DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales and incidents are either the products of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
___________________________________
"Congrats, pre. Talagang asensado ka na ah. Dinarayo na talaga ang kapehan mo rito." sambit ng kaibigan kong si Allan habang hawak-hawak ang isang baso ng Latte na tinimpla ko.
"Salamat, pre." maikling sagot ko sabay tawa ng mahina dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot.
"Anak, Kobi. Halika rito, papakilala kita sa mga Business partners ko." masiglang pag-aya sa'kin ni Daddy sa isang table na napupuno ng mga tao na may pormal na kasuotan.
Kung iisipin mo ay parang totoo ang pinapakita niyang saya ngunit dahil kilala ko na siya ay alam ko ng para lamang iyon sa pansarili niyang kagustuhan. Gusto niya lang naman magbida sa kanyang mga katrabaho.
"Si Kobi nga pala, anak ko. Siya ang nagmamay-ari ng kilala nating No Name Coffee shop na marami ng branches maging sa ibang bansa." dire-diretso niyang sambit na kinatuwa naman ng kanyang mga katrabaho.
"Luckily he succeed on this thing.." dagdag pa niya. Nakipag kamay na lamang ako sa kanila pagkatapos ipakilala at nagpaalam na munang pupunta sa ibang bisita.
Naalala ko pa noon kung paano nila pinagtalunan ni Mommy ang pagtatayo ko ng Coffee Shop. Kesyo, may degree naman raw at tapos ako ng pagiging isang Civil Engineer bakit raw mas gusto kong maging isang owner lang ng coffee shop.
Buti nalang at sinang-ayunan ako ni Mommy, dahil ito talaga ang gusto ko. Dito ako masaya, nalilibang at may parte talaga sa puso ko ang bawat kapeng ginagawa ko at ini-aalay sa mga taong gustong matikman ito.
Hindi naman nasayang ang degree ko sa pagiging inhinyero dahil tatlong taon rin akong nagtrabaho at naging representative ng aming konpanya sa ibat ibang bansa. Sadyang, para sa'kin ay hindi lamang iyon ang gusto kong tahakin.
3rd Anniversary nga pala ng coffee shop kong ito kung kaya't maraming tao at bisita. Sayang nga lang at hindi makakarating sina Mommy dahil sinasamahan ang dalawa ko pang kapatid na babae na nag-aaral doon sa Unibersidad sa Amerika.
"Sir, Kobi. Okay na po, naligpit ko na po 'yung mga nagamit natin kanina at malinis na rin po ang kitchen. Hindi ka pa po ba uuwi?" sambit ni Jonas, isa sa mga barista ko rito sa coffee shop na tinuring ko na ring kaibigan.
Dalawa lamang kami ni Jonas rito sa branches na ito dahil hindi naman ito kalakihan kumpara sa iba pang branches. Sa tatlong taon ng coffee shop ko ay siya na ang kasama ko rito. Ayako naman na magdagdag pa ng tauhan dahil kaya naman namin.
"Oh, I know it's a tiring day for the both of us but yeah, you can go now. Thanks for today." sambit ko na nakakaramdam na rin ng pagod.
Nag-uwian na rin kasi kanina ang mga bisita at kami na lamang ang natitira rito sa shop. Napagdesisyonan kasi muna namin na magsarado ng maaga bilang celebration na rin sa tatlong taon ng Coffee Shop.
Halos araw araw kasi ay hanggang 3:00 am kami ng madaling araw na naka-bukas para sa mga taong gustong magpalipas ng oras at gabi rito.
"Mag-aalas dose na po sir. Pahinga na rin po kayo. Sige po, una na po ako." paalam ni Jonas at tuluyan nang umalis.
Hating-gabi na pala, hindi ko manlang napansin ang oras. Kaya siguro medyo inaantok na ako dahil na rin siguro sa pagod magmula kagabi pag-aayos at kanina.
Paalis na sana ako ng coffee shop at kung mamalasin nga naman eh bumuhos ang malakas na ulan. Naiwan ko pa naman ang payong ko doon sa loob ng kotse ko.
Dahil no choice at ayako naman sumugod sa ulanan dahil nga pagod ako at ayako magkasakit ay hinayaan ko na lang muna itong bumuhos at pumasok na lang uli sa loob ng Coffee shop upang magpalipas ng ulan.
Beautiful girl, wherever you are
I knew when I saw you, you had opened the door
I knew that I'd love again after a long, long while
I'd love again. ♪Tugtog na nanggagaling sa malaking speaker na nakasabit sa kisame kung kaya't rinig na rinig ito. Napagdesisyonan ko kasi munang makinig ng spotify at nai-shuffled play ito.
You said "hello" and I turned to go
But something in your eyes left my heart beating so
I just knew that I'd love again after a long, long while
I'd love again. ♪Biglang may kung anong bagay na parang tumusok sa puso ko at nakaramdam ako ng sakit.
Ewan ko. Habang nakatingin sa pagbagsak ng ulan ay hindi ko namalayan na lumuluha na rin pala ako.
It was destiny's game
For when love finally came on
I rushed in line only to find
That you were gone. ♪"Kamusta ka na? Do you still remember me or what? Where you at now?" tanong ko sa kawalan na para bang may kinakausap.
It's been a year since you left this coffee shop and never came back. But still, I'm longing for your existence.
Kailan ka ba kasi babalik?
"Dito ka nalang umiyak. Dito ka nalang tumawa at sa'kin mo nalang sabihin ang mga rant mo sa buhay. Handa naman ako makinig eh." mahinang sambit ko habang patuloy ang pagpatak ng mga traydor kong luha.
"Hindi naman tayo nag-away eh, wala naman tayong pagtatalo o wala naman akong nagawang mali. Pero bakit bigla ka nalang nawala?"
Babalik ka pa ba? Kasi simula noong buksan mo ang pintuan ng coffee shop kong ito at sa pag-alis mo, dinala mo ang puso ko.
Babalik ka pa ba?
Kasi kung babalik ka, bukas pa rin ang pinto, Rain.
Hindi naman ako umalis, hindi ako aalis at hihintayin kita.
"Please, come back, be here.."
YOU ARE READING
Come Back, Be Here.
RandomMalamig na gabi at paligid. Patak ng bawat ulan na kumakawala sa kalangitan at amoy ng kape na nanggagaling sa maliit na coffee machine na araw-araw kong ginagamit sa hindi kalakihan kong Coffee Shop. Dati, sa tuwing aabot ang alas dose ng hating-g...