07: Drifted Apart

64 7 0
                                    

Isang linggo rin akong walang gana. Buti na lang at hindi ako bobo sa pag-aaral dahil nasagutan ko naman nang maayos ang midterms exam namin. Pagkatapos naming mag exam ay nagtungo ako sa bahay ni Marcus para makausap siya nang maayos.

Malaman niya lang na mahal ko siya ay okay na.

Kailangan ko lang talagang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Sobrang bigat na kasi sa dibdib.

-

Napaawang ang aking labi nang makita kung gaano kalaki ang bahay nila. Agad akong nag doorbell. Lumabas si Marcus at malawak ko siyang nginitian. Naghilom na rin ang kanyang mga sugat.

"Gwapo ka na ulit," sabi ko sa kanya.

He was just staring at me... He was emotionless.

May babae namang sumulpot sa likod niya. Hawig niya ang dalaga at kulay asul din ang kanyang mata. Mataray 'tong lumapit sa akin. "Are you Jarzaiah?" masungit niyang tanong sa akin.

"Y-Yes. How did you kno-" Hindi ko natapos ang aking sinasabi dahil nakaramdam ako nang hapdi sa aking mukha. She just slapped my face.

"Serene!" pagtawag ni Marcus sa kanya.

"That slap is for ruining the bond of my brothers!" Sinampal niya ulit ako. "'Yang sampal na 'yan para sa pagiging higad mo at dalawa pa ang pinaglaruan mo!" Sinampal niya ulit ako. "That's for hurting my brothers!" Sasampalin niya pa sana ako nang bigla siyang hinila ni Marcus papasok sa loob ng bahay.

-

Bumalik si Marcus pagkatapos ng ilang minuto.

"Anong ibig sabihin no'n Marcus?" I asked, crying while caressing my face. Sobrang hapdi ng pisngi ko.

Bumuntong hininga siya. "Pwede bang tigilan mo na ako? Nandiyan si Franco para sa 'yo."

"Ikaw ang gusto ko..." Hindi ko akalain na sa ganitong paraan pa ako aamin sa kanya.

"Hindi kita gusto," walang emosyon niyang sabi. "Franco is miserable because of you. He really likes you. Di ba may utang ka sa akin? Sisingilin na kita."

"What?!"

"Gusto kong piliin mo si Franco. Kapag ginawa mo 'yan, wala ka ng utang sa akin."

I scoffed then sat on the ground. Wala na akong lakas pa. "Mahal, naman! Kahit anong ipagawa mo sa akin, gagawin ko. Huwag lang 'yan!"

"'Yan ang gusto kong kabayaran! I never liked you! Napilitan lang akong alagaan ka dahil mag isa ka lang," tumalikod siya at akmang papasok sa kanilang bahay.

"I-Is that even true? O-Or you're lying again?"

"It's true. Kung mahal kita, ipaglalaban sana kita."

"You're lying, Marcus. I felt it. You liked me! You even love me..." I wiped my tears. I stared at his teary eyes. "But you love your siblings more. And I understand." I slowly nodded. "Magiging masaya ka ba talaga kapag pinili ko si Franco?"

"Yes..." he immediately replied, then walked away.

-

I cried... And cried...

It was a sunny morning when Franco came to my apartment. Hindi na ako umalma pa. Ito ang gusto nila. Agad ding nagpaaalam si Franco dahil may pasok pa siya.

Isang buwan na rin ang lumipas at napapadalas na si Franco sa apartment ko. Wala na akong gana para magmakaawa o ipagtabuyan siya kaya hinayaan ko na lang.

Kapag wala kaming pasok ni Franco ay inaaya niya akong kumain sa labas. Noong una ay okay pa, pero nang tumagal, naramdaman kong lumiliit ang mundo ko dahil sa kanya.

The Man of My Dreams (Fitzmael 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon