Prologue

2 0 0
                                    

This story is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any resemblance to real persons, living or dead or actual events are purely coincidental.



3rd Person POV


Yanna always think that love is like what she watches in fantasy movies. That love is all about the good days. That when you love someone, you both can live happily ever after.

"Gusto ko rin maging si Cinderella." ani Yanna habang nakadapa sa kama niya. Kahit kasi teenager na siya ay di talaga nawawala ang pagkahilig niya sa mga disney princess.

"Nako Yanna! Kahit siguro magreincarnate ka e hindi yan mangyayari." Pang-aasar ng kaniyang pinsan na si Mika.

"Ang nega mo!" sabay bato niya ng unan sa pinsan niyang busy sa pagbabasa sa study table.

Mike glared at her. "I'm just stating the facts so that you will come out of your fantasy." she rolled her eye before reading again.

"Whatever." bulong ni Yanna sa sarili at tinuloy ang panonood ng Cinderella.

"Can you please lower the volume?! Bingi ka ba at abot hanggang ibang planeta yang lakas ng volume mo?" angil ni Mika na nauubusan na ng pasensya kay Yanna.

"As far as I know ay kwarto ko to." umirap si Mika bago padabog na binaba yung librong hawak niya at lumabas ng kwarto ni Yanna.

"Tss. Pikon." Bulong niya sa sarili niya.

Nang matapos niya ang pinapanood ay bumaba na siya para kumain ng hapunan. Kasabay niya maghapunan ang kanyang mga magulang at ang pinsang si Mika.

Magkasabay nang lumaki si Mika at Yanna dahil bata pa lang si Mika ay hindi na niya nakapiling ang mga magulang niya. Sa kasamaang palad ay biktima ng rape ang nanay ni Mika. Hindi alam kung sino ang tatay ni Mika. Walang balita kung patay o buhay pa iyong nang-rape sa nanay niya.

Kasalukuyang nasa ibang bansa ang nanay ni Mika at namumuhay na ng payapa kasama ang naging asawa niya. Hindi nagkikita sina Mika at ang nanay niya dahil hindi matanggap ng nanay niya na nagkaanak siya sa isang rapist kaya simula noon ay mga magulang na ni Yanna ang kumupkop sakanya.

"Honey, what are you planning on your 17th birthday?" tanong ni ina ni Yanna sakanya.

"Maybe a vacation." tipid niyang sagot

"Where?"

Saglit pa siyang nag-isip.

"Hongkong?"

"Are you obsessed with Hongkong? We went there almost five times!" iritang sagot ni Mika

"Birthday ko diba? Bat nangingialam ka?" angil ni Yanna

"Both of you, stop it! Kumakain tayo oh. Have some manners!" maautoridad na sinabi ng tatay ni Yanna

Parehas nilang tinignan ng masama ang isa't isa.

Bat kasi nangingialam pa sa desisyon ko e birthday ko naman!

Ayan ang mga salitang tumatakbo sa isipan ni Yanna.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yellow SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon