Chapter 3

3 0 0
                                    

Chapter 3: Thank you and Sorry

Hanggang ngayon di pa rin nag si-sink in kay Sophia ang nangyari kanina sa kanilang dalawa ng binata sa canteen. May nasabi ba siyang mali? kasi kung meron man dapat siyang humingi ng tawad. "Wait bakit ka hihingi ng tawad? kasalanan mo bang sensitive siya?diba okay lang naman may nagagalit sayo? so di na yun big deal" ani ng kanyang utak.

No, i need to apologise hindi dahil sa nag aalala siya sa damdamin ng binata kundi guilty lang siya at ayaw niya na may nagagalit sa kanya, yes yun lang ang reason at wala ng iba pa.

"Sophia!" tawag sa kanya ni Angel habang papunta sa gawi niya.

"Angel! halika upo ka, mabuti at tapos na kayong mag campaign" ngiting sabi ko.

"Oo nga eh, sayang nga di ko nakita ang ka gwapuhan ng bago nating classmate. Nasaan ba siya?" tanong nito.

"Umalis na, di ko alam kung saan papunta"

"Gwapo ba? sabi nila gwapo daw tapos katabi mo pa then ikaw pa daw ang nag tour kasi inutusan ka daw ni Ms. Villa ang swerte mo naman ano gwapo ba?" pangungulit na sabi niya.

She gulped "H-hindi n-naman siya g-gwapo, at oo katabi kami at inutusan akong itour siya."

"Sabi nila gwapo. Sabagay wala namang taste yung mga classmates natin lahat sa kanila ay gwapo." maktol na sabi nito.

Kung alam mo lang kung ano ang totoo Angel baka di ka makahinga sa mala adonis niyang mukha.

"Lets go Sophia, may class pa tayo." ani nito sabay tayo sa inuupuan nila. Tumayo na rin siya at nagsimula na silang mag lakad papunta sa kanilang room.

Nakakapagod ang araw na yun para kay Sophia ang dami niyang hinabol na paper works dahil nga isang buwan din siyang busy sa training nung pageant and here she is nasa labas na ng gate ng school dahil kakatapos lang ng klase nila, hinihintay kasi niya ang papa niya and its already 7 pm in the evening may klase kasi sila sa gabi dahil sa rami ng subject nila kaya di alintana na gagabihin talaga sila.

"Hi miss, ang ganda mo naman pwedi pa kiss" sabi ng lasing na lalaki na kakadaan lang.

Shit kaya ayaw kong ginagabi kasi may mga ganitong tao ako pa naman ang nag iisa dito dahil kakaalis lang ng guro namin.

"Sige na miss, alam ko naman na gusto mo kaya halika na" pilit na sabi nito sabay hawak sa kanyang pulsohan.

"L-let me go, bitawan mo ko!" sigaw na sabi ko sa kanya.

"Halika na wag ka ng mag papilit!" galit na sabi nito.

Unti- unti ng tumutulo ang mga luha sa mata ni Sophia, she don't know what to do hinihila na siya ng papilit ng lasing na lalaki at alam niyang walang tutulong sa kanya dahil nakauwi na lahat ng estudyante at mga guro at napakadilim pa ng pwesto nila. She wants to shout pero hagulhol nalang ang kayang ilabas ng kanyang bunganga, pumikit nalang siya at nag dasal na sana ay may taong tumulong sa kanya.

Habang hinihila siya papilit ng lalaki ay may narining siyang isang click ng camera at dahan dahan siyang tumingin sa gawi nito kahit di niya maaninag dahil sa panglalabo ng kanyang mata dahil sa luha.

"Isang lasing na lalaki pinipilit ang isang menor de edad na estudyante na sumama sa kanya para makipag talik. Nice tittle kuya, bukas na bukas sisikat ka at makikita mo ang mukha mo sa tv" ani ng isang familiar na lalaki.

Bigla nalang tumakbo ang lasing na lalaki dahil yata sa narinig at doon siya nakaramdam ng relieve sa katawan, akala niya ay doon na magtatapos ang kanyang buhay mabuti at dumating si Eros.

"Eros?"

Luminga linga siya at hinahanap niya ang binata para tanungin ito kung bakit nandito pa to sa school at mag pasalamat na rin dahil sa pagligtas nito sa kanya pero nabigo siya at di niya na ito nakita, baka umalis na ito.

Sayang di siya nakapag pasalamat maybe bukas mag iisip siya kung paano niya kakausapin ito.

"Anak sorry natagalan ako, halika na para makauwi na tayo" sabi ng kanyang ama na kakarating lang.

Ayaw niyang sabihin sa kanyang ama ang nangyari dahil baka mas lumalala lang ang sitwasyon at baka mag alala pa to, kaya tahimik nalang siyang pumasok sa tricycle at dahan dahan na itong umandar papauwi.

Pag dating niya ay di siya kumain ng hapunan at dali dali nalang siyang pumasok sa kanyang kwarto dahil ang gulo gulo ng utak niya sa nangyari kanina, malapit na siyang bastusin ng lasing na lalaki tapos niligtas pa siya ni Eros.

What a day!

Gusto niyang manghingi ng tawad at mag pasalamat sa binata, at ngayon ay para siyang baliw na nag pra-practice sa harap ng salamin para ihensayo ang mga sasabihin nito.

"Hi! sorry pala sa nagawa ko... argh! shit bakit ganito nawiwindang na ako bakit ko ba to ginagawa mag papasalamat lang naman ako tapos bakit prina- practise pa, bahala nalang si batman bukas nakakapagod ng mag isip di siya gold kaya di siya big deal" frustrated na sabi niya sabay higa sa kanyang higaan at dahan dahan na niyang pinikit ang kanyang mga mata para matulog.

6:30 am at gising na gising na ang diwa ni Sophia and she's wearing green with stripes pencil skirt na may kaunting slit sa likod, white polo with green ribbon sa leeg and black doll shoes. She can see her reflection on her huge oval mirror at hapit na hapit sa kanya ang kanyang school uniform na ikinangiti niya, hindi ipagkakaila na she have a beautiful face and a sexy body simula sa almond hazel eyes niya, proud nose, plump red lips, clean and thick eyebrows, wavy hair, and fair white skin ay di maalintana na minana niya ito sa kanyang magulang, her mom is so conservative pag dating sa skin niya ayaw na ayaw ng kanyang ina na magasgasan ito at magkasugat kaya pag may sugat or sakit siya ay grabe na ang pag aalala nito. Para sa kanya ay isa siyang babasagin na manika na dapat ingatan kaya kahit minsan weird ay nakasanayan niya na rin ito and thankful din naman siya na maganda ang kinalabasan ng pag aalaga sa kanya ng ina.

"Anak, kakain na" sigaw ng kanyang mama.

Tiningnan niya ulit ang kanyang sarili at kinuha niya ang kanyang bag at lumabas na sa kanyang kwarto.

Umupo na siya at nagsimula na siyang kumain dahil nagmamadali rin siya ngayon dahil may kailangan siyang permahan sa office niya.

"Ma, i got to go madami pa akong gagawin ngayon sa school" sabi niya sabay tayo at kuha sa kanyang bag at school id.

"Okay nak, ingat ka" sagot nito.

Dali dali siyang lumabas ng bahay at nag hanap ng masasakyan.

Pag kadating niya ay kita kita niya si Eros na lumabas sa pintuan ng Honda Civic na sasakyan nito.

Lumapit siya sa binata at sadyang umubo para mabaling sa kanya ang atensyon nito at hindi ito nag kamali kasi tumingin siya sa gawi ko with his cold expression.

"H-hi s-sorry na distorb-bo kita, i just w-want to say thank you sa pag ligtas mo sa akin and i-im sorry na rin sa sinabi ko kahapon s-sa canteen na di m-mo nagustuhan yun lang aalis na ako."

Aalis na sana ako sa kanyang harapan pero bigla niyang hinila ang aking kamay na naging rason para maging malapit ang aming mukha, i feel his mint breath.

He brushed my hair using his fingers and whisper his words to my ear that makes my body shiver and i l-like it.

"Its my pleasure my queen, just remembered that i will always save you from everything and no one can hurt you."

___________________

AN: Thank you everyone for reading my stories lovelots 🌻

Amore Del Liceo 1: Acquiescent SophiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon