Chapter 29

521 66 6
                                    

Abby's POV

"Gusto kita". Biglang ani ko at nanlaki naman ang mata niya ng marinig ang sinabi ko.

"A-ah nag bibiro kaba, pwes hindi nakakatawa". ani nito at inirapan pa ako

"Hindi ako nagbibiro, totoong gusto kita, gustong gusto kita matagal na". Ani ko sabay hawak sa dalawang kamay niya.

"Naririnig mo ba yang sinasabi mo, hindi pwede, magkaibigan tayo, at lalong hindi pwede kasi.....kasi parehas tayong babae I'm straight and.....I don't like you". Ng bigkasin niya mga salitang yan ay bigla na lang may tumulong luha sa mga mata ko.

Hinigpitan ko naman ang pagkakahawak ko sa kanya at.. "Please, subakan lang natin". Pag mamakaawa ko, inalis niya naman ang pagkakahwak ko sa kanyang kamay at tumayo ito.

"Mahal kita.....Pero as my bestfriend yun lang yon, kaya sana kalimutan mo na yung nararamdaman mo para sakin". Ani nito at tumayo naman ako para pantayan siya.

"Pero mahal kita ng higit pa sa pagkakaibigan". Ani ko kasabay ng pag tulo ng mga luha ko

"Kung mahalaga sayo yung pagkakaibigan natin kakalimutan mo yung nararamdaman mo para sakin pero kung ipag papatuloy mo yan sigurong mas mabuting tapusin na lang natin yung friendship na meron tayo". Nagulat naman ako ng sabihin niya ang katagang iyan.

"O-ok f-fine". Napipilitan kung sagot.

"Kakalimutan ko yung nararamdaman ko para sayo, basta huwag mo lang tapusin yung kung anong meron tayo ngayon". Dagdag ko, labag man sa kalooban ko pero ayaw ko siyang mawala sa tabi ko.

"Mabuti kung ganun, sana kalimutan na natin kung anong nangyari ngayong araw na to, at huwag na huwag mo ng babanggitin ang tungkol dito, at ipangako mo na tayo lang ang makakaalam ng tungkol sa pag amin mo". Sabi nito.

"P-promise, basta huwag mo akong iiwasan at gagawin ko ito para hindi masira ang pagkakaibigan natin". Pag mamakaawa ko at niyakap siya. Hindi siya yumakap pabilik. :(

"Amm, uuwi na ako". Sabi nito kaya tinanggal ko ang pagkakayakap ko sa kanya at tumango.

Iyak lang ako ng iyak dito sa kwarto ko, sobrang nasaktan ako sa mga narinig ko mula sa kanya.

---

"Abby anak, ok ka lang ba tignan mo nga yang sarili mo namamayat kana, ano ba kasing nangyari at iyak ka na lang ng iyak diyan, kailangan mo ng kumain". Sabi sakin ni Mommy.

Hindi ako nagsalita at hindi pinansin si Mommy sa mga sinasabi niya, Iniwan ko siya mag isa sa kwarto at tumakbo palabas ng bahay, hinabol naman ako ni Mommy at pagkalabas ko ng bahay ay biglang may dumaan na sasakyan dahilan ng pagka bunggo ko.

"Abby!!!". Huling rinig ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.

---

Still Into YouWhere stories live. Discover now