13: Exhausted

65 5 0
                                    

Mahigit isang buwan ang lumipas. Unti-unti nang nawala ang mga pasa at sugat ko. Medyo ayos na rin ang braso ko.

Narinig ko ang kaluskos sa sala. Agad akong tumayo.

Nakahinga ako nang maluwag nang makita na si Marcus iyon.

"Gabi na. Bakit nandito ka?" takang tanong ko sa kanya.

Tinitigan niya ako. Bakas sa kanyang mata ang lungkot. Sobrang tamlay ng mga ito.

Ngayong sembreak lang kami nagkaroon ng oras na magsama lagi dahil naging abala kami sa exams.

"Mag impake ka. Aalis tayo bukas nang maaga. Kasama sina Amaris."

"Ayoko," masungit kong sabi.

"You need this vacation. We need this. Sasama sila Zius kung sasama ka," aniya.

Nagpunta siya sa walk-in closet at kinuha ang aking maleta. Isa-isa niyang nilagay roon ang aking mga damit.

Bumuntong hininga ako at humiga na lamang sa aking kama. Ayokong makipag-argumento sa kanya dahil inaantok na ako. Hinayaan ko na lang siya.

Nakaramdam ako na may naglagay ng kumot sa aking katawan. Alam kong si Marcus iyon, halata naman sa pabango niya. Saka siya lang naman ang tao sa penthouse bukod sa akin.

Kinabukasan ay maaga niya akong ginising dahil nagluto siya ng agahan naming dalawa.

"After lunch tayo pupunta sa bahay nila Imil tapos doon tayo matutulog," aniya. Ipinagpatuloy niya ang pagkain ng bacon at fried rice.

I sighed. "Do I have a choice?"

"Jarzaiah naman. Mag aaway na naman ba tayo?"

Tinitigan ko lang siya. Hindi ako umimik. Nagpatuloy lang ako sa pagkain.

Siya ang naghugas ng pinagkainan namin.

Bumalik ulit ako sa kwarto para matulog.

Ginising niya ulit ako pagkatanghali.

Same routine.

Pagkatapos kong maligo at mag ayos ay dumiretso kami sa bahay nila Imil.

It's not a house. It's a fucking mansion.

"Hindi ba't pinagawa ni Imil 'tong mansion niya noong sixteen pa lang siya?" tanong ko kay Marcus habang pinaparada niya ang kanyang kotse.

"Oo. Na love at first sight kasi siya kay Amaris," seryoso niyang sabi.

He unbuckled his seatbelt and I did the same thing. Pinagbuksan niya ako ng pinto.

Sobrang swerte naman ni Amaris at mahal na mahal siya ni Imil. Samantalang ako, nanglilimos lang ng pagmamahal.

Biglang sumikip ang aking dibdib.

"Okay ka lang?" alalang tanong ni Marcus.

"Oo," maikli kong tugon.

Kinuha niya ang luggage namin. Napansin ko ang papalit na kotse nina Zius.

Lumabas agad sila. Kinuha ni Zius ang mga gamit nila ni Elisha. They both smiled at me.

I just nodded.

I guess we aren't the same anymore.

Pagkapasok namin ay binati kami nila Imil at kanyang mga pinsan. Sobrang saya nila. Hindi ko masabayan ang energy nila kaya naman ay nananahimik lang ako.

"Nagugutom ka ba?" tanong ni Marcus sa akin.

Umiling ako.

"Nauuhaw ka?"

The Man of My Dreams (Fitzmael 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon