Sa Isang Relasyon ..

75 1 2
                                    

Sa isang relasyon...

♥ Kadalasan sobrang tamis sa simula. Puro kasweetan ang alam, lahat magagandang moments. Parang iniisip at hinihiling mong hindi na mawala ‘yung taong ‘yun at kung ano ‘yung meron kayo.

♥ Natural na ang tampuhan at away. Normal din ang magselos at masaktan. Minsan parang katapusan na ng mundo kapag magkaaway kayo, kasi hindi ka pa sanay. Minsan, pakiramdam mo maghihiwalay na kayo dahil sa masasakit na salitang nabitawan niyo. Minsan maiisip mong ayaw mo na, na pagod ka na, na sawa ka na, na hindi ‘yun ang ginusto mong maging takbo ng relasyon ninyo.

♥ Darating sa puntong mapapagod ka talaga. Darating ‘yung oras na konti na lang sasabog ka na, na konti na lang susuko ka na. Minsan mababanggit niyo ang hiwalayan dahil nagkakasalubong ang init ng ulo niyo. Magagalit siya, tapos magagalit ka rin. Hindi mo na alam minsan kung sinong nagsimula ng away, kung sino ang may kasalanan at kung paano pa maaayos ‘yung problema.

♥ Hindi basta-basta sumusuko. Minsan madaling isipin, madaling sabihin. Minsan din madaling gawin, pero napakahirap panindigan. Hangga’t kaya niyo pang ipaglaban, gawin niyo. Hangga’t may naiisip pa kayong solusyon bukod sa pagkalas, ayusin niyo. Kung alam niyong hindi kayo magiging masaya na wala ang isa’t-isa, ‘wag kayong bibitaw. Kung alam niyong nasainyo lang ang problema, at kayo lang makakalutas nito, pilitin niyong sagipin yung relasyon- pati na ang isa’t-isa.

♥ Minsan may mga kumokontra. Pero minsan lahat na nakikisundo sainyo—panahon, distance, mga kaibigan, mga magulang, LAHAT! Minsan kailangan lang talaga ng oras para mailagay sa tamang lugar ang lahat. Kung alam mo at alam niyang tunay kayong nagmamahalan, huwag ninyong hahayaang masira ang relasyon niyo ng basta-basta.

♥ Hndi dapat nagpapakain sa pride. ‘Wag malunod sa kaisipang “hindi naman siya mapapagod sakin, kasi mahal niya ako.” ‘Wag mong samantalahin ‘yung pagmamahal na nilalaan niya sa’yo. ‘Wag mong hintayin yung araw na ‘di mo nalang namamalayan, unti-unti na kayong napapalayo sa isa’t-isa. Wag mong hintaying siya na mismo ang sumuko kasi pinabayaan mong masira ang relasyon ninyo. ‘Wag mong hintayin ‘yung oras na tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para maghiwalay kayo dahil hindi niyo iningatan ang binigay sainyo.

♥ Matagal muna magsusuyuan. Sa simula parang napakaganda, parang wala kang nakikitang mali. Lahat umaayon sa inyo. Sa kalaunan, papait ng konti ang samahan ninyo dahil unti-unti niyo nang nakikilala ang isa’t-isa. Habang tumatagal, dadami ang haharapin ninyong problema. Ang mahalaga, hindi mawala sa puso’t isip niyong mahal niyo ang isa’t-isa. Na pinaghirapan niyo tong relasyong ‘to. Na karapat-dapat kayong makaranas ng ganitong kasiyahan. Ang mahalaga, ipaglaban niyo kung ano ang alam niyong dapat ay sainyo. Kung ano ang alam niyong tama at kung ano ang alam niyong makapagpapasaya sainyo.

🎉 Tapos mo nang basahin ang Para sa mga MAGMAMAHAL, NAGMAMAHAL AT MAGMAMAHAL. ♥ 🎉
Para sa mga MAGMAMAHAL, NAGMAMAHAL AT MAGMAMAHAL. ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon