Wala sa mood na umuwi si Mio sa kanilang bahay, basang-basa siyang pumasok sa loob. "Kuya anong nangyari sayo?" tanong ni Mila sa kanyang kuya ng makita itong pumasok.
Napatingin ang Lola nito dito, "Apo?" tanong ng Lola dito, hindi umimik si Mio sa pagkat naglakad lang ito paakayat sa kanyang kwarto.
Pumasok at isinara niya ito, umupo siya sa kanyang kama bago tiningnan ang sarili sa salamin. He sighs when he sees himself soaking wet with his reflection on the mirror and also he smells beer.
Naiirita niyang binato ang unan sa pader bago tumayo at tumuloy sa banyo sa kanyang silid, naligo ito at nagbabad sa ilalim ng shower.
Kahit na ganito ang nangyari sa kanya, hindi pa rin niya maiwasang isipin kung tama ba ang ginawa niya kay Cayden, kung tama bang nagpadala siya sa emosyon? Galit siya dito ngunit alam niyang hindi maganda ang magtanim ng galit sa kahit na sino.
Huminga siya ng malalim at umupo sa sahig ng banyo, habang hinahayaan na dumaloy ang tubig sa kanyang katawan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at sinubukan magpahinga.
Matapos ang isang oras na pagbababad sa banyo lumabas si Mio at nagbihis upang maghanda sa pagtulog, humiga ito sa kama bago itinakip ang braso sa kanyang mga mata.
Natulog si Mio ng hindi alam kung ano ang iisipin, basta ang alam niya ay hindi naging maganda ang gabing iyon para sa kanya.
Kinabukasan ay gumising siya ng maaga gaya ng nakasanayan at nagsimulang maghanda ng almusal para kila Mila, nagising si Mila ng maaga at naabutan ang kuya na nagluluto sa ibaba.
"Kuya? Bakit ang aga mo laging umalis?" tanong ni Mila dito, tinignan siya ni Mio at ngumiti, "Good morning" Mio greeted her, Mila seated on the breakfast table and watch his brother cook.
"Nagtatrabaho kasi ako bilang student assistant" sagot ni Mio sa tanong ng kapatid, "Huh? Bakit naman kuya? Hindi naman nagkukulang sila Mama at Papa sa pagpapadala sa atin ng pera bakit kailangan mo magtrabaho?" nagtatakang tanong ni Mila.
"Wala kasi akong magawa sa free time ko sayang naman kung di ko gagamitin" pagpapalusot ni Mio, kahit na alam niya namang hindi iyon ang dahilan kung bakit siya nagtatrabaho.
Dahil kay Reagan, "Alam na ba ni Lola yan kuya? Magagalit yon" bulong ni Mila sabay tingin sa hagdanan, Nilingon din ni Mio ang hagdan upang siguraduhing hindi pa gising ang lola nila.
"Wag mong sasabihin" bulong nito sa kapatid, "Bakit ba kasi kailangan mo magtr----" hindi na pinatapos ni Mio pagsalitain ang kapatid at sinubuan ito ng pancake sa bibig.
"Basta, sige mauna na ako" sambit niya ng matapos magluto at umalis na nang bahay, gaya ng nakasanayan nagmamadali muli itong pumasok sa unibersidad at nang makarating siya sa tapat ng opisina nito bukas na ito kaya alam niyang nasa loob na si Reagan.
Huminga ng malalim si Mio bago binuksan ng tuluyan ang pinto at binati si Reagan, "Good Morning po" bati niya, umangat ang ulo ni Reagan at may nginting tiningnan si Mio.
"Good morning Mio, para sayo" sambit ni Reagan at pinakita ang isang paper bag na nasa kanyang lamesa, "Ano po yan?" tanong ni Mio at dahan-dahang lumapit.
"I have a meeting with someone from abroad, and give me this. I'm not into sweets so I might just give it to you" nakangiting sambit ni Reagan, sinilip ni Mio ang laman ng paper bag, his lips parted when he saw that it was filled with chocolates inside.
"Akin nalang po ito?" tanong niya, tumawa si Reagan at sinabi, "Sayo talaga yan hahaha" he said and smiled at him, Mio's heart pounded so fast that he started to tremble.
BINABASA MO ANG
Me Hace Cerrar (BL Story)
General FictionSociety says men aren't supposed to show any affection towards each other, but if love has been created and if it's really him, it can't be contained. A man can't lock themselves loving women if the person that makes them genuinely happy has the sam...