WARNING: UNEDITED
Kalilipat ko lang sa isang apartment dito sa syudad. Galing ako sa probinsiya at kailangan kong lumuwas dito sa syudad para kumayod para sa pamilya ko at lalong lalo na para sa kapatid kong tutungtong na sa kolehiyo.
Nakahiga ako sa kama ng bago kong apartment na halos walang laman kundi ang tatlong cabinet na nasa sala at kwarto, ang nag-iisang kama at ang maliit na tv. Katatapos ko lang magwalis ng mga alikabok at iayos ang mga gamit ko sa isang malaking cabinet dito sa kwarto.
Nakakapanibago. Napakatahimik ng dito sa apartment. Ibang-iba sa probinsya. Nakakamiss ang pamilya ko na alam kong matagal kong hindi makakasama. Nakakapanibago dahil kung anong ikinatahmik ng probinsya, ay sobrang ingay naman dito sa syudad. Ang mga busina ng mga sasakyan at ang nakasusulasok na usok ng mga ito ay talagang ibang-iba sa probinsya.
Napabangon ako nang napagtantong nakatulog ako sa pagod. Nang tignan ko ang oras sa aking cellphone ay hapon na pala. Kailangan ko pa palang bumili ng mga gagamitin at pagkain. Kinuha ko ang wallet ko ang Nakita ko ang 5 thousand na natira sa ipon ko. Pwede na siguro itong 2,500 na pambili ng mga kailangan ko.
Agad akong naligo at nagpalit ng isang simpleng maong at t-shirt. Kinuha ko ang cellphone at wallet ko at lumabas na sa apartment.
Isasara ko na sana ang pintuan dito sa labas nang may marinig akong pagsara mula sa loob ng apartment. Nagsawalang kibo lang ako dahil baka guni-guni ko lang iyon. Nilock ko ang pintuan ng apartment at bumaba na ng building. Nasa ika-apat na palapag ang aking apartment kaya naman ay mahaba-habang lakaran ang gagawin ko bago makarating sa pinakamalapit na grocery dito sa apartment.
Nang makarating sa grocery, agad akong kumuha ng medyo malaking cart at sinimulang kumuha ng mga kakailanganin ko. Ang inaakala kong 2,500 na magkakasya sa mga pinamili ko ay mali. Dahil sa kaunting nabili ko lang ay umabot na sa 3,000. Nagulantang ako sa nakitang total ng mga pinabili at wala nang nagawa kundi bayaran ang mga iyon.
Dumaan din ako sa ukay-ukay para mamili ng damit na maaari kong magamit sa trabaho ko. Kanina lang ay tumawag ang kumpanyang pinag-apply-an ko sinasabing natanggap ako at maaari na akong magsimula sa lunes.
Bago ako umuwi sa apartment ay dumaan ako sa katabing karinderya at bumili na ng pagkain dahil tinatamad akong magluto sa oras na iyon. Bumili lang ako ng isang rice, pinakbet at fried chicken para sa aking hapunan. Umakyat na ako sa papuntang apartment ko at dahil nasa ika-apat na palapag ang apartment ko, pawisan at pagod na pagod ako nang makarating.
Isusuksok ko na sana ang susi sa padlock nang napagtantong sira ito. Pero sa pagkaka-alala ko ay maayos naman ito bago ako umalis. Isinawalang bahala ko nalang iyon at pumasok na sa loob ng apartment.
Pagkapasok ko palang ay alam kong may kakaiba. Napansin ko ang alikabok sa sahig na kanina'y winalisan ko. Pero paano nangyari iyon? Umakyat ang kaba sa Sistema ko dahil sa mga napapansin. Ang biglang pagsasara ng pintuan, ang sirang padlock at ang alikabok dito sa sahig. Nakakapraning ang nararamdaman kong takot dahil mag-isa lang ako dito sa apartment. Bigla bigla lang ay biglang may nagsarang bintana sa may sala. Nang lapitan ko ay doon lang ako naginhawa dahil baka itong bintana ang malakas na sumara kanina. Naiwan ko ata itong nakabukas. Baka ito rin ang dahilan kung bakit may alikabok dito sa loob.
Sinara ko na itong bintana at nagwalis uli bago ko ayusin ang mga pinamili ko kanina. Inayos ko ang mga delata at noodles sa kitchen cupboard at ang iba pa ay sa maliit na countertop inilagay. Ang mga inukay ko kanina ay agad ko nang nilabhan at sinampay sa maliit na balkonahe.
Pagod uli akong naupo sa kama ko at tinignan ang cellphone ko kung sino ang nag-text at tumawag ngunit wala kaya't inilagay ko nalang ito sa ilalim ng unan ko at dumiretso sa kusina para kumain.