Sinigang

1 1 0
                                    

Mikay's Pov

"Okay, class dismissed"

Inunat ko ang mga braso ko, nakakapagod ang araw na 'to

Tinignan ko ang report card ko, running for valedictorian ako at sobrang proud ako sa sarili ko. Sigurado akong matutuwa nito lalo sina mama at papa

"Nakakainis ka naman maging kaibigan Mikay!" Reklamo ng katabi kong si Matet

Matilda "Matet" Cruz, ang best friend ko since high school. Ang nakakaalam ng lahat ng lihim, kadramahan, kalokohan at kahinaan ko

"Ano na namang nirereklamo mo dyan?" Sumandal ako sa upuan at tinignan siya

"Running for valedictorian si Mikay pero ako... Nga nga" patuloy niyang reklamo

Natawa nalang ako ng palihim "Ano ka ba! Wag ka na magreklamo dyan basta pumasa ka, magpasalamat ka nalang"

Ngumuso ito ng napakahaba pero ngumisi ito kalaunan "Alam ko na! Magpapa-tutor nalang ako kay fafa Ethan"

Siningkitan ko siya ng mata at sinamaan ng tingin

Napatawa siya ng mahina "Oh! Wag mo kong tignan ng ganyan di ako nasisindak sayo noh"

Inirapan ko nalang siya "well well well! So di mo pa pala alam"

"Ang alin?" Nagtataka kong tanong

"Don't you know? Open for tutoring si fafa mo Ethan, 500 per hour"

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko "t-talaga ba?"

Tumango siya ng marahan "baka chance mo na 'to Mikay"

Nagsisimula ng magpantasya ang utak at puso ko nang may maalala ako

"T-teka! 500? Per hour?" Gulat na tanong ko kay Matet

Ngumuso naman siya habang tumatango "iyan din ang problema ng karamihan na kalaban mo kay Fafang"

Napatulala nalang ako sa kawalan, saan naman ako kukuha ng ipambabayad sa oras niya

"Infairness ha! Talo pala ang isang detective sa chismosa" rinig kong bulong niya pero di ko pinansin

Kailangan ko maghanap ng extra pang income bukod sa pagiging detective

11 na ng gabi nang makalabas kami ng eskwelahan

Yep 1-11pm ang sched ko ngayong college

Nakakapagod pero pahinga lang saglit at laban na ulit hindi pwedeng sumuko

May nadaanan akong 24/7 na convenient store at may nakita akong nakapaskil na nagpabuhay sa diwa ko

HIRING

agad akong pumasok at nagtanong sa cashier

"Magandang gabi ate! Hiring pa po ba kayo?"

Ngumiti siya ng malawak at tumango "maga-apply ka po ba?"

Ang ganda naman ni ate parang halos kaedaran ko lang siya

"Opo, kaso wala po akong dalang resume ngayon" nahihiya kong tugon

"Naku okay lang, interview nalang kita" napakabait naman niya

"Nakakahiya naman po naka-school uniform pa po ako" napakamot nalang ako sa ulo

"Okay lang huwag kang mahiya, Sa bestle din nag-aaral 'yong pinsan ko pero sa boy school, Halika upo ka rito"

Umupo naman ako sa tinuro niyang upuan, may pagkamadaldal din itong si ate

"Sige ija! Anong pangalan mo?"

"Ako po si Mikaela Ann Velasco, 22 years old and 4th year college and scholar sa Bestle po, naga-apply po ako ng part time job as cashier or helper"

Di nagtagal ang usapan namin ni ate at tanggap na ko

"Congraaats sis! You're hired" pinalakpakan niya pa ako

"By the way! Ako si Mitch, pinsan ako ng anak ng may-ari. Actually part timer rin ako pero manager, ginawa ak--........."

Sa sobrang daldal niya parang kulang pa ang buong araw sa kwento niya

Nakapekeng ngiti nalang ako at patango-tango

"Kaya ayun dito muna ako nagtrabaho-- ay siya nga pala dahil sa sched mo ang oras ng work mo ay 12-6am everyday, sunday ang day-off and 1,000 ang everyday sahod"

1,000? Dalawang oras lang ni Ethan 'yon pero keribels na basta makasama ko siya kahit saglit lang

Malapad akong ngumiti at nag-bow, ewan ko bakit ko ginawa 'yon hindi naman ako japanese o korean "Maraming salamat po ate Mitch! Hulog po kayo ng langit"

Magsasalita pa sana siya pero may customer na dumating mabuti na 'yon  baka di na ko makauwi sa kadaldalan niya

"Sige po ate Mitch! See you tomorrow" ngumiti nalang siya at nagwave ng kamay

Lumabas na ako ng store na masayang masaya, pakanta kanta at may patalon talon pa na parang bata

Masosolo ko na si Ethan ko

Desidido na kong magpapansin sa kanya! Kukulitin ko siya hanggang sa ma-fall siya sakin at maalala niya na ako pati ang mga pangako niya sakin

"Here I come Ethan my lovessss" kinikilig kong bulong sa hangin habang naglalakad pero napahinto ako sa sinabi ko

"Lovess? Eww tawagan nga pala nila 'yon"

Dahil good mood ako ngayon, magluluto ako ng sobrang asim na sinigang para mahanda ko na 'yung sarili ko sa sobrang kilig

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Estrella FugazTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon