Chapter 7

40 1 0
                                    

*SAMANTHA's POV*

"naku naman! Isang malaking palaisipan yung mga sinabi sayo ni Marvin!! " sabi ni Cassandra kay Stella. Andito kasi kami sa gym ng na kasalukuyang nanunuod ng practice ni Samuel.

Kinuwento kasi samin ni Stella yung nangyari kahapon, nung magka-alis namin ni Akiesha.

"Oo nga eh " sabi ni Stella na yakap-yakap yung bag niya.

"Buti nalang umalis yung dalawa kundi walang kilig moments kayo ni marvin mo! " sabi ni Cassandra. At pinanlakihan pa kami ni Akiesha ng mata.

Kumakain kasi kami ni Akiesha ngayon at dahil punong-puno yung bibig namin di kami makapag-salita ng maayos.

"Kain pa more! " halos natatawang sabi ni Stella samin.

Humanda ka Stella pagnalunok ko tong magkain ko.

"*EHEM* kung makapag-usap naman kayo parang wala kami " sabi ko pagkalunok na lunok ko sa kinakain ko.

Si Akiesha wala kumakain pa din.

Pssshhh, kala ko pa naman tutulungan ako nito.

"Totoo naman kasi eh, kung hindi kayo umalis walang perfect moment sila " sabi ni Cassandra sabay turo kay. Stella.

NagThumbs up naman si Stella kay Cassandra bilang pagTugon.

Kaya ako habang nagSusubo ng magkain ko naka-pout.

Ang sama naman nitong dalawa.

"Pero , alam mo Cassandra may matagal na kong gustong itanong sayo " sabi ni Akiesha na seryosong nakatingin kay Cassandra.

Kami naman nila Stella at Cassandra nag-aabang sa itatanong ni Akiesha.

"Ano naman yun? "
"Ano na bang status niyo ni Samuel? Kasi kami mismong mga kaibigan mo walang kaalam-alam sa status niyo eh, at itong si Samantha naturingang kapatid/kakambal ni Samuel wala ding alam. Alam mo yung masakit na tuwing di ka namin kasabay tuwing break time, tapos may magtatanong samin kung kayo na ba o kung anong meron sa inyo dalawa." Seryosong sabi ni Akiesha habang kumakain.

Oo nga , wala kaming alam kung ano na ba talaga yung status nila.

Nakatingin pa din si Akiesha kay Cassandra. Si Cassandra naman di makatingin kay Akiesha.

"Kung ayaw mong sabihin edi wag! Tsk " sabi ni Akiesha at umalis na.

Naku pano na to di ko kaya na ang dalawa sa mga best friend ko nag-aaway.

*******

Kanina pa ko paikot-ikot dito sa School di ko pa din nakikita si Akiesha.

Asan na kaya yun? Kanina pa ko nag-aalala eh.

*prrrrt*

Pagkarinig ko ng pito ng Guard dali-dali akong tumakbo.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa may humatak sakin.

"Asan na kaya yun? " rinig kong sabi ng guard.

Habang ako nandito pa din hawak-hawak ng di ko kilalang tao yung bibig .

"Muntik na yun " sabi ng lalaki na hawak pa din yung bibig ko at yakap-yakap ako.

"Hoy! Manyak ka ah! " sabi ko dito sa lalaki kasi di pa din niya inaalis yung pagkayap niya di ko pa din maaninag yung mukha niya nasa may bandang dilim kasi siya eh.

"Pasalamat ka nga eh, iniligtas kita " sabi niya.

"Edi salamat! Teka sino ka ba? "
"Grabe ka naman samantha di mo na agad ako naaalala. Ang bilis mo namang makalimot " sabi niya sakin.

Di ko talaga kilala kung sino tong mokong na to-_-

"Pasensya na, di talaga kita kilala sige una na ko may hahanapin pa ko eh " pagpapa-alam ko ,pero nakaka-ilang hakbang palang ako ng hinigit niya ako at isinandal sa pader.

"T-teka ano bang problema mo?!"
"Wala, gusto lang kitang titigan " sagot niya sakin ,sobrang lapit ng mukha niya sakin konti nalang mahahalikan na niya ako.

Pero teka lang kamukha niya yung lalaki sa practice game ng talk n text at ginebra ah?? .

"Naaalala na kita, kaya pwede mo na kong pakawalan! " sabi ko sabay tulak sa kanya, napalayo naman siya ng konti.

"T-talaga?? " tanong niya sakin, pero yung mga mata kulang nalang magningning ito at makangiti kala mo nanalo sa lotto.

"Oo nga ikaw si dave diba? Basketball player ka din di ba? At ikaw yung lalaki sa practice game ng talk n text?? " sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

"oo, oo at OO! " masiglang sagot niya sakin.

"Ang saya mo ah? "
"Sino ba namang di matutuwa? Hahah payakap nga! " sabi niya sakin sabay yakap sakin.

Di ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kuryente sa katawan ko.

Mga ilang sandali or minutes na pagyakap niya sakin 'oo siya lang yung nakayakap sakin! ' di ko alam kung bakit pero nasarapan ako sa pagyakap niya.

Para bang feeling ko pagyakap niya ko safe ako .

Ang mga sumunod na nangyari ay nakita ko siyang naka-upo sa sahig at may dugo sa gilid ng labi niya. Dugo??

Sinakap lang naman siya ni Erwin.

at itong si Erwin walang sabi-sabi ay bigla nalang ako hinatak kung saan.

Thank you po ^__^
Comment&Vote lang po

PBA fan love story[on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon