Bettina's PoV
"Nasan ka na kaya? Babalik ka pa ba? Miss na miss na kita ehh..."
Pinunasan ko yung luha sa mata ko after thinking about him again. I did this. Ako may gusto. No. Ako yung nagdesisyon. Pero nadala ako ng galit ko ng panahong yun. Na sana hindi ko ginawa. Na sana nadaan pa namin sa pag-uusap. Kaso... wala na palang usap na mangyayari... kasi umalis siya ng Pilipinas
"Araw araw na lang Santi!"
"Why can't you tell me honestly! Pagod ka na?! Ayaw mo na?! Magdesisyon ka! Ikaw naman lagi nasusunod di ba?! Tangina sagad na ko Bettina. Lagi na lang kitang iniintindi!"
"Ako ba hindi?!"
"Mahal kita Bettina pero wag naman ganto lagi!"
"Bakit?! Sawa ka na?! Pagod ka na?! Edi umalis ka!"
Sumeryoso ang mukha niya bago ulit nagsalita "yan ba talaga ang gusto mo?"
"OO! Umalis ka na sa buhay ko!"
"Fine" simpleng sagot niya bago tumalikod
The moment he stepped outside otomatikong gumalaw yung paa ko para habulin siya to say sorry pero wala na. Umalis na siya.
Ilang araw pa ang lumipas hindi ko na siya nakita... I tried texting him pero nalaman ko na lang na nagpunta na siya ng Amerika.
Kasalanan ko yun. Oo, sinisisi ko sarili ko. Kasi masyado akong focused sa trabaho at sa kanya ko nabubunton ang pagod ko na nauuwi sa away. Akala ko maaayos ko pa, na mappaliwanag ko ang sarili ko pagkatapos ng araw na yon pero... wala na pala.
Siguro nakakapagod talaga ako mahalin. Pero selfish ba kung sabihin kong naghhold on pa rin ako sa kanya? Mahal na mahal ko si Santi pero sinira ko siya ehh... hindi ko siya magawang sundan... pero gustong gusto ko na siyang makita... luluhod ako sa kanya kung kailangan
He gave his all. Pero naghanap pa rin ako. Naghanap pa rin ako ng pang-unawa kahit binigay na niya lahat. Ang tanga tanga ko
Santi... I miss you... sana masaya ka na ngayon. Mahal na mahal pa rin kita alam mo ba yon?
"Umiiyak ka na naman?" Papa
"Pa... miss ko na si Santi... pero wala na kong karapatan pa..."
"Anak naman... tama na yan"
"No pa... kasalanan ko lahat. Kasalanan ko lahat" sambit ko habang umiiyak sa papa ko
Santi's PoV
"Hey Lara. I arrived in the Philippines already"
"Good! Now stay there for a while. Mag-ikot ikot ka kung gusto mo. I have to move my flight next month coz business schedule suddenly filled up. Pagdating ko dyan we'll start the business plan okay?"
"Anong gagawin ko dito ng isang buwan Lara tsk"
"Aba malay ko sayo. Reminisce maybe? Hahaha"
"Tch. No thanks"
"Mahal mo pa?"
"Pinaalis nga ako di ba?"
"Layo ng sagot psh. O sige ba babye na!"
"Bye Lara"
I dropped the call bago tumingin sa paligid. It was nice to be back after months of being away from here.
I was walking towards the car na pinansundo saken nina mama when my mind suddenly thought of her.
Alaala na lang siguro yun. Napagod sa isa't isa. Bumitaw. Move on.
Ayoko nang saktan sarili ko. Tama na yung nangyari samin dati. Baka nga may bago na yun eh. Siya may gusto na umalis ako sa buhay niya kaya binigay ko. Siguro mas okay na siya ngayon.
BINABASA MO ANG
Someone You Loved
FanfictionMinsan ba hiniling mo sa sarili mo na... sana hindi ko nasabi yon. Na sana, hindi ako nagpadala sa galit ko. Na sana hindi ako nagpadalos dalos. Kasi ako oo, sising sisi ako. Mahal na mahal ko kaso tanga ako ehh, gaga. Napagod ako masyado na nakapag...