Isang Tingin

1 1 0
                                    

ANG SIMULA:

Mia Catalina's

Kyaah! nandin-e na siyaa!

Lumabas kami sa kanya kanyang cubic table at pumila kami ng maayos sa hallway

Malayo pa siya pero 'yung kabog ng dibdib ko pakiramdam ko naririnig niya na

🎶'Di ko mapigilan mapanakaw-tingin
Ang simple mong ngiti ay sadyang agaw-pansin
Tahimik na minamasdan lang ang 'yong bawa't galaw
Sa isip ay nilalarawan ang ako at ikaw🎶

Kikig (kinikilig) ako tuwing malalapit siya sa akin, pihado (sigurado) kong sisinghalan (sesermonan) ako ng inay kapag nalaman niya ang kaharutan ko din-e

Isa-isa na siyang binabati ng kapwa ko empleyado habang taas noong naglalakad

Sinadya kong lakasan ang pagbati ko para mapansin niya ako

"Magandang umaga ho sir!" at pinakita ko sa kanya ang nakakasilaw kong ngiti nang tumapat siya sa harapan ko

🎶Ayos lang kung 'di mo kausapin
Ang lumingon ka ay sapat na sa 'kin🎶

Pero binagsakan ako ng langit at lalamunin na ng lupa sa kahihiyan nang hindi niya man laang nilingon at patuloy laang sa paglalakad

Agad namang naglaho na parang bula ang matam-is kong ngiti

Siniko ako ng katabi ko kaya nilingon ko a-re (ito)

"Tigilan mo na ang pagkahumaling mo kay ser, kahit anong pagpapapansin mo ay di ka niya mapapansin" bulong sakin ng kaibigan kong si Stella

Ngunit hindi ako nagpadala sa binulong niya "Isusulat ko sa bato na mamahalin din niya ako" nginitian ko siya at nagtaas taas pa ako ng kilay

Napailing na lamang siya habang nakangiti "May saltik (nababaliw) na ang babaitang a-re"

Nakapasok na ng elevator si sir Jacob Balbua kaya nagsibalikan na kami sa kanya kanya naming lamesa at nagpatuloy na sila sa tarbaho samantalang ako ay nakatitig lamang sa aming picture noong mga bata pa kami

Oo, magkakilala kami na parang hindi. Sa totoo lang magkababata at magkahanggan (kaptitbahay) kami, hindi kami mapaghiwalay noon at walang oras na hindi kami magkasama kaya hindi ko naiwasang magkagusto sa kanya sa murang edad pa lamang na mapahanggang ngayon ay bitbit bitbit ko pa rin kasama ang mga pangako niyang...

'Hinding hindi tayo magkakalayo, hindi kita iiwan at lagi kitang poprotektahan Mia. Pagtanda natin liligawan kita at pakakasalan, tandaan mo 'yan"

kahit pa napako na 'yung una niyang pinangako dahil bigla nalang silang umalis at hindi na sila bumalik pa, umaasa pa rin ako na kahit kaunti ay may nararamdaman din siya para sa akin dahil gusto niya ako pakasalan

Kahit pa nagkita kami ulit pero di na niya ako kilala o namumukaan man laang

Ang totoong rason ko lang naman kung bakit ga din-e ako nagtarbaho ay dahil nalaman kong si Jacob ang anak ng may-ari ng kompanyang ito at nandin-e siya palagi

Masakit man sa damdamin pero totoo ang sinabi ni Stella kahit anong pagpapansin ang gawin ko ni isang lingon man laang niya hindi ko nakita

Gusto ko man sumuko at magmove on nalang, 'yung puso't isipan ko nama'y lagi siya ang laman

Sinuot ko nalang ang earphone ko at nagpatugtog para ganahan na akong magtarbaho

🎶'Di ko mapigilang mangarap ng gising
Imahe mo sa isip, kay hirap alisin
Nabihag ng kislap at pungay ng 'yong mata
Iyong bawa't sulyap ay tunay ngang kay ganda🎶

Estrella FugazTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon