CR

0 0 0
                                    

Galing akong CR kanina para maglabas ng sama ng loob at kasalukuyang nangongopya ng assignment sa Math nang marinig ko ang boses ng backstabber kong classmate

"My gosh girls, you'll never believe what I've just saw while I was in the CR"

Sabi ng pinakamaarte kong kaklase na si Amanda

Napantig naman ang tenga ko sa sinabi ni Amanda at patuloy na nakikinig

Paniguradong panibagong chismis na naman to tsk!

"Spill the tea sis" Sabi naman ng pinakakikay na kaklase ko na si Darlene

"Ok so I told you diba na I will go to the CR para mag retouch?"

Tumango naman ang dalawang amega ni Amanda

"So while I was re-applying my lipstick, my sensitive nose just smell something horrible like someone just died or something. So i followed the smell and it lead me to the one of the cubicles and when I open the door. I nearly fainted"

Hala ano kaya yung nakita niya? Amoy patay ba talaga? Eh ba't nong nag CR ako eh wala namang mabahong amoy?

"Gosh Amanda what did you saw?"

"Oo nga Amanda, ano bang nakita mo? Baka nag iinarte kalang"

Di ko namalayan na halos lahat na pala ng kaklase ko ay nakikinig sa kwento ni Amanda

Bwesit! Kailan niya ba sasabihin iyong nakita niya? Naiinip na ako ha. Kailangan pa ba ng pa drum roll?

"No, di kaya ako nag iinarte. So iyon nga when I open the door I just saw a shit floating in the toilet. Imagine guys kababaeng tao di marunong mag flush? Like seriously? Ang laki pa nong tae na nakalutang tapos nakakamatay pa ang amoy. I though I was going to die from suffocation. Kahit na naiisip ko ang nangyari kanina feeling ko naamoy ko parin ang nakakamatay na amoy na iyon"

May bahid ng pandidiri na sabi ni Amanda habang nag lalagay ng alcohol sa mga kamay niya

Napatigil naman ako sa narinig at biglang kinabahan dahil ang taong tinutukoy ni Amanda na di marunong mag flush ay ako

Shet! Nakalimutan kong i flush iyon. Tumunog na kasi ang bell non at nagmamadali akong umalis kasi yung terror na teacher panaman ang first sub namin kaya ayaw kong malate

Nagpanggap nalang ako na walang alam at tsaka pinagpatuloy ang pagpangopya ng assignment sa Math

Hala! Sorry Amanda pero sa susunod mag fuflush na talaga ako huhuhuhu

Compilation Of One Shot StoryWhere stories live. Discover now