"Magkita nalang tayo sa loob" sabi ni Mama
"Ok" kakababa lang namin ng sasakyan . Nandito kami ngayon a hotel, birthday kasi ng pinsan ko . Naghiwalay kami ni mama , alam nyo naman yung mga matatanda , pero hindi pa naman matandang matanda yung mama ko nasa 40's pa naman sya.
Magulo , maingay , madaming tao , at may live band sa gitna
"Ay palaka ni aling Bebang!" Natapunan kasi ako ng juice . Kalamig pa mo raw
"Uwaaaaaaaaaaa!!! TT__TT " HALA ?! O_O
"Uyy! Bakit ka umiiyak ?" Sabi ko
"UWAAAA!!! T_T"
Lumuhod ako sa harap nya , para kapantay nya . Siguro nasa 5 years old palang tong batang to . Lalaki sya
" huhuhuhu" patuloy na pag iyak nya
Nilapitan ko na talaga sya , kasi pinag titinginan na rin kami ng tao . Nakakahiya .
"Baby , bakit kaba umiiyak ? " tanong ko , ako na nga yung natapunan ako pa yung iniyakan. -_- diba dapat ako yung umiyak ?
"Ka-kasi galit k-ka , sumigaw ka pa nga e" ayba ?
"Hindi naman ako galit. Nagulat lang ako . "
"Ta-talaga" humihikbi nalang sya
" opo.. tahan na, makipaglaro ka nalang ulit"
"Sorry po" sabi nya . Nginitian ko nalang sya tas ginulo yung buhok nya
Concert kasi yung theme nung party . 7th birthday palang , pero mala concert na
Papunta na ko sa mga upuan sa may bandang stage pero may nakita ako .
Kahit nakatalikod yun alam kong sya yun
Likod nya palang kilalang kilala ko na
Bumilis yung tibok ng puso ko .
Parang hinahabol ng asong kalye sa sobrang bilis ng pag tibok
Gusto kong lumapit sakanya pero nag derederetso nalang yung paa ko , na para bang may sariling isip ito
Umupo ako sa malapit sakanya
Malapit kay
Thunder
Ganto yung arrangement
Tao-Tao-Tao-Thunder-Kaybigan nya-Vacant chair-Ako-Vacant chair
Parang tuod ako dito at hindi makagalaw, napakalapit ko na pero hindi nya parin ako napapansin
"Pre, bat hindi mo ba ligawan mukang gusto mo na sya halata rin naman na gusto ka nya.." tanong ni Jacob yung kaybigan nya. Parang hindi rin ako napapansin ni Jacob
Muli kong narinig yung boses ni Thunder...
Boses nya palang, napapanatag na yung loob ko .
Namiss ko sya. Pati boses nya. Nung nakita ko yung likod nya gusto ko na syang yakapin
Sinagot nya yung tanong ni Jacob ng pakanta
"Oo nga, sya ang laman ng isip ko. Pero hindi ng aking puso "
Nung narinig ko yung mga salitang yun, nag uunahan sa pagbuhos yung mga luha ko. Umiiyak ako na para bang walang nakakakita sakin. Umiiyak ako na parang wala ng bukas.
Oo nga naman. Ano ba yung aasahan kong sasabihin nya diba?
May nagtapik ng balikat ko
Pagkatingin ko sa nag tapik ng balikat ko umupo sya sa tabi ko. Niyakap ko sya at umiyak
"*huk* Jacob..." sya yung boy bestfriend ko
"Shhh... ok lang, iiyak mo lang "
Umiyak ako ng umiyak
Maya-maya tinanggal nya yung pagkakapatong ng ulo ko sa balikat nya.
Tumingin ako sa mata nya. Nanlamig ako.
Walang kaemo emosyon nya akong tinignan
Tinutulak nya ako palayo sakanya
Lumipat ako ng upuan at duon umiyak
Mag katabi na pala kami ng Mama ko pero hindi nya napapansin yung pagiyak ko. Hindi nya ako napapansin. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Deretso syang nakatingin sa nag peperform sa may stage.
Umulit sa tenga ko yung sinabi ni Thunder " Oo nga, sya ang laman ng isip ko. Pero hindi ng aking puso "
Umiyak nanaman ako, pakiramdam ko magisa lang ako. Iniwan ako ng mga taong mahal ko .
*kriiiiiinggggggg!!!! Kriiiinggggggg!!!"
Nagising ako sa alarm ko. Pag kagising ko, puro luha pa yung muka ko luha galing bibig. Hahahaha joke .Panaginip lang pala. Akala ko totoo na
Naisip ko nanaman yung sinabi ni Thunder
"Oo nga, sya ang laman ng isip ko . Pero hindi ng aking puso "
Naiiyak ako . Parang totoo . Kahit hindi ko alam kung sino yung tinutukoy nila pero naiyak nalang ako . Pwedeng si Lyn yung tinutukoy nila , pero pwede rin namang ako .
Ako nga pala si Athena Blair Rodriguez
Highschool student
Hindi ako ganon katalino, pero hindi rin naman ako bobo
Hindi rin ako panget. Pero hindi rin naman ako ganun kaganda. Hindi ako yung katulad ng nababasa nyo na
Matalino
Mabait
Mayaman
Yung masasabi bang nasayo na ang lahat
Hindi kami mayaman, pero hindi rin naman kami mahirap. Basta ang alam ko nakakain kami ng higit pa sa tatlong beses sa isang araw, masaya na ako.
--
BINABASA MO ANG
Dream Catcher
Teen FictionKung ikaw lang rin naman ang laman ng mga panaginip ko, hindi ko na nanaisin pang gumising Sa panaginp nalang ba? "Dream your dreams with your eyes closed... but live your dreams with your open eyes"-unknown