2006. 6 years old ako, yun yung pinakabata ako na natatandaan ko na nag celebrate kami ng Birthday ko, I think that was the first and last.
Pumunta kami ng Jollibee, kumain syempre, bumili ng Kiddy meal ba iyon? 'di ko na maalala basta may kasamang laruan.
Wala ang papa ko nung time na nag celebrate kami ng Birthday ko, kami lang ng mga kapatid ko at mama ko. by the way, bunso ako, at nag-iisang babaeng anak. Well, if you think I'm a princess? Tama kayo! Chour, hindi e.
At yun na yun. Thankful, yes. At naalala ko pa, pilit pa ang saya ko nun, di ko maalala kung bakit, baka depressed na talaga ako noong 6 years old palang ako hoho.
2018, 18 na meeee yehey. Wala, maniwala man kayo o hindi, mag-isa lang ako sa bahay nun, nakahiga, nakatingin sa bubong namin naghahanap ng butas hahaha. De, kasi walang pira kaya naman di nag hahanda, feel nyo ako? Hahah.
Pero alam nyo yung sad? Ni isa sa bahay wala man lang bumati, e kasi nga wala sila sa bahay Hahaha. hindi, sa kwarto lang ako mag-isa. Pero nasa paligid-ligid lang talaga sila, di talaga nila ako binati. Hahaha, di naman masama loob ko no.
Wala lang, "e ano kung birthday mo?" Ganorn! Hahahah
De, totoo nga, walang sama ng loob, nasanay nalang talaga kahit nga nitong Sunday e, well Wednesday parin ngayon HAHAHHAHA 1:29am.. ayun kahit nung Sunday di naman nila ako Binati, mga kachurchmate uu, e syempre kada may birthday don inaanounce tapos kakantahan, pero after non, e ano nanaman kung Birthday mo? Hahahahha.
Ganuun.
Kaya kung tatanungin nyo ako kung anong ganap tuwing Birthday ko. i
Isa lang isasagot ko palagi. "WALA HAHAHA"Kung nag tatanong kayo kung asan si Boyfriend ko nung Birthday ko, so ayon nasa malayong lugar siya nung mga panahon na iyon hahaha at Sunday yon, busy ako pag sunday nag wo-work ako sa langit tas uwian every Monday, Tas babalik ulit ng Saturday. Hehe.
At ginagantihan nya ako dahil wala ako noong Birthday nya xD abay natapat din ng Sunday din noon, hindi ko naman sya pwede unahin kesa sa Trabaho ko sa Langit aba baka masisante ako, tyaka alam nyo ba, ang nanay at tatay ko, thunds na, kaya di ako pinapayagan lumayas ng malayo, kaya di rin ako makakapunta sa kanya nung time na yun kung hindi natapat ng Sunday, kasi ang layo talagaaaa, nasa Cavity sya hehe. Cavite bes. Ayon.
Oh nagsisisi na ba kayong nag babasa kayo dito? Pwes wag nyo ako sisisihin, at ibash, diko kayo pinilit at di ako ang inay ninyo para mag desisyon sa buhay nyo. Hahhaha rude nay. Chour.
After ng Birthday ko, kinagabihan, naramdaman ko nang masama ang pakiramdam ko, per diko muna ininda, sabi ko baka nang-aasar lang to. Kasi sa totoo lang, pinagpepray ko talaga kay Lord halos araw-araw na kunin na nya ako, sana di na ako umabot sa 21 years, sana sa Birthday ko kunin nya na ako...
Masaya o malungkot.. gusto ko na lang maglaho. Siguro sa pagod sa lahat. Ewan ko rin. Hindi ko sure kung saan.
Nang magkasakit ako ng tuluyan nagising ako ng Monday 3am, saktong pauwi ng Rizal Boyfriend ko, mga 5 to 6 hours ang Byahe nila, so 8am pa sya makakauwi sa kanila o baka 9 am pa, tas maliligo lang daw sya sa bahay nila at pupunta na sakin. Yun naman talaga ang usapan namin, sabi ko sa kanya "Baby, wag ka na kaya pumunta? Baka mahawaan kita eh?"
Well, swerte ako ng bahagya, sabi nya "Bakit nakakahawa ba yan?" "Pupunta parin ako huh basta"
Di na ako nakapag reply, diko alam kung anong isasagot ko kasi gusto ko rin naman sya makasama, halos isang buwan ko na syang di nakikita sa Personal eh.
At yun na nga, habang nakakaranas ako ng sama ng pakiramdam na wala naman sa isip ko na ikamamatay ko yun hahahahaha, napatanong ako kay Lord. Sabi ko sa kanya. "Lord, nag pray po ako sayo na kunin mo na ako sa Birthday ko, pero bakit po binigyan mo ng sakit? Hahah" actually sa tuwing pinagpepray ko talaga na mamatay na ako, with faith ko talaga syang pinagpepray.
And the realization that came up in my mind e, wala.. Hahahha Char. 'de naisip ko, alam ng Panginoon na... nahihirapan lang ako kaya ko napagpepray yung ganun, at isa pa, He is in His control, sino ba ako para pangunahan sya na kunin nya na ako hahaha nag pipiling Propeta yata ako sa Oldtestament. Hahahaa. Mapagdesisyon. Hahaha.
And you know what is sad? Dito sa bahay namin, pagagalitan ka pag may sakit ka. Except sa mga brother ko, bihira sila pagalitan pag may sakit sila, actually, inaalagaan pa nga. Tbh, di ako nag seselos or what, pero gusto kong sabihin kung bakit ako napapagod, saan ba nagmumula yung pagod na yun.
Bakit nila bihira pagalitan sila broduh pag may mga sakit? Kasi sasama lang loob nila mother and father earth pag pinagalitan nila, mas galit pa sa kanila. :)
Pero alam nyo malufet? Alagang-alaga sila pag may sakit. "Bong baka may pawis na likod mo?" "Cong anong gusto mo?"
Sa mantalang ako, recently lang.
"lie okay ka lang ba? Paki hanap naman ako ng masusuot na damit oh" kahit ako ay nahihilo na dahil sa sama ng pakiramdam, obvious naman sa itsura kong mapungay ang mata ngayon at maga ang ilong.Ilang gabi na akong inaapoy ng lagnat, pero wala akong kasama, ako lang mag-isa. Yung boyfriend ko, niyakap nalang ako nung monday tanghaling tapat, nakabalot ako sa kumot habang yakap nya ako kasi lamig na lamig ako. Pero pag-uwi nya wala na ulit, ako nalang uli mag-isa. Di ka makasaklolo pag nahihilo kana. Nahihirapan akong masakit ang buong katawan ko.
Nag papahinga ako kanina dahil nga masama pakiramdam ko sinigawan ako ng aking broduh "Lie! Darating sila ano! Ano naa! Hihiga ka nalang? Mag luto kana at mag linis sa baba!"
Sabi sa inyo eh :) hindi po ako Princess.
Kahit Birthday mo, walang excuse! wala akong pake kahit pagod ka, kahit may sakit ka, wala akong pakialam.
Kaya ako napawattpad e. Kasi wala na akong maiyakan, masabihan, yung hindi ako huhusgahan, o sasabihan ng "yang lungkot nasa isip mo lang yan"
Di naman ako habang buhay malungkot, pero di rin naman habang buhay akong masaya.
Ganito ang totoong buhay, hindi pwedeng pareparehas palagi ang pipiliin mong emosyon, pero kung binigyan ka ng talentong pumili ng mararamdaman mo ngayon araw, piliin mong sumaya hanggang maramdaman mong may kulang at babalik ka uli sa luha para maramdaman mong di ka man masaya ngayon pero okay ka naman.
Ngayon 21 na ako. :) Mas pipiliin ko muna maging Positibo (hindi sa covid) sa pananaw sa buhay, para mas masarap ng tumawa habang okay ka talaga.
Ps. May panlasa ako. ;)
Gooodnight na, 2:10am na eh.
Bukas ako mag continue hahaha or mamaya.Magulo pa tayo mag chika ngayon hahaha, pero soon hayaan nyo, magulo parin walang magbabago. HAHAHHA
YOU ARE READING
Hindi natin sure?
Teen FictionSo as you can see wala akong kenemeng Background or mga checheburetche, I just want to express my feelings, my pain, the hardship of this kenemeng life, my happiness at kung ano-ano pa. Kaya "Hindi natin sure?" ang title, bukod sa diko talaga alam k...