Haizelle Marie's POV
"Kathie!! Gising na malelate na tayo". Haaay.. Ano ba naman kasi itong babaeng 'to. Kanina pa ginising eh ayaw pa ring bumangon. Sakit sa ulo eh..
"Oo na Zelle. 5 minutes babangon na ako." O kitams? Kanina pa 5 minutes ng 5 minutes eh.. -.-
"ANONG 5 MINUTES?? KANINA PA KITA GINIGISING. MALELATE NANAMAN AKO NG DAHIL SAYO KATHIE! BUMANGON KA NA DYAN KUNG AYAW MONG KALADKARIN KITA.."
"Oo na. Oo na. Grabe naman makasigaw. Sakit sa tainga eh.."
"O sige na. Dalian mo na. 10 minutes aalis na ko. Kung di ka pa tapos within 10 minutes pumunta kang school mag-isa mo."
"WHAAAT??! Grabe naman yang 10 minutes Zelle. Di pa nga ko tapos nakakaligo nyan eh.."
" Oh kaya nga bilisan mo diba? Pshh. Tong babaeng to. "
Lumabas na ako ng kwarto nya. Baka ano pang idahilan at mas malelate pa kami.
Habang hindi pa naman sya tapos, nag-ayos muna ako sa sarili ko. Nag lagay ng konting make up. Konting lipstick. Then Tadaaa!! Ok na..
Papunta na ako sa baba ng biglang..
" Zelle nakita mo ba yung make up kit ko dito?!" Sigaw ni Katie kahit nandun sya sa loob ng kwarto nya rinig na rinig pa rin ang boses nya. Haay..
Pumunta na muna ako sa kwarto nya..
"Ano nanaman bang hinahanap mo Katie?""Eh Zelle yung make up kit ko hindi ko mananap eh"
"Diba kahapon nawala rin yun tapos nakita mo nasa bag mo lang pala? Tingnan mo nga baka nandun lang nakalagay"
"Ay oo nga noh. Haha.. Ay Zelle nandito nga.. Sige sige.. Bababa na ko maya maya. Mauna ka na lang" ^^
Tingnan mo nga tong babaeng to. Napaka makalimutin talaga eh taga
Pang kumilos.
****
"Zelle tapos na ko. Tara na baka malate na tayo sa school"^^"Hoy Katie kanina pa ako naghihintay sayo dito oh. Mag 30 minutes na. Atsaka anong 'baka malate'?! Late na tayo Katie 30 minutes nanaman akong late dahil sa kagabawan mo" Uggh.. Bakit ko pa kasi naging pinsan slash bestfriend to. Hindi ko nga alam kung paano ako nakakatiis sa pagkabrutal nya..
Oo pinsan ko sya. 1st cousin. Eh kasi yung Mom nya kapatid ng Daddy ko.
Siguro nga nagtataka kayo kung bakit nakatira kami sa iisang bahay lang at wala ang mga magulang namin dito.
May reunion kasi ang family namin sa Baguio at kailan nilang punta. At dahil may klase naman kami ni Katie hindi kami makakasama. Usually kasi kada summer vacation hiniheld yung Reunion sa family namin eh pero dumating kasi yung isa sa mga kamag-anak namin eh kaya napaaga. 1 month nga sila Mom at yung Dad ni Katie dun eh kasi may aasikasuhin pa daw sila para sa business namin. Kaya heto kami ngayon magkasama sa iisang bahay. Ewan ko nga kung matitiis ko pa tong si Katie eh.
"Grabe naman Haizelle. Makapagsalita eh"
"Eh kasi naman Katie eh. Alam mo naman na wala ang magulang natin dito"
"Oo na. Hindi na po mauulit Ma'am Haizelle." Natatawang sabi nya..
❤❤❤
Habang papasok na kami ng school..
"Katie halika na.. Dalian mo. Late na talaga tayo." >
"Oo na"
Pagkababa na pagkababa nya,kumaripas kaagad kami ng takbo ng biglang...
"ARAAAAAY!!
"Oh. Anong nagyari? Bakit ka sumigaw?"
" Eh etong lalaking ito kasi eh. Hinulog yung mga libro sa paa ko. Ang sakit eh! Ouuch!!" Sabi nya sabay turo sa lalaki.
"Hoy ikaw! Hindi ka man lang ba magsosorry sa ginawa mo?!"
Aw.. This seems to be trouble. Mahilig sa away si Katie kahit sa mga simpleng bagay lang.
"Kasalanan ko bang hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo? Tatanga tanga kasi" Sabi nung lalaki sabay smirk. Tsk.. Palaban din ha. Pero infairness. Gwapo sya ha. Almost perfect ang mukha.
Ay. Hala. Oo nga pala. Late na pala kami.
"Katie hayaan mo na late na tayo." Sabay hila ko sakanya.
"Hindi pa tayo tapos!!!" Sabi nya doon sa lalaki sabay turo sakanya. Mukhang galit na galit na talaga si Katie. Uh-uh.
❤❤❤
"Ms. Fajardo at Ms. Nolasco!! Late nanaman kayo!" Bungad kaagad ng teacjer namin saamin.
"Sorry po Ma'am" Sabay naming sabi ni Katie.
"Umupo na kayo!!"
"Grabe ang strict talaga ng mga teachers natin Katie noh??"
"Oo nga Zelle eh."
"By the way class. May bagong kayong classmate. Mr. Ramos, you may come in." Sabi ni Mrs. Remada saamin. Hmm. Sino kaya yung bagong classmate namin na sinasabi nya? Lalaki ba o babae? Mabait ba? O masama ang ugali? Sana naman hindi.
"Sya si Mr. Ramos. Yung bagong classmate nyo na sibasabi ko."
Sya?! Ung bago naming classmate?! Say what?! @-@
❤❤❤
Vote and Comment po muna para po mag update ako sa next chapter-gwyn
YOU ARE READING
Teen Clash 2
Teen FictionTeen Clash 2 Naiisip nyo ba kung anong mangyayari kung ang mga maaangas na lalaki ay pinagsama kasama ang mga Babaeng Amazona? Kakayanin pa kaya nilang magsama? Makakatiis ba sila sa isa't-isa? Babait pa kaya sila? Magkakabati pa kaya ang dalawang g...