Chapter 2

12.9K 392 77
                                    

Jasmine

Maaga ako ngayong nagising kasi excited na akong pumasok sa college. 

First time ko kasi na papasok na ako lang mag isa at hindi kasama  ang best friend.

Kaya medyo kabado ako ngayon at medyo nahihiya din. Kasi nga hindi ako sanay na mag isa lang ako. Sana naman may makilala agad ako na pwede kong maging kaibigan kung saka sakali. 

Tahimik lang akong naglalakad ngayon sa hallway habang hinahanap kung saang building ang first subject ko. 

Hindi kasi ako familiar sa school na ito kaya nangangapa pa ako ngayon. 

Madami dami na rin ang mga estudyante na nakatambay lang dito sa hallway, at yung iba naman ay mga nag kwekwentuhan at nag haharutan lang. 

Nang makita ko na ang building ng first subject ko ay  agad ko ng hinanap ang assigned classroom. Kaagad na akong pumasok sa loob ng makita ko ito at naupo sa may gitna malapit sa may bintana. 

Mas gusto ko kasi na nasa gitna lang ang pwesto ko. Pag kasi sa unahan ay masyadong malapit ka sa teacher at board. Tapos pag sa hulihan naman ay puro chismis lang ang ginagawa ng mga estudyante doon. Wala kana halos natutunan. Tsaka partida rin na hindi masyadong tinatawag ng teacher ang mga nasa gitna madalas ay iyong mga nasa likuran banda. 

May mga classmates na din naman akong nandito na siguro mga nasa 20 na ang bilang. Sabagay medyo maaga pa naman kasi talaga. 

Kinuha ko na lang sa aking bag  ang headphone sabay  pa tugtog ng mga songs ng blackpink. Ang galing kasi nila tapos ang gaganda pa. Lalo na yung model ng Celine na si Lisa. Tapos ang galing pa sumayaw nakakabilib. Ako kasi hindi na nga kagandahan ang boses tapos pareho pang kaliwa ang paa. 

Hindi ko nga alam kung makakapasa ako sa dancing ng PE subject ko. Sana naman hindi masyadong istrikto ang Prof namin doon. 

Hindi ko namalayan na dumating na pala ang professor namin kasi naka focus ako sa kanta at nakayupyup lang ako dito sa aking upuan. 

Naramdaman ko na lang ang pag siko sa akin ng katabi ko ngayong lalaki at sabay sabi na nandito na si Ma'am. 

Agad kong inayos ang aking sarili at umupo ng maayos sabay tingin sa harapan.

"Wow!!!" Hindi ko napigilan na bulalas ko. Buti na lang at hindi malakas kung hindi ay baka napahiya na ako. 

Ang ganda niya kasi. Parang isang diyosa sa Olympus na naligaw dito sa University si Ma'am. 

Nagpakilala na si Ma'am. Ms. Jane San Gabriel pala ang kanyang pangalan. Grabe naman si Ma'am di manlang ngumingiti. Napaka formal naman nito. Sa isip isip ko. 

Pero in fairness kahit ganun na napaka seryoso nitong magsalita ay napaka lamyos naman ng boses nito. Di bagay sa ibinibigay niyang aura ngayon. 

Nagpakilala na rin kami sa isa't isa sa harap na as usual wala ng iba pang ginagawa pag first day of school. 

After magpakilala ay nagsulat na sa board si Ma'am Jane ng mga magiging topics namin sa susunod na meeting namin sa kanya. 

"Class advance reading ninyo na mga topics na yan kasi sa susunod na meeting natin at magpapa oral recitation na ako sa inyo."

"Hindi na kayo mga bata para hindi mag aral ng mabuti. Pinakaayaw ko sa lahat ay ang mga tatanga tanga sa klase ko. Kung ayaw ninyo ng mga patakaran ko, mabuti pa habang maaga ay mag drop na kayo kaagad. Kasi hindi ko kailangan dito ang mga estudyante na tatanga tanga. Nag kakaintindihan ba tayo?!!! Sigaw nito sa amin. 

Agad naman kaming nag yes Ma'am, nakakatakot kasi siya. Hindi bagay dito ang kanyang ginagawa. 

Sarap lang e sako ni Ma'am, sabay tapon sa ilog pasig.

"Okay class dismissed" sabi ni Ma'am Jane sabay kuha ng gamit niya sa table saka umalis. 

Doon pa lang kami nakahinga ng maluwag ng makaalis na si Ma'am. Nakakatakot naman yon. Ang di na napigilan na bulalas ng mga classmates ko. 

Unang subjects pa lang ito ha. Pero parang ayaw ko ng pumasok. Tama pala yung sabi sabi nila na madami raw terror na Professor dito sa University na ito. 

Tumayo na rin ako at umalis na sa room. Hahanapin ko pa ulit kasi yung sunod kong subject kung saan banda ang room nito. 

Maagang natapos ang klase ko ngayon. Maaga kaming pinalabas kanina si Sir. 

Papunta na ako ngayon sa aking kotse ng may mapansin ako na parang nag aaway. 

"Ano ba Lisa, kailan mo ba ako titigilan ha?!!! Wala ka na talagang pinapalampas, hanggang dito ba naman sa school ay bwibwisit mo pa rin ako!!!!!! Dinig kong sigaw dito ng magandang babae na mukhang galit na galit sa naka yuko lang na babae. 

Naiiling na lang akong sumakay ng aking kotse. Magkaaway siguro yung dalawang yun, sa isip isip ko. 

Nang makarating sa bahay ay agad na akong dumiretso sa aking kwarto para magpahinga. 

Napagod talaga ako ngayon ng sobra. Iba na pala pag college kana. Dapat responsable ka na sa lahat ng action mo. Hindi pwede pala dito yung dating ginagawa ko noon nung high school pa lang ako na konting aral lang basta complete attendance ka ay papasa kana. 

Bawal kasi na e bagsak ng estudyante ng mga teacher kasi marami pang gagawin na explanation ang teacher kung ibabagsak nya ito kaya hindi na lang nila ginagawa.  Kaya tuloy daming naka graduate na mga wala halos natutunan. 

Eh dito kasi sa college hindi pwede ang ganun, Kung bagsak ka bagsak ka talaga. Lalo na kung State University pa ang iyong school na pinapasukan. Katwiran ng mga Professor mo ay nandito kayo para mag aral hindi mag bulakbol. Kung ipapasa namin kayo ng wala naman kayong natutunan ay ang pangalan ng school ang maapektuhan kasi dala dala ninyo ang pangalan ng school. 

Pagdating ko sa bahay ay agad na akong pumasok sa loob. 'Manang paki handaan naman po ako ng meryenda at paki dala na rin po sa kwarto ko." Ang bilin ko sa aming kasambahay ng makasalubong ko ito sa may hagdanan. 

"Sige po senorita, sunod ko na lang po sa room ninyo ang meryenda." Nakangiting sagot naman sa akin ni Manang

Pagkadating ko ng room ay nag bihis na ako at nahiga. 

Tamang scroll lang sa social media naghahanap ng bagong chismis, habang hinihintay ko si manang. 

Hayst sobrang nakakapagod ang araw na ito. 




Ms. Athena Saint Claire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon