Cleo PoV :
Kakatapos ko lang mag linis ng bahay at maglaba ng mga damit namin, ako nga pala si Cleo Maxxwel I am half Australian because my dad is a foreigner and I live here in Philippines because my mom is Filipino but she's dead already so I'm living here on my auntie's house.
Kung itatanong nyo kung bakit nandito ako sa pilipinas its because i dont have money to go in Australia to meet my dad, well i dont even know him so whats the used of going there right?.
"Cleo!! Yung sinaing baka masunog!!" sigaw ni auntie Dolor na nasa labas at nakikipag chukchakan na namn sa aming kapit bahay.
Kay auntie ako nakikitira limang taon na dahil nga patay na ang aking mama sa sakit na cancer at hindi ko naman kilala ang tatay ko.
"Hoy!! Cleo siguro ikaw kumuha ng mga make up ko no?!" kumunot ang nuo ko sa sinabi ni Pinky ang anak ni auntie.
"Hindi pinky bakit ko naman kukunin yon?" Tanong ko dito.
"Inggitera ka kase diba? Gusto lahat ng meron ako ay meron ka rin! Sampid! Tumabi ka nga jan panget na to." binangga ako nito at bumalik sa loob ng bahay. Napabuntong hininga nalang ako.
Ganyan lagi ang mag ina sa akin. Ako lagi ang pinagbibintangan. Tsk.
Nang matapos ako sa mga gawaing bahay ay naligo at nag ayos na ako ng aking sarili dahil napagpasyahan kong pumunta sa mall para bumili ng mga school supplies, nag suot ako ng maong na pantalon at hoodie tsaka puting rubbershoes.
"Aalis na po ako auntie!" paalam ko kay auntie Dolor ngunit sinungitan lamang ako nito.
"Kahit wag ka ng bumalik!!" pabalik nitong tugon saken. Noon ay lagi akong nasasaktan sa mga sinasabe nila saken pero ngayon parang wala na akong pakialam at tinitiis ko nalang dahil alam ko namang malapit na akong makapag tapos sa pag aaral at makapag hanap ng permanenteng trabaho at tuluyan ng makalayo.
Pagdating ko sa Mall ay dumiretso ako sa library para tumingin ng mga libro,nag ikot-ikot ako sa loob para tingnan ang mga bagong release na libro, I love reading novel because minsan kapag nagbabasa ako ng libro Nakakaalis ako sa reality at naiimagine ko na ako yung bida sa storya. Kumuha ako ng isang isang book at nag hanap ng maaaring maupuan, sakto naman pag tingin ko sa dulo bandang kaliwa ay may nakita akong bakanteng mesa at dalawang upuan at walang naka upo doon kaya naglakad na ako papunta ron,Pag kaupo ko ay agad kong binuksan ang libro at binasa ito.
Habang ako ay nagbabasa napatingin ako sa aking relo, napapanganga ako ng hindi ko mamalayang dalawang oras na pala akong nagbabasa at hindi pa ako nakakabili ng mga libro nagagamitin ko sa pagpasok ko sa paaralan bukas!
Hay nako, makakalimutin ka talaga Cleo.
Nagmadali akong tumayo at pumunta sa cashier para bilhin yung libro na napili ko. Kung tatanungin nyo ako kung bakit may pera ako ito ay dahil may part time job ako. Nag tatrabaho ako sa isang coffee shop malapit sa paaralan na papasokan ko bukas. Hindi ako nanghihingi ng pera kila auntie dahil alam ko namang hindi ako bibigyan nun at nakakahiya baka sabihin sobrang kapal ng mukha ko.
Nangmakalabas ako ay dumiretso na ako sa expressions, habang pumipili ako ng magandang tahi ng notebook ay napatingin ako sa likod ko ng may taong pumasok at agad na sinarado ang glass door nagtataka akong napatingin sa dami ng tao sa labas nito.
Anong meron? Tanong ko sa sarili ko.
Napatingin ulit ako sa mga taong pumasok at halatang pagod dahil siguro tumakbo. Meronh mga body guards na nasa loob at labas.
“Kase naman pare bakit tayo pa bibili ng mga gamit natin pwede naman nating iutos yan tsk.”
“Bakit kapa kase sumama?”
“La. Ito naman hindi mabiro hehe”
Tumingin ako sa tatlong naguusap at nakita kong mapuputi at matangkad sila. Nagulat ako ng tumingin yung lalaking grey ang buhok saken. Ano ba yan Cleo masyado kang magugulatin.
Tumalikod ako at pinagpatuloy nalang ang pag kuha ng notebook, nagmadali nako at pupunta na sana sa cashier ng may bumangga saken kaya tumilapon sa sahig yung mga notebook at ballpen.
Pu*aaaaa!!!
“sorry po” sabi ko sa kung sino man ang bumangga saken at kinuha ang mga gamit sa sahig.
“Bakit kase hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?!” Tumingin ako sa taong nasa harapan ko. Ito yung isa sa tatlong lalake, kulay itim ang buhok nito at halatang.. Play boy. Eww.
Judgemental ka bhie.
Hindi ko sya pinansin at nangmatapos ko nang makuha yung mga gamit na nalaglag ay tumayo na ako. Akmang lalagpasan ko na sya ng hawakan nya ang braso ko.
“kinakausap pa kita diba?! Bastos ka ba?!” sigaw nito habang kunot na kunot ang nuo.
Inalis ko ang kamay ko kahit na mahigpit ang hawak nya.
“Fc ka no.” taas kilay na sabe ko dito.
“anong fc?! “ sigaw na naman nito.
“Bat ba sigaw ka ng sigaw eh ang lapit ko lang naman!” sigaw ko rin pabalik. Kagigil tong unggoy nato.
Lumapit yung dalawa nyang kasama at tumingin saming pareho.
“Bro Tama na yan lets go. “ sabi nung lalaking pinakamaliit sa kanilang tatlo.
“Wag kang makialam dito Josh.”
Bahala nga kayo jan. Tsk. Naglakad na ako paalis sa harapan nila ng hawakan na naman nito ang braso ko kaya hindi na ako nakapag pigil at sinapak ito. Dugo ang gilid ng labi nito ng tingnan ko.
“Masyado kang feeling close.”
Kaya ayoko sa mayaman e.

YOU ARE READING
Worthless Girl
FanfictionA Girl, who wants to be love. A Women, who will give her best to succeed even no one support and stay on her side. But.. She met a bad Boy that no one can tame.