2 ✘

834 20 1
                                    

Dimmi's Point of View

The next morning...

Nakapag-ayos na ako ng gamit. Cellphone, check! Wallet, check! Susi ng van, check! Bag ko, check! DSLR, check! Okay, so that means ready to go na ako. Lumabas na ako ng kwarto ko tapos bumaba na ako papunta sa may living room kung nasaan si mommy.

"Mommy, alis na po ako ah?" pamamaalam ko sa kanya

"Oh sige baby. Ingat kayo ah. Lalo na sa byahe. Bye. I love you."

"Love you too 'my. Byeee"

Pagkatapos kong makapagpaalam kay mommy ay lumabas na ako at pumunta na sa garahe para makasakay na sa van.

-

Ministop...

"Aish! Ang tagal naman nila. 5 minutes na silang late. Ay nako jusko."

Nagmumukha na akong tanga dito kasi nagsasalita ako magisa. Kainis naman kasi ang tagal ko ng naghihintay dito eh. Bibili muna akong foods sa ministop. Wala pa akong babaunin na pagkain eh.

Pagkatapos ko mamili, lumabas na ako. Ayunnn! Buti naman at papunta na sila dito. Nagtext na kasi eh.

5 minutes...

10 minutes...

Sa wakas nandito na din sila. Kainis sila ha.

"Sorry we're late." sabi ni Clar.

"Yung isa kasi diyan eh. Kami pa ang gumising." sabi naman ni Ely.

"Magtigil ka nga! Napuyat lang ako, may pinanood kasi ako." sabi ni Caleb.

Magaaway na lang ba sila forever? Nakakarindi na ah.

Walang forever

"Anong pinanood mo? Bold? Hahahaha." sabi naman ni Louell. Ang pinakaberde ang utak samin.

"Di ah. Spongebob the movie, tinapos ko yun tapos nanood pa ako ng Barbie: Life in the dream house." Seriously Caleb? Bakla ba siya?

"Manahimik nga kayo! Nakakarindi na ha." suway ni Tine kila Clar, Louell, at Caleb.

-

Halos apat na oras na kaming bumabyahe, malapit na kami ayon sa google map na ginamit naming guide para makarating sa resort na yun. Ganito ang seating arrangement namin.

Ako Clar

Jerick Tine Chasten

Raven Ysa Pat

Caleb Ely Louell

Nakasisigurado ako, tuwang tuwa ngayon ang bakla kong kaibigan na si Ely. Oo tama kayo ng narinig. I mean, nabasa pala. Bakla nga siya. Kaya ko nasabi na tuwang tuwa siya dahil katabi niya ngayon ang crush niyang si Caleb. Ako lang ang pinagsabihan niya nun. Secret lang namin iyon.

Nang mapatingin ako sa harap ng salamin. Napansin kong ang sama ng tingin sa akin ni Chasten. Nanlilisik na mga mata, magkadikit na kilay at nakakunot na noo.

"May problema ba Chas?" tanong ko sa kanya ng hindi tumitingin. Nakabaling kasi ang atensyon ko sa kalsada.

"Wala naman. Hehe." tanging sagot niya.

-

WELCOME TO STILTS RESORT

"Yeyyy! We're here." sabi ni Clar habang nagtatatalon. Hay nako, isip bata talaga.

"Oh syaa. Dito lang kayo ah. Tanong ko lang kung magkano entrance fee." sabi ko sa kanila tapos umalis na ko.

Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasan na mamangha sa ganda ng asul na dagat. Kaya naman kinuhanan ko ito ng litrato gamit ang DSLR ko.

Hindi pa ako nakuntento, nagpapicture ako dito na nasa likod ko ang dagat.

Nakakita ako ng lalaking naglalakad kaya naman nakisuyo akong magpakuha sa kanya ng litrato. Buti naman at pumayag siya.

-

"Kuya, magkano po entrance fee?"

"350 po maam. Beach and pool po kasi ito, tapos meron pong mga floating cottages sa dagat." Wow ah. Gusto ko yan.

"Ah. 11 kami, 2 days and 1 night kami dito. Kukuha ako ng 4 rooms."

"Nako, maam sorry po. Full na po pala eh, kahit yung cottages full na din."

"Ah okay."

"Pasensya na po talaga maam. Malapit na po kasi ang summer kaya madalas na po mafull ang mga resort." sabi nung crew.

"Ayos lang yun kuya."

Ang malas naman. Naniniwala na ako sa kasabihan na "Lahat ng kasayahan may kapalit na kalungkutan." Masaya kasi namangha ako sa dagat. Malungkot kasi di kami nakapagrent ng room at cottage. Umalis na ako at bumalik sa pinagparkan ko ng van.

"Wag ka ngang maingay! Pag ikaw na Attitude adjustment ko. Marunong akong magwrestling, wag mo akong sinusubukan ha." narinig kong sabi ni Clar kay Ely. Ano kayang ginagawa ni Ely don?

"Lalalalalala."

"Bullcrap!" sabi ni Clar at tumayo sa pagkakaupo niya sa van.

Lumapit siya kay Ely.

"Sinasabi ko sayo kanina pa na hindi ako nakikipagbiruan." Pagkasabi niya non ay hinablot niya ang leeg at binti ni Ely pagkatapos ay binuhat niya ito at ipinatong sa kanyang balikat.

"Pagsisisihan mo tong bakla ka." Pagkatapos niyang sabihin yun ay inilaglag niya si Ely sa semento. Napahawak naman si Ely sa kanyang likod.

"Aray ko p*ta Clar. Ang sakit."

"Tumigil nga kayo. Ano ba Clar grabe na yung ginawa mo. Ikaw naman Ely wag kang magreklamo diyan dahil kung di mo yan kinulit di hahantong sa ganito. May lahi pala yang John Cena lumayo layo ka dyan." sinuway ko na silang dalawa

"Oh Dimmi, balita?" tanong naman ni Ysa

"Full na. Sa iba na tayo." malungkot na sabi ko sa kanila.

"May alam ako! Sa Villa Consolacion. Pagaari namin yun, maganda dun tayo lang tao." sabi ni Caleb sa akin.

Di agad sinabi sa akin eh.

"Kahit naman pala papaano ay may pakinabang ka. Dun ka umupo sa shotgun seat ituro mo sa akin ang directions."

"Okay sige."

-

Villa Consolacion [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon