"Anong sinabi mo?!" Pagod ako pero sampal agad ang ibinungad sa akin ni Mama.
"Gagawing teleserye ang istorya ko," walang emosyon kong ulit sa kaniya.
"At sinong gaganap?!" nanggagalaiti ring tanong ni Zahra sa akin, ang maarte at maldita kong kapatid, pangit naman.
"Si Maximus." Nginisian ko siya ngunit hindi rin nagtagal ay sampal lang ulit ang natanggap ko kay Mama.
"Alam mong in-offer ko sa kaniya ang manuscript ng story ko pero gano'n-gano'n mo lang siya nakuha?!" Aambahan niya na sana ako nang tumunog muli ang pinto, dumating na si papa. Ngunit dahil sanay na sa tanawing nakikita niya araw-araw ay tinignan niya lang kami at nilampasan.
"Alam mo kung gaano kasikat at kaganda ang istorya ko na kahit kanino ko i-offer 'yon ay tatanggapin. Kahit na sa hollywood actor ko pa i-offer ay tatanggapin iyon, Zahra. Kaya 'wag kang mag‐inarte riyan na para bang ang ganda ng istoryang ginawa mo... dahil hindi, Zahra. Malayo pa sa maganda. Kahit palaos na ay hindi tatanggapin 'yang cliché story mo," ang tono ko ay sarkastikong pinapayuhan siya.
"A-Anong sinabi mo?!" Sinabunutan niya ako pero s'yempre ay hindi ko muli siya pinatulan.
"UH!" Malakas kong isinalampak ang katawan sa kama dahil sa pagod matapos ako masabunutan.
Ini-alarm ko ang cellphone ko ng 6:30 dahil bukas na ang script reading ng Reverie.
Nakatulala lang ako sa kisame ng tatlong oras at makakatulog na sana ako nang tumunog ang cellphone ko. "Sino bang matinong tao ang tatawag sa akin ng 2:30 ng madaling araw?! Patulugin niyo naman ako!" Sigaw ko bago sinagot ang tawag kahit na number lang iyon.
"Hello, takot ka bang maging hotdog—"
"Punyeta!" sigaw ko sa kabilang linya at pinatay iyon.
Bwiset 'tong mga spam na 'to, dati sa text messages lang sila, ngayon ay tumatawag na rin? Gano'n na ba talaga sila ka-bore?
Muli ay hindi ako nakatulog dahil sa inis. Hindi ko rin namalayan na 6:30 na kung hindi lang tumunog ang alarm ko.
Tumayo na ako at pinatay ang alarm. Naligo ako at nagbihis na. White polo crop top at brown trousers ang isinuot ko ngayon. Nag-blow dry lang ako ng hair at nag-hair clamp. Naglagay ako ng sunblock at inihanda ang white shoes at bag ko para umalis na.
8:30 AM na nang umalis ako sa bahay. Alas nuebe ang script reading kaya nang dumating ako roon ay nandoon na ang lahat.
Anxiety attack. Lahat sila ay nakatingin sa 'kin. Late na ba ako? Galit ba sila sa akin dahil pinag-antay ko sila?
"Hello, Ms. Flammia!" Lahat ng nasa isip ko ay nawala nang salubungin ako ni Direk Pau. I smiled as he hugged me. Here comes the first man... maybe human suits the best... who loves me so much. He's very fond of me. He adores me so much.
"Hello, Direk." Nakipagbeso ako sa kaniya.
Nakipag-shake hands naman ako sa mga artistang naroon and call me names, wala akong pakialam, at oo na, napakasama ko dahil wala akong kilala sa kanilang lahat! Ni isa, wala! Na kahit isang mukha ay hindi pamilyar sa 'kin. Don't blame me, never akong nanood ng TV. Si Nora Aunor at Vilma Santos lang ang kilala ko.
Naupo ako sa harap, sa tabi ng dalawang direktor.
Ewan ko kung sinong artistang ito ang nakatingin sa akin pero nginitian ko na lang din siya.
Doon na nag-start ang script reading. First time ko 'to kaya kabado at hindi alam ang gagawin. Pinakilala niya ang kapwa direktor na si Ms. Selene at ako bilang manunulat ng Reverie. Pinakilala rin ni Direk ang mga aktor na gaganap sa teleserye.
YOU ARE READING
Reincarnated Memory
General FictionReincarnated Memory portrays a romance between a versatile actor and a well-known writer who is fated to encounter each other in every lifetime.