Estelle's POV
Habang busy tahimik kaming kumakain ng breakfast biglang nagsalita si Lolo...
"By the way Hija. Your secretary told me that you will be having an appointment today with the the Mendez Company. Am I correct?" tanong niya
"Yes 'Lo. If I remember it correctly ang makaka-meeting ko ay ang only heiress nila." sagot ko habang nakangiti.
Tumingin silang dalawa na may pagtataka sa kanilang mga mukha. Nagtata ka siguro sila kung bakit ako nakangiti.
"You might be wondering why I'm smiling?" tanong ko sa kanila.
Tumango naman sila.
Nang naubos ko na ang pagkain ko ay tumayo ako at pumunta sa upuan nila at inakbayan sila pareho...
"Do you guys remember the girl I told you about. Yung naging matalik kong kaibigan noong high school palang po ako. Yung kaisa-isang babaeng nagtanggol sa'kin sa kahit sinong bully. My one true friend. Siya po ang makaka-meeting ko ngayon." saad ko.
Ngumiti naman sila...
"I'll guess you'll be reunited with your best friend today." si Lola
"Oo nga po eh pero mukha po'ng kakalbuhin niya po ako kapag nakita niya po ako." natatawang sagot ko.
"Pa'no naman kasi Apo umalis ka naman kasi nang walang paalamsa kaniya." sabi ni Lolo na ikinanguso ko.
Oo nga naman iniwan ko nalang ang dalawang taong importante sa akin nang walang sabi-sabi. Walang paalam o kahit ano.
"Nagsisisi na ako Abuelito sa pang-iiwan sa kanilang dalawa ni Emman. Pero ngayong okay na lahat. Babawi ako sa kanila pero uunahin ko muna ang kaibigan kong kuting kung mabait pero tigre kung magalit." sabi ko at sabay silang dalawa na napatawa.
Tumayo na ako at pumunta sa gitna nila at hinalikan sila pareho sa pisngi.
"I'll go ahead Abuelito. Abuelita." sabi ko sabay halik sa mga pisngi nila.
"Okay Apo. Mag-ingat ka." si Lola.
"Noted Abuelita." sagot ko.
"Enjoy your day with yo ur friend Apo. Alam kong na-miss mo siya. At alam kong gano'n din siya sa iyo." si Lolo.
"Thank you Abuelito."
Agad akong pumunta sa kuwarto ko at nagbihis. I am wearing a simple light pink formal dress. While my hair is tied into a bun. Habang ang bangs ko ay maayos na nasa harapan ng mukha ko. I'm wearing a light make-up dahil hindi ako sanay sa mga makakapal na make-up. Habang hawak ko ang handbag kong pink. Paired with a black glittering stilettos.
Kinuha ko ang susi ng kotse ko sa drawer at pumunta agad sa garahe. Sumakay na ako sa puti kong kotse at pinaandar.
Nakarating na ako dito sa isang mamahaling restaurant. Pumasok na ako at agad akong pumunta sa babaeng nasa entrance ng pintuan...
"Hi. I'm here for a reservation under the name Karen Mendez." nakangiti kong sabi dito.
Agad naman itong ngumiti at tiningnan ang log book.
"Yes Ma'am. Right this way table 27." nakangiting sabi niya at iginaya niya ako papunta kung nasaan si Yanna.
"Enjoy your stay Ma'am." sabi nito bago umalis. Tinanguan ko lamang siya.
Tiningnan kong mabuti ang kabuoan niya. Siya parin nga ito. Ang dakila kong amazonang best friend. She is wearinh a simple white dress paired with black 2 inched heels. Ang simple niya talaga.
YOU ARE READING
Comeback
RomanceCelestial Estelle Alfonso ang dating famous campus nerd. Sabihin na nating hindi siya masyadong kagandahan. To be exact campus target. May crush siya sa famous campus hearthrob at siya si Archer Altair Lopez. Na lalaking ubod ng gwapo pero ubod din...