She's The Girl (A one shot story)

23 2 4
                                    

A/N: Ang pangatlong one shot story ko na ito ay para sa isa sa mga kaibigan ko. You can call her Vielle, one of my best friend in college. Actually, sabi ko sa kaniya, kung wala pa siyang pen name na ginagamit, ang gamitin niya ay ang name na gagamitin ko sa story na ito at iyon nga ay “Vielle”. Pumayag naman siya, actually wala na siyang choice HAHAHA. Wala akong romantic feelings for her, gusto ko lang din talagang ialay ang story na ito para sa kaniya dahil ang dami na niyang naitulong sa akin. Kung mababása mo man ito, maraming salamat sa iyong pagiging mabuting kaibigan. Magpatuloy ka lang, naniniwala kami saiyo katulad ng paniniwala mo sa amin. Anyways, posibleng may mabása o mapuna pa rin kayo riyan na mga errors kayâ inyo munang pagpasensyahan. Muli, kung isa ka sa magbabása nito, maraming salamat sa iyong suporta! Mahalaga ka araw-araw at kamahal-mahal ka palagi. Padayon! Enjoy reading Miss/Mister.

She's the girl who have strong personality.
She's the girl who is beautiful inside and out.
She's the girl who can't say no when someone asking for her help.
She's the girl who always willing to help others.
She's the girl who love other people unconditionally.
She's the girl who gives inspiration to others by her words.
She's the girl who have been hurt by her past.
She's the girl who is drowning in the events of her life but she’s still able to save others.
She's the girl who faces different problems,
But despite of all of this, she's also the girl who conquer it all.

“Nakakalunod pala talaga ang kalungkutan, dahil dito, ‘di ko na alam kung paano pa makakaahon mula sa aking pinaglubugan ngayon, pero ang tanong, magagawa ko pa ba na makaahong muli? Hindi ko alam. Parang kahit anong gawin ko na paglakad sa tubig na punô ng pasakit ay parang hinihila ako pabalik ng aking mga nakaraan upang ako ay mas malunod at mahirapan. Kailan kayâ ako makakaalis dito upang kahit papaano ay magawa ko ng makausad”, mahinang wika ni Vielle sa kaniyang sarili habang minamasdan ang alon sa dagat. Nakaramdam siya ng inggit dito. “Mabuti pa ang dagat, kalmado, hindi tulad ng isip ko ngayon, sobrang nahihirapang sumabay sa agos ng mga pangyayari”, naluluhang usal niya habang ang kadiliman ay unti-unting sinasakop ang liwanag ng sikat ng araw.


“Ah, Vielle, puwede bang tulungan mo ako rito sa assignment natin sa Mathematics? Hindi ko kasi talaga siya magets eh. Naguguluhan ako sa mga formula”, wika ng isa sa mga kaklase ni Vielle na si Leni.

“Sige, upo ka rito sa tabi ko at ituturo ko saiyo kung paano siya makuha at kung anong formula ang kailangang gamitin”, tugon naman ni Vielle rito na mababanaag ang kapaguran dahil katatapos lang niyang gawin ang project ng kapatid niya na kaniyang tinapos sa classroom nila.

“Ah eh Vielle, puwede bang sagutan mo na lang muna lahat? Isang oras na lang kasi ay darating na si Ma’am, baka hindi ko agad makuha kung paano sagutan eh”, medyo nahihiyang wika naman nito sa kaniya.

“Ay ganoon ba?”, tumango naman si Leni rito. “Eh sorry Leni, baka hindi kita matulungan ngayon, hindi na rin kasi ako masyadong makapag-isip ng ayos dahil sa sobrang pagod. Puyat din kasi ako dahil tinulungan ko ang Tatay kaninang umaga na manghuli ng isda. Katatapos ko lang din gawin itong project ng kapatid ko. Pasensya ka na ah”, nahihiya naman nitong saad kay Leni. Biglang nagbago ang timpla ng mukha ng kaniyang kaklase dahil inaakala nitong gagawin niya itong muli katulad ng dati.

“Tss. Napakadamot mo naman! Eh ang dali-dali lang naman nitong sagutan eh! Ang dami mo pang dahilan diyan, ang sabihin mo, ayaw mo lang talaga akong tulungan dahil baká maagaw ko saiyo ang pagiging first honor mo!” Nagulat si Vielle ng sabihin ito sa kaniya ni Leni dahil alam niya sa kaniyang sarili na walang katotohanan ang lahat ng iyon. “Tulungan daw para lahat umangat, tapos ayaw akong tulungan! Diyan ka na nga! Plastic!”, habol pa nito bago tuluyang umalis sa katabing upuan niya.

Hindi na nakapagsalita si Vielle dahil sa labis na gulat sa mga natanggap niyang salita mula kay Leni. Napatanong na lang siya sa kaniyang sarili kung ano ang nagawa niyang mali upang ibato ang mga ganoong klaseng paratang sa kaniya na siya raw ay “madamot”. Pilit niyang pinipigilan ang pagtulo ng kaniyang mga luha dahil anumang oras ay darating na ang kanilang guro upang magturo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 04, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She's The GirlWhere stories live. Discover now