PROLOGUE

3 0 0
                                    

Friendly Reminder: No to Plagiarism

Panay ang hiyawan sa loob ng SM mall dahil sa isang sikat na manunulat na si SecWrit (secret_writer). Nag bo-book signing ito habang nakapila naman ang mga fans niya para sa isang autograph.

Siksikan at nag-aapakan na at ang iba naman ay kanya-kanyang tulak maka una lang.

Sa kabilang banda ay isang batang babae naman ang umagaw nang pansin nang writer at masuwerting unang pinili para bigyan nang autograph.

"Anong pangalan mo?" Maamong tanong nang writer.

"Cindy po." Nahihiyang sagot naman nito na ikinatuwa nang writer dahilan para bigyan siya nito ng dalawang libro ng novela na gawa nito.

"Akin na po ito?"

"Oo sa iyo na 'yan."

"Ang suwerte naman niya! Ako din po miss SecWrit!" Sigaw ng iilan na pumipila pa para makakuha ng autograph.

Labis ang tuwa ni Cindy lalo pa at binigyan siya nito nang dalawang novel. Ang iba naman na halos hindi na makapag antay.

"Halika rito may sasabihin ako sayo." Yaya nang writer at pinaupo siya nito sa tabi.

Lumapit si Cindy at umupo sa tabi ng idolo niya saka nakinig.

"Gusto kong ingatan mo ang mga nobela na ito at sa takdang panahon, nais kong ibigay mo ang isang nobela sa lalaking gusto mo. Maliwanag ba?"

"Po?"

"Kasi para sa akin ay mahiwaga ang mga ito."

"Paano po naging mahiwaga?"

"Destiny kasi ang dalawang novel na ito, kaya ingatan mo ha?"

"Makakaasa po kayo. Sana balang araw ay magkikita po ulit tayo."

"Mangyayari iyan little girl."

Nalilito si Cindy sa sinabi nang idolo niya at hindi alam ang ibig sabihin nang salitang Destiny at nahihiwagan siya dito kaya nag kibit balikat nalang ito habang papalayo na ito sa mga nag kukumpulang mga tao.

"Tahimik! Pakinggan niyo muna si Miss SecWrit." ~sita nang isa sa mga bodyguard nito dahil halos dumugin na nila ang kanilang idolo.

"Gusto ko lang po sabihin sa inyong lahat na ang mga librong iyon na ibinigay ko sa batang napili ko talagang bigyan ay nag-iisa lang ang mga iyon at wala iyong anumang kapareha." 

Natigil ang lahat sa pag-iingay at namayani ang katahimikan. Nalungkot din sila sa narinig dahil gusto pa naman nilang makahingi nang isa man lang na gawa nang writer na libre lang.

"Dahil ang dalawang iyon ay pamana lang din sa akin nang isang writer noong hindi pa ako sikat at nagsisimula pa lamang. Wag kayong mag alala dahil sa araw na ito libre lahat ang librong dala ko at kalakip 'non ang autograph ko. Salamat sa suporta."

Kumaway siya sa mga tao saka tumalikod na at umalis. Doon nagsimula nanamang magkagulo at nag-uunahang makakuha.

Ang batang si Cindy naman ay masayang-masaya dahil sa nangyari habang yakap-yakap niya ang dalawang novel na bigay sa kanya. Malapad ang ngiti niya habang naglalakad palabas nang mall at pabalik na sa kotse nila.

Hindi alam nang mga magulang niya na bumaba siya nang sasakyan at nakikipag siksikan sa mga taong nagkakagulo kanina dahil sa idolo nila.

Natakot lang siya na baka naunahan na siya nang mga magulang niya na makabalik sa kotse nila. Nag grocery lang ang mga ito saglit.

Malaki naman ang ginhawa niya nang makitang wala pa ang mga ito. Kumuha nalang muna siya nang ballpen sa loob ng kotse at saka lumabas at umupo. May mga nakahilirang upuan kasi sa labas ng mall na malapit lang din sa kotse nila. Umupo siya doon at sinulat ang buong pangalan niya sa isang libro. At para iyon sa bibigyan niya pagdating nang tamang panahon.

"Daddy! Bakit walang autograph?! I hate you! I hate you!"

Habang naghihintay ay nakarinig siya nang bulyahaw nang isang batang lalaki at tila galit ito dahil sa isang autograph.

Napatingin si Cindy sa kinaroroonan nito at nakita niyang nakaupo pa ito sa sahig na tila gusto masunod lahat nang layaw kahit hindi kaya nang magulang nito.

Napagtanto nang batang si Cindy na ang iniiyakan pala nito ay ang novelang gawa ni SecWrit.

Marahil ay binili lang iyon nang mommy at daddy niya sa bookstore dahil hindi nila kinaya ang dami nag tao kanina. Masuwerte lang si Cindy at inuna siya.

"Oh my gosh Arvin! You're already 16 years old. Kung umasta ka daig mo pa ang isang batang walang malay." Paninita nang mommy nito na tila naiinis na sa pinaggagawa nang anak.

"Eherm!"

Napatingin silang lahat sa isang batang babae na tumikhim mula sa likuran nila.

"Hija, may sadya ka ba?"  Tanong nang ginang.

"May ibibigay lang po ako sa kanya." ~maamong sabi ni Cindy sabay turo sa batang lalaki na nakaupo sa sahig.

"Ah-ha? Ganoon ba?" ~gulat na sabi nang ginang.

"Ano ba iyon hija?"- tanong naman nang asawang lalaki nito na animoy sinilip pa siya dahil nakayuko ito at nahihiya.

"Sa kanya nalang itong isa." ~ sabay abot nang novel sa mag-asawa.

Nagliwanag ang mukha nang batang lalaking umiiyak kanina at agad itong tumayo saka hinablot ang libro at tinignan ang likod kong may autograph nga nito.

Sobrang laki ng ngiti nito nang makita na meron nga itong autograph at dahil sa sobrang saya ay niyakap niya si Cindy.

Nagulat si Cindy sa ginawa nito dahilan para mamula ang pisngi niya.

"O Arvin, magpasalamat ka sa kanya."  Sabi nang mommy nito.

"Ako po si Cindy."

"Salamat Cindy ah. Ang swerte mo naman dalawa pa binigay sayo."

"Hindi naman." Nahihiyang tugon nito.

"Ako nga pala si Arvin, nice meeting you. Sige uwi na kami."

"Nice meeting you too Arvin! Basahin mo yan ha?!"

"Oo!"

"Mom! Ma le-late na ako dalian niyo na nga diyan."

"Oo eto na."

Nakita ni Cindy ang isang binata na sumilip sa bintana nang kotse nila at hinagip pa siya nito nang tingin.

Bumilis naman ang kabog nang dibdib nang batang si Cindy na di alam kung ano ang dahilan.

"Cindy?"

"Mommy!"

"Ano bang ginagawa mo diyan at parang may kausap ka?"

"Wala po mommy."

"At ano naman yang novel na dala mo?" ~puna nang daddy niya.

"Alam niyo na po Daddy."

Wala nang naisagot pa ang ama nito dahil alam nang mag-asawa na mahilig itong magbasa ng novel at lalo pa na mahilig din itong gumawa nang sarili niyang storya. (Kuwento)

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now