" Hello, Good morning everyone. " Isang masiyahing dalaga ang pumasok sa simpleng tahanan ng mga Magallanes. Napatawa ang Ginang samantalang napangiwi naman ang isang dalaga sa loob ng bahay.
" Ay tita, Good morning po. " bati ng kakapasok lamang na dalaga sa nadatnan nyang tiyahin sa sala.
" Oh, ang aga mo naman Daisery. " sabi ng huli
" Maaga po kasi akong nagising haha. Eh, nasan po si tito?" tanong nito habang inaabot ang kamay ng Ginang upang mag mano.
" Ah, ang tiyo Mando mo ay maagang umalis para magtrabaho sa bukid. " Ani Ginang matapos tupiin ang huling piraso ng damit.
" O sya sige, ipapasok ko muna tong'mga tinupi kong damit. Pasok ka sa loob nandun ang pinsan mo." Wika nito bago tuluyang lisanin ang dalaga sa sala. Agad namang tumalima si Daisery upang tunguhin ang kanyang pinsan, hinanap nya ito sa loob ng bahay at natagpuan nya itong nagtitimpla ng kape sa kusina. Napatawa sya ng mahina ng makita ang parang sabog nitong mukha, halatang kakagising lamang.
Dahan dahan syang pumasok sa kusina dahil napansin nyang hindi ramdam ng isa ang kanyang presenya. Isang pilyang ideya ang pumasok sa kanyang isipan.
* Boooo.. Sambit ng dalaga sabay pabirong tulak sa likuran ng kanyang pinsan. Tatawa tawa siya ng magulat ito, ngunit agad din namang nawala at agaran siyang nilingon.
" Oh, ginagawa mo dito?. Aga aga eh namemeste ka. " Sambit ng dalagang si Almira sa pinsan nitong si Daisery.
" Ano ba yan Mira, ang aga mo mag sungit haha. Ganda ka?, eh sabog ka nga haha." Matalim siyang tiningnan ni Almira sabay bigkas ng..
" Mukha mo sabog. "
Daisery mentally laughed for what happened, as usual pikon na naman ito sa kanya haha. Inayos nya ang kanyang upo ng maalala kung bakit nga ba siya narito ng ganto' kaaga, may chika siya sa pinsan.
" Oy, may chika ako.. " Hindi paman din siya tapos magsalita ng barahin sya nito.
" Paki ko sa chika mo!" usal nito sa dalaga." Haha chill sis, highboiled ka masyado eh. "
" Tssss. "
" Eh, kasi narinig ko si mama at tsa' Aida. May darating daw bukas kila tsa' Aida. Sino kaya no?, may iba pa bang anak si tsa' Aida bukod kay Shiro? " takang usal ni Dais.
"Wala."
Napa isip naman si Daisery kung sino kaya ang darating sa bahay ni Aida, dahil sa pagkakaalam nya rin ay wala na itong ibang anak maliban kay Shiro. Imposible ding ang asawa nito, dahil nasa ibang bansa ito nagtatrabaho at hindi pa ito makakauwi sapagkat kakauwi lamang nito noong nakaraang taon.
" Curious tuloy ako. Titingnan ko nga kung sino once na makarating siya haha. Ayaw mo bang sumama insan? "
" Yoko, Ikaw nalang. Marami pa akong gagawin. "
" Edi don't haha. Sige alas nuwebe na pala pinag sasaing pa ko ni mama, uuwi muna ako. " Sambit ng dalaga bago tuluyang lisanin ang tahanan ng mga Magallanes.
----------•----------•
" Oh yan na ba lahat ng gamit na dadalhin mo?"
Amelia asked when he saw his son sitting on the living room together with his lagguage." Yeah, happy ma?. Anyway how would I go there without my Car? Don't tell me I'm gonna commute? " baling ng binata sa kanyang Ina.
" No, alam ko naman na hindi ka mag cocommute. Don't worry ihahatid kita, bibisitahin ko na rin ang tita mo. " So let's go? ". Deretsong sabi ng kanyang Ina sabay muwestra ang kamay upang ayain ang anak palabas.
YOU ARE READING
ITNH ft. SINFUL DESIRE
RomanceThe Heart's Desire is a fictional novel by @ Billawrights.