Chapter 1

5 0 0
                                    

Haile's POV

Malakas ang pag pagkakauntog ko sa salamin ng kwarto ko ng itulak ako ni papa. Nakatingin lang ako sa lapag habang walang nararamdaman. Malakas din ang boses ng mama at ng mga kapatid ko mula sa labas ng pinto. Sumisigaw si mama  habang ang papa ko ay halos patayin na ako at ako namang walang kamalay malay sa nangyayari , wala din akong nararamdaman , ang sabi kasi ni mama ayaw nyang naririnig akong umiiyak.

"RYD BUKSAN MO ANG PINTO! RYD! MAMATAY YANG ANAK MO SA GINAGAWA MO! RYD!"- sigaw ni mama mula sa pinto , para kaming walang naririnig ni papa habang sinasakal nya ko.

Wala din akong alam kaya naman wala akong ginagawa. Nakatingin lang ako sa kisame habang habol ang hininga at tahimik na umiiyak.

Araw araw nangyayari ang mga ganitong eksena ng dahil sa anak ako sa labas ni papa at kasama namin ang asawa nya si mama at ang mga totoong anak ng papa ko , 8 years old lang ako at nasaksihan at naranasan ko na ang mga bagay na hindi naman dapat.

______________________________________

Nasa hapag na kaming lahat ng alas otso ng gabi pasa ang inabot ko kay papa , tahimik akong kumakain habang katapat ang 2 kong kuya.

Nakatingin sila sakin pero hindi ko pinansin habang ang mama ko at mama nila ay masama ang tingin sa isat isa.

Habang kumakain naalala ko ang pinaka mahalagang bagay sa buhay ko  birthday ko na bukas...

"Mama ano pong handa natin bukas , birthday kopo bukas."- masaya kong tugon kay mama habang kumakain pero hindi sya umimik. Hinintay ko lang ang tugon nya habang nakatingin sa kanya.

"Sino kaba sa tingin mo para gumanap sa isang handaan?"- sagot ni mama , napatingin ako uli sa pagkain ko ng makaramdam ng hiya.

"Ija ipagluluto kita gusto mo ba?"- tanong ni tita hazel sakin ang mabait na asawa ni papa , masaya ko syang nilingon pero agad na sumagot si mama.

"Alagaan mo ang mga anak mo , hindi ang anak ko."- agad na tumaas ang kilay nila pareho pero nagulat ako sa isang malakas na pag sigaw ni papa.

"TUMIGIL KAYO WAG NYO KONG BASTUSIN SA HARAPAN NG MGA BATA!!"- umalingawngaw ang boses nya at narinig sa buong mansion. Natahimik ang lahat at tumawa si mama at hinablot ako.

Umakyat kami sa kwarto at nagligpit si mama ng gamit. Pero gamit ko lang ang nililigpit nya may nilagay syang maliit na notedbook sa bag na puno ng damit ko at hinila uli ako.

Pag baba namin nakatingin ang lahat , tumayo si papa.

"Saan mo dadalhin ang anak ko?"-galit na tanong nya kay mama.

"Anak ko sya , desisyon ko to."- sigaw ni mama.

"Ely ipapahamak mo lang ang bata kung aalis ka iwan mo nalang sya dito."-marahang sagot ni tita hazel.

"Wala kang pakielam sa desisyon ko kapatid lang kita!"-sigaw ni mama at hinila ako.

Napatingin ako sa mga kapatid ko mula sa upuan si kuya amyr at angelo.

Wala silang ginawa kundi tinignan lang ako habang paalis kami ni mama.

Hindi nila ako mahal , hinayaan lang nila akong umalis...

THE RAIN ON HER BIRTHDAYWhere stories live. Discover now