29

46.4K 1.2K 319
                                    

AGNELLA TELESE


"Okay na siya. Tagumpay siyang naoperahan at kailangan na lang din niya muna ng mahabang araw para magpagaling. Pagsabihan n'yo na rin siya na tumigil na siya sa pag-inom ng alak baka sa susunod ay matuluyan na siya," mahabang saad ni Doc Alistair sa amin.

Saglit kong tiningnan si dad na wala pa rin malay habang nakahiga sa hospital bed, subalit panatag na ako at malaki ang pasasalamat ko na ligtas na siya. Nailipat na rin siya sa private hospital ward para maging komportable siya.

"Thank you, Dr. Alastair,” nakangiti kong pasasalamat.

Ngiting tipid lang din ang sinukli niya. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong tingnan siya mula ulo hanggang paa. Nakaupo siya sa pang-isahan na sofa at kami naman ni Ales ang magkatabing nakaupo sa mahabang sofa na pwede rin pagtulugan ng dalawang tao.

Umalis muna si mommy dahil may emergency na nangyari sa shop niya kaya kaming dalawa ni Ales ang magbabantay kay dad ngayong gabi. Babalik din siya bukas ng umaga para siya ang pumalit na magbantay kay daddy.

Namalayan ko na lang na tumatagal na ang pagtitig ko kay Conan. Gwapo siya sa totoo lang. Matangkad din siya at maganda ang katawan. Gwapo naman kasi talaga ang mga kaibigan ni Ales.

Tulad na lang nina Thorn na unang beses kong nakita noong araw na nasa yate kami, pati na rin sina Perseus na nakilala ko lang din sa rest house.

"Stop staring at him. I am hotter and handsome than him," bulong ni Ales sa aking tenga.

Ramdam ko ang pagyakap ng kanyang braso sa aking beywang. Mabilis kong inalis ang pagkakatingin kay Doc Alastair na malawak na ang ngiti. Tumingin ako kay Alessandro na magkasalubong na ang kilay. Mukhang nagseselos na naman ang isang 'to.

"I'm sorry, but I couldn't stop myself from staring at him because of his charisma. Ang hot kaya niya," sagot ko kaya lalong lumaki ang ngisi ni Conan, pero mas lalo namang dumilim ang anyo ni Ales.

Humigpit din ang yakap niya sa beywang ko, kulang na lang ay itago na niya ako sa loob ng kaniyang damit. Umiwas na lang ako ng tingin at ibinaling ko ang atensyon kay Conan. Nakangiti siya at nagpipigil ng tawa.

"Tama nga ang kwento nina Thorn sa akin. She's really unique and there's something I can't explain. Bagay talaga kayo. At least may nagpatino na sa isang Ottavio," aniya. 'Yong tingin niya sa amin ay may ibig ipahiwatig.

"Stop it, idiot," pagsusungit nitong katabi ko kaya hindi na napigilan ni Conan na matawa na parang nang-aasar pa.

"I said stop staring at him," may diing bulong ulit ni Ales sa akin pero umirap lang ako. Ano'ng magagawa niya kung may mata ako? Kasalanan ko ba kung nakakakita ako?

"I can't believe this. Akala ko ay gumagawa lang ng kwento ang mga bugok na 'yon pero tama nga talaga sila. Ang isang masungit at walang pakialam na si Alessandro Ottavio, napapataob lang ng isang Agnella Telese? Weak ka pala, bro!" nakangising biro ni Dr. Alastair.

Ales give him a death glare. Bakit ba ang hilig nilang asarin si Ales? Noong una ay sina Thorn, ngayon naman ay si Conan. Dahil ba alam nilang mabilis mapikon si Ales?

"Damn you!" mura ni Ales sa kaibigan niya kaya mabilis ko siyang hinampas sa braso.

"Watch your words!" At pinandilatan ko siya ng mata.

"What?" inosente niyang tanong kahit na magkasalubong ang dalawa niyang kilay kaya inirapan ko lang siya.

"Agnella lang malakas," bulalas ni Conan kaya mas lalong naging matalim ang tingin ni Ales sa kanya kaya napabuntonghininga na lamang ako.

IDLE DESIRE 2: HIS SEDUCTRESS [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon