Chap. 1

8 0 0
                                    

AI's POV

    Matutulog na sana ako ng narinig ko na 'nmn' ang mga magulang ko na nagbabangayan.

"Pumunta lang ako sa bahay ng kuya ko at alam mong may sakit sya!" mahinang sigaw ni mama

"At sa tingin mo maniniwala ako sa pinagsasabi mo?!" lasing namn na sigaw ni papa kay mama
"Napaka sinungaling mong asawa!"

"Wag kang sumigaw magigising yung bata, may mga kapitbahay tayong natutulog, utang na loob Aidan!" pakiusap ni mama

"Hinde, e totoo nmn yung sinasabi ko ah, bayaran na babae, p*kp*k, at sa dinami dami ng pinag kautangan mo sa mga tao dito, ay hindi mo manlang mabaya bayaran" sigaw ni papa at don na tumulo yung luha ko at mahinang napahikbi.

"Tama na matulog kana lasing ka, pakiusap Aidan" saad ni mama pero hindi nakuntento si papa at lumabas ng bahay.

"Makinig kayo! Etong asawa kong to, si Alison Hellero! Napakasinungaling! , madaming utang na hindi nababayaran! , walang kwentang asawa! , hindi nyo lang alam kung ano ano pa ang ginagawa nyan noon! Kung pwede ko lang ikulong ginawa kona!" sigaw ni papa

Sagana tumutulo yung mga luha ko, awang awa ako kay mama, gusto ko syang yakapin ng mahigpit, hindi ko magawa dahil tuloy tuloy ang luha ko.

Mayroon pang sinasabi si papa pero hindi na maintindihan, at doon na bumibigat yung talukap ng aking mata.

Morning(^o^)

Nagising ako sa tulog ng aking alarm clock, at ramdam kong mugto yung mata ko dahil sa kakaiyak kaya dumeretso ako sa banyo para maghilamos.

Ako nga pala si Ailych Hellero, AI for short, may 3 akong kapatid.

Ang panganay ay si kuya Shian, may pamilya na si kuya at may trabaho na din sya isa siyang SAF, ang sunod nmn ay si ate Yna, may pamilya din sya at nag ta take sya ng exam sa sept. ang nakuha nya is Educ. ,sumunod nmn si ate Avium, isa syang estudyante, grade 11 na sya kaya busy din sa kanyang pag aaral, pangarap nyang maging doktor, kaya todo sya sa pag aaral.

At ako nnm ay grade 8, future chef hehe.

Pagkalabas ko ng banyo pumasok ako sa kusina para mag luto pero napatigil ako ng makita ko si mama na nag hahanda ng plato.

"Ma ako na dyan" saad ko kay mama

"Hindi anak okey lang, upo kana kakain na tayo" ngiting sabi ni mama.

Oo nga pla isa pala syang guro sa Elementary, at si papa nmn ay kaka resign lang sa kanyang pag ka security guard, ayaw na daw nyang mag trabaho, ang ginagawa nya lang ay, inom doon, inom dito, sugal doon, sugal dito, ganon ang routine nya araw araw.

Tatlo lang kami nina mama dito dahil si ate Avi ay naki dorm kay ate Jessy pinsan nmin sa side ni papa dahil kailangan nya ng internet dito kase ay mahina.

Pinanood ko si mama na mag hain ng makakain sa mesa.

"Upo kana ma ako nah" pilit kong sabi kay mama habang itinutulak ko sya papaupo.

"Anak kaya ko nmn, malakas pako tsaka mo nako alagaan pag mahina na tuhod ko" nakangiting sabi ni mama

"Kaya ko din nmn ma, aalagaan parin kita kahit matibay parin yung buto mo ma" malamunay na sagot ko kay mama.

"Halika nga dito nak, payakap nmn kay mama" mangiyak ngiyak na sabi ni mama.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ng mahigpit, ganon din ang ginawa ko, gusto kong umiyak ng maalala ko na nmn yung nag yari kagabi pero pinigilan ko. Ayokong ipakita kay mama na mahina ako o kahit sino mang tao, kung iiyak man ako ay kung mag isa lang ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Innocent One Where stories live. Discover now