A/N: Hehehe :P Ito na ata ang isa sa mga pinakamahabang ONE SHOT.. Sensya na po. Medyo busy lang kaya putol putol ang update ko...
Salamat sa mga nakabasa na.. ☺☺
~~~~@@
1 month later.,
Naging malapit kami sa isa't isa ni Dylan. Lagi kasi syang sumasama samin Polau tuwing nagre-recess kami. Maging sa mga lakwatsa namin sumasama din sya. Mas madalas pa nga ata kaming magkasama ni Dylan kesa kay Polau e.
In 1 month, mas lalo naming nakilala ang isa't isa. Kinukwento nya sakin yung mga problema nya. Ganun din ako sa kanya.
Ang masasabi ko lang. He's a good guy.
Masarap syang kasama.
Makwento.
Palabiro.
At higit sa lahat....
SWEET <3
Kaya naman mas lalo akong na-fall ako sa kanya.
Kung dati kilig lang yung nararamdaman ko sa tuwing nagkikita kami at sa tuwing nagkakasama kami..
Ngayon..
Parang feeling ko...
MAHAL ko na sya..
Hanggang sa isang araw :/ ..
[LIBRARY]
"Oh, tapos mo na ba yung assignment mo?" tanong ko sa kanya.
"Wait lang. Di pa ako tapos." binilisan nya ang pagsusulat.
Nung time na yun nagkita kami sa Library kasi kokopya daw sya sakin ng Assignment. 1 hour na nga ata kami mahigit dun pero di pa din sya tapos kumopya.
Haist. >,<
Pero ayos lang kasi kasama ko naman sya ee.
"Bilisan mo kayang kumopya. Kanina pa tayo hinihintay ni Polau e." sabi ko sa kanya.
Biglang sumeryoso yung mukha nya nung binanggit ko yung pangalan ni Polau.
Lumingon sya sakin.
"Nililigawan ka ba ni Polau?" seryosong tanong nito.
"H-huh? At san mo naman nakuha yang mga ganyang tanungan ha?"

BINABASA MO ANG
Hopya (One Shot)
Short StoryKwento ng mga taong mabilis mag-assume... at yung mga taong masyadong pa-FALL!!