Part One

3.4K 64 14
                                    

A/N: Hey guys!!

This is my first ONE SHOT here :D Inspired by a true to life story of my friend.. Itago na lang naten sya sa name na... "HONEY" Hehehe :P

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Dear Karma,

                      Paminsan minsan bisitahin mo naman yung mga taong PAASA at PA-FALL.. Mukha kasing kailangan ka nila ngayon e. Kaasar!!

~~☺☺

SCHOOL

       "Ui honey, tama na yang pagla-laptop mo dyan. Break time na oh!" -Polau

       

Sya si Polau (pronunce as Polo) ang aking guy friend. Ewan ko ba, ginawa pang complicated ng magulang nya yung name nya samantalang "Polo" lang naman ito.

Parang tayo lang.

Kahit alam natin na masasaktan tayo bandang huli, sumusugal pa rin tayo at nagmamahal..

#Hugot

Anyway, ako nga pala si Honey Jaudalso. 19 years old. 1st Year College pa lang ako and my course is Tourism. Simple, hindi naman kagandahan pero wag ka, kahit ganito ako gustuhin din naman ako ng mga guys noh,,,

Past Time ko ang pagsusulat sa Wattpad. Masarap kasi sa pakiramdam yung nai-shi-share mo sa mga readers mo yung mga THOUGHTS and IDEAS mo, nakakapagbigay ka ng advice, and through wattpad, nai-express mo sa iba yung nararamdaman mo.

Kaya kapag stress ako...

Bukas agad ako ng Laptop.

At nagsusulat ako..

At nung time na sinita ako ni Polau. Nagsusulat ako nun sa wattpad nung bago kong story. Hehehe :P

"Oo. Sandali na lang. Tatapusin ko na lang tong isang chapter para mai-publish ko na." sabi ko.

"Mamaya na lang yan!" bigla na lang nitong tinupi ang laptop ko. "Gutom na ko e!"

"Aba, e ano naman sakin kung gutom ka na? Gusto mong subuan pa kita?"

"Wow! Nababasa mo pala nasa isip ko ha!" sarkastikong sagot nito.

"Tse! Tara na nga!"

Wala na akong nagawa kaya sumama na lang ako sa kanya sa Canteen.

Pagdating namin sa Canteen hindi kagad sya umorder ng pagkain. Tss.. Minamadali akong pumunta ng Canteen tapos ganito lang. Tutunganga lang kami dito. Hayssst.. -.-

"So ano na? Oorder ba tayo? O Nganga na lang?" Iritadong tanong ko dito.

Hopya (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon