Nagsidatingan ang mga pulis. Nagsiputukan at syempre nagsiprotektahan. Nabaril ng isa sa mga pulis ang lolo ni Cross kahit na malayo ang agwat niya saamin. (HAHA! Buti nga sakanya! Bahahaha!) Buti nalang talaga at saktong andito yung mga pulis. Tumawag ako ng ambulansya at mabilis naming itinakbo sa ospital si Cross. Habang siya'y nasa emergency room ay andito ako sa morgue kasama ang patay na katawan ni Maya.
Bakit?! Bata lang siya pero binawian na siya ng buhay. Ang dami niya pang pwedeng gawin...
Pero, isa lang naman talaga ang nagbibigay sakit sa aking puso ngayon. Bakit ako niligtas ni Cross? Hindi tamang rason ang "kasi mahal kita."
Akala ko ba magpapakasal na kami? Akala ko ba magiging one big happy family kami tulad nila Chad at Lory? Akala ko ba magkakaroon kami ng anak? Iyak ako ng iyak habang iniisip ang mga ito. Gusto kong mabuhay si Cross, gusto ko siyang makasama, makapiling, mayakap, mahawakan, at higit sa lahat makita sa altar na nakaabang sakin at gagawin siyang 9th kiss ko sa harap ng napakadaming taong nagmamahal samin. (9th ba? Di ko na matandaan. Baka 11th o 12th...)
Please, Cross... mabuhay ka... mabuhay ka para sakin. At pag nabuhay ka, babatukan kita ng sobrang lakas kasi tongtong ka at tanga para iligtas ako. Tama na si Maya! Sacrifice na siya masyado! Kaya dapat mabuhay ka! Mabuhay ka! Mabuhay ka!
Matagal nasa emergency room si Cross. Hindi ko alam kung san siya natamaan ng bala. Basta nag-aalala ako at umiiyak pa rin hanggang ngayon. Wala pa akong lakas para ibalita kina Chad at Lory to. Naku, naku, sana lang hindi pa ito nakarating sakanila. Kailangan nilang magpahinga pagkatapos nung nangyari sakanila sa simbahan. Ayaw kong mag-alala sila, at higit sa lahat ayaw kong sugurin nila ako dito. Kailangan ko munang mapag-isa.
============================================================
"Eya, bakit di ka nagsasalita?"
...
"CB... huwag ka nang umiyak!"
...
"Hindi ako titigil hanggang sa di ka magsalita. Magsalita ka. Kailangan mong magsalita. Huwag mong sabihing napipi ka na dahil sa sobrang lungkot at kaba?"
...
"Eya, huwag mo naman akong gawing tangang parang kinakausap ko lang ang sarili ko."
Nginitian ko si Cross... "Cross, huwag kang mawawala. Ipromise mo saking hindi mo ako iiwan. Diba may kasunduan tayo? O, nalaman mong yang lolo mo ang nagpasabog ng simbahan. Namatay si Maya. Binaril ka niya. Nalaman mo kung sinong mastermind nito, ibig sabihin papakasalan kita pagkatapos ng graduation diba? Diba gagawin nating bestman si Chad at gagawing Maid Of Honour si Lory? Ah, mali! Mag-do-double wedding tayo, diba? Tapos magkakaroon tayo ng anak! CB Ms. or CM Mr.! Hindi ka ba excited? Kaya, ito, itupad mo ang promise mong mabubuhay ka. Huwag kang sumuko."
Nakita ko si Cross na naglalakad papunta sa isang maliwanag na ilaw. Kaharap niya si... teka... si... ERIS?! Si Eris, yung yumaong asawa ni Eros... Bakit niya kaharap ito? Biglang humarap sakin si Cross at ngumiti.
Nagising ako bigla. Panaginip lang pala. 5 PM na pero parang sobrang dilim na dito sa ospital. Biglang nagsara ang ilaw sa emergency room at lumabas ang doctor na medyo bigo ang itsura. Napaupo siya at hingal na hingal... pawis na pawis...
"Sorry, miss... pero ginawa namin ang lahat."
Hindi... hindi pwede!
"Patay na siya..."
Biglang tumulo ang mga luha ko... Hindi! Hindi pwede! Joke time ba to?! Please, huwag mong sabihing totoo lahat ng naririnig ko! Diyos ko po, diyos ko po, please... please... nahimatay na ako dahil sa lungkot...
Hindi na ako makakabalik sa lupa, Cross... Ah, mali... makakabalik pa pala ako dahil sa asawa ko. May pa-11 ways 11 ways pa siyang nalalaman! O, siya! See you sa ground soon, Cross!
============================================================
Nagising ako at nakatayo si Cross sa harapan ko, nakahawak siya sa nasugatan niyang dibdib pero mukhang okay na siya... panaginip lang ba lahat ng narinig ko kanina? Nakatungo siya at napatayo ako sa kinahihigaan ko para mahawakan ko siya sa mukha. "C-CM?" Inangat niya ang ulo niya at napansing tumutulo ang mga luha niya... Tama ako... hindi ako pwedeng magkamali. Cookie Monster ko nga to. Buhay siya! Ji-nojoke time lang ako nung doctor kanina!
"Eya, sorry, sorry talaga... Milagro tong nangyari sakin. Pronounced dead na ako ngunit sa kabutihan ng Panginoon ay nabuhay ako muli. Nakakita ako ng napaliwanag na daanan... naalala kong may mahal pa pala akong dapat balikan. Nakita ko ang iba't-ibang mga taong kilala ko ngunit di ko na malaman kung sino-sino sila... Hinayaan nila akong makabalik muli dito... Sobrang nag-alala ako nung malaman kong ang akala mo ay patay na ako.
.
.
.
Baka kasi maglaslas ka diyan o kung ano man!"
Bigla kaming tumawa at niyakap ko si Cross ng pagkahigpit-higpit...
Thank You, Lord. Thank You po talaga. Hindi ko po malalaman kung ano ang gagawin ng wala si Cross...
5 years later...
"Mommy! Mommy!"
"O? Anong nangyari sayo, Riri?"
"Sinuntok po ako ni Jikee! Kalalaking tao sinusuntok ang babaeng tulad ko! Uwaaah!!!"
"Nako, nako, huwag ka nang umiyak Riri! Sigurado akong pag nalaman ng tatay mong sinaktan ka ng anak ni Chad, baka sugurin niya yun at sabihing 'mukhang paa' etsetera yan!"
"Mommy, hindi naman masakit suntok niya sakin. Actually crush ko nga po si Jikee eh!" napangiti ako sa sinabi ng anak ko...
"Mommy, anong oras po babalik si Ate Creya?"
"Mamaya, anak. Kasama ang tatay mong mahal na mahal ko..."
~The End~
Original Story created by: HaveYouSeenThisGirl or Denny
(http://www.haveyouseenthisgirlstories.com)
BINABASA MO ANG
Cross and Eya Chronicles (A DNP/DNE Fan Fiction)
FanfictionThis story was inspired by my favorite author, HaveYouSeenThisGirl or Ate Denny! ♥