Chapter 2
Ayradel's Side
Isa lang ang basehan ko ng gwapo noon... si Jayvee Gamboa lang na seatmate at long-time crush ko.
Sa tuwing hindi niya kasing gwapo ang isang lalaki ay taob na iyon sa paningin ko. Ngunit ang isang 'to ay kakaiba, sa unang tingin ay kahawig niya si Jayvee pero kapag tinitigan mo ay makikita mo ang pagkakaiba.
Itim at medyo magulo ang buhok. Maputi, matangos na ilong, pulang labi, magandang pangangatawan... Mas matangkad siya sa akin pero alam kong magkalapit lang ang edad naming dalawa because he's wearing a dark blue uniform na sa tingin ko'y uniform ng isang private school.
Sobrang ganda rin ng inosente niyang mga mata niya, sobrang simple lang. Maitim pero hindi malamig. Alam mo yung parang ang approachable, at sobrang bait niya?
"Ano?"
Napapikit ako sa gulat dahil para siyang nanghahamon ng away. Kalimutan niyo na yung sinabi kong mukha siyang mabait.
''TCH!'' Tumawa pa siya ng sarcastic, para talaga siyang nanghahamon ng suntukan. "Minsan kasi 'wag kang basta-bastang magsasabi ng 'Ang panget ng boss niyo' tapos tatawa na lang bigla... alam mo kung bakit?"
Ngisi niya ang pinaka-highlight ng kagwapuhan niya. Kapag nginisian ka niya ay parang mahi-hypnotize ka ng wala sa oras, at hindi ako nakaligtas doon. Parang tangang umiling-iling lamang ako sa sinabi niya.
Lalo tuloy siyang ngumisi, kaya mas lalo akong nahypnotize. Mas nilapit niya pa yung mukha niya sa akin, kaya naman automatic na napaatras ako habang hindi pa rin makapagsalita. Para akong napipe ng hindi oras. Ilang segundo kaming nagtitigan, pagkatapos ay itinaas yung kamay niya para ilagay iyon sa chin ko.
Saka ko naramdaman ang pagsara ng sarili kong bibig...at ang pagbilog ng akin mata.
OMAYGAD?
NAKANGANGA AKO? AT SA HARAP PA NG ISANG STRANGER!
Great.
Ang mag-hang nga lang sa harapan niya'y nagmumukha na akong ewan. Paano pa kaya yung nakanganga? Mabuti na lang walang tumulong laway kundi kanina pa ako kinain ng lupa.
"Ngayon, alam mo na, ha." Aniya kaya napatingin ulit ako sa kanya, "KASI MUKHA KANG TANGA." hindi pa ako nakapagsalita matapos n'on kaya tumawa ulit siya. "Pfft! Nakakatawa ka talaga. See you somewhere na lang Miss Stupid! Tch!"
saka siya umalis sa harapan ko at iniwan ako doong laglag na naman ang panga. Ilang segundo ang nakalipas bago ako nagreact...
"Ano raw...?" di makapaniwalang bulong ko sa sarili ko. Lumingon ako sa papalayong letchugas na lalaking 'yon nang makarecover ako mula sa kahihiyan.
Ako, tanga? Mukhang nagpanting yata ang tenga ko at hindi ko matatanggap yon. Buong buhay ko ay ngayon lang ako nasabihan n'on! Teachers ko nga ay hindi pa ako sinasabihan n'on kaya hindi ko 'yon matatanggap!
'Sorry, Ma, pero kalilimutan ko muna ang mga pagtitimpi na itinuro mo.'
Walang ingay akong tumakbo para maabutan siya. Mula sa likod e, hinarang ko ang kanang paa ko sa paa niya at dahil nga naglalakad siya, syempre na-out of balance siya at sumalampak sa lupa!
"OH SHIT!!!" aniya.
Kumaripas agad ako ng takbo papunta sa nakasaradong Main Gate ng school pagkadapang-pagkadapa niya. Hindi ko alam kung bakit ang sarap sa feeling! Napahalakhak ako ng wala sa oras.
BINABASA MO ANG
I Love You Seatmate (ILYS #1)
Teen Fictionc░o░m░p░l░e░t░e░d Okay na sana e. Katabi na sana ni Ayra sa upuan si Jayvee Gamboa; ang lalaking pinapangarap niya... kaya lang ay may lintek na sumingit-- sa buhay niya at sa upuan sa pagitan nilang dalawa. # Our new and awesome book cover was made...