen muna tayo?" Bryan

"McDo, Pleeeeaaasse?" At nagpacute pako

"Haiissst. Gege. Triple F?" Bryan

"Yeeeep!" Yeheet~

~~

Nang mailapag na niya yung pagkain ay agad ko na tong kinanin. Gutom nako ee~

Fillet, Fries, at Float binili niya. Alam niya kasing favorite ko to.

Nang matapos na kami. Nagpatuloy na kami sa paghahanap.

Habang bumabyahe,
| Hanap mo ba ay pwestong pang karinderya? At may kasama ng bahay? Ala ee, dumine ka na! Lumiko ka lang at Doon na! |

May nabasa akong tarpauline at yun ang nakasulat. Weird.

"Bry, tignan mo yun! Liko tayo!"

Pagkaliko namin may nakita nga kami. Bumaba na kami at Kinausap ang taong nagbabantay.

"Hello po, Ako nga po pala si Princesa Verba, kayo ho ba yung may ari neto?" Tanong ko

" Oo, ako nga. Ako si  Madame Mae Ariel D. Surf. 300k ito. Take it or leave it"

Hala dipa ko natanong e! Pero hayaan na.

"Ahhhh, sige po. Saglit lang po."

Tinawag ko si Bry  na nagsisigarilyo.

"Bry, pakuha nga ng bag ko, pls."

Kinuha naman niya iyon. Pagkabigay niya ay umupo siya sa upuan na nakakalat. Tss. Bastos talaga. Nagbilang nako ng pera.

Shit! 250k lang pera ko.

"Ayy, madame. Di po ba pwedeng hulugan?"

"Hindi!" Gosh! Bakit?! Bakit?!

"Magkano ba kulang sa pera mo? Bulong ni Bry

"100k. 250k lang ipon ko. Yung 50k pang puhunan ko pa."

"Oh, ito! Dagdag mu na." Abot niya ng pera

"Talaga Bry?! Thank youuu~! Di na ko papakipot Bry ahh?! Huhulugan ko na lang!" At kiniss ko sya sa Cheeks.

"A-a-hh, w-wag na. Ingay mo!"

Hala? Inabot ko na kay madame ang pera. Yesss! Matutupad ko na ang pangarap ko. Nagpirmahan na kami. At inilibot niya kami sa buong pwesto at bahay. Malaki naman pala at tamang tama pang karinderya, malapit sa bahay-bahay at palengke.

Pagkatapos nagpasalamat nako at nagpahatid kay Bry. Kapal muks ko no? Tinetesting ko kasi siya. Pag kauwi pinapasok ko muna siya. Sinalubong agad ako ni Chuchi at Chuchu, at nilambing.

Umupo na si Bry ng di nagpapaalam. Tss.

"Bry, kape?" Aluk ko. Tumango naman siya at humiga sa sofa. Di nga siya kasya ee. Kaya nakalawit yung mga paa niya.

Pagkatimpla ko ng kape, nakita ko si Bry, tulog. Gisingin ko kaya? O hayaan ko na? Alas otso nadin. Hmm. Gigisingin ko na nga lang siya.

"Bry..." alog ko sa kanya. "Bry...." alog ko ulit. "Uy.. Bry!" alog ko" nanaman. At dun na nagising. "Ano ba?! Tulog yung tao ee." Pumupungas niyang sabi. "Eto na Kape mo." Abot ko sa kaniya.

"Cess,  Mahal kita..."

"Alam ko Bry. Wag kang mapapagod ah? Hintay lang."

"Talagang hindi. Ahh, Cess pwede ba dito ko matulog? Nahihilo kasi ako ee. Plsss~" pagmamakaawa niya. Pumayag na lang ako. Pinagod ko siya ee.

Nag hilamos nako at pinahiram ng pang itaas si Bry. Mataba naman ako kaya keri lang. Kinuha ko siya ng unan at kumot. Pagkakita ko tulog na siya. Inayos ko na lang ulo niya at nilagyan ng unan. Kinomutan ko na siya at tinapat ang electric fan.

"Good night, Bry. Mahal na din kita"

At natulog na din ako.

~~~~~~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Imperfect CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon