Chapter 49

1.6K 26 6
                                    

Dedicated to EverWonderWhy :)) Sobra akong na touch sa comment mo last chapter :"> Grabe as in, tapos hinabol mo talaga 'yung story ko sa loob ng 3 days :D Wow, thank you.. 

CHAPTER 49

HARVEY'S POV

"Ikaw pala ang lalaking mahal na ako dati pa....

CAREBEAR" Tears flowed freely through her cheeks. Nilapitan ko si Claudette at niyakap

"Please, don't leave me.. Sa..sabihin ko na sa'yo la..lahat.. Just don't leave me.. Hindi ko kakayanin." Tumulo ang luha sa pisngi ko. Hindi sumagot si Claudette.. Umalis ako sa yakap at inupo ko si Claudette sa kama ko.. Tumabi ako sa kanya, hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito "Claudette-"

"Sa..bi..hin.. mo..la..hat..Cla..rence" sabi ni Claudette habang nakatungo

(A/N: Mag-flash back po tayo ng mejo malayo :) Sa mga nakakaalala pa nung mga chapters, mas okay ^_^ Ang set-up po ng Flasback ay nagkekwento si Harvey kay Danna at sainyo habang nagsasama ng konting conversation..Mas okay kasi ako sa ganitong format ^_^)

5 years ago, January 7 around 8:30pm near Infinity Restaurant, habang naglalakad ako kasama 'yung dalawa kong bodyguard nakarinig kami ng gunshot at sigaw ng isang babae, agad-agad naming sinundan kung saan nang-gagaling 'yung iyak at sigaw ng babae at noong narating na namin 'yung lugar, nakita ko ang isang matandang walang buhay, at mga lalakeng pinagkakaisahan 'yung babae, mukang balak nila nitong gahasain, sinabihan ko agad 'yung bodyguards ko na pigilan nila 'yung mga lalake, hindi naman sa pagmamayabang pero talagang nag hire ang Mom at Dad ko ng magagaling na bodyguard para sakin, kahit sugurin sila ng benteng tao sabay-sabay may armas man o wala kaya nilang patumbahin ito ng hindi sila nadudumihan ng damit. Anak na sila ng mga bodyguards nila mom na naging bodyguards ko din nung bata ako, naging bodyguard ko lang sila nung nag 10 years old ako dahil nagretire na ang mga magulang nila. May nakakita atang kasamahan nila kaya bigla nilang binitawan 'yung babae at agad ko naman itong pinuntahan. Ang ganda, ang ganda nung babae.. Kahit na umiiyak siya, maganda parin siya, hindi ko alam pero pagkakita ko pa lang ng mukha niya tumibok na agad ang puso ko.. 

"Miss! Miss! Wake up!" Nawalan ng malay 'yung babae, saktong bumalik naman si Erwin at Miguel. Hindi ko na tinanong kung anong nangyari sa hinabol nila, dali-dali naming dinala yung babaae at 'yung lolo niya sa malapit na hospital at tumawag kami ng pulis.. Habang nasa bench kami ng hospital at hinihintay 'yung mga pulis tinananong ko kung nasaan na 'yung mga hinabol nila..

"Young master, hindi po namin sila nahabol pero bago pa sila mawala sa paningin namin naihagis ko sa isa mga kasamahan nila 'yung tracker kaya kahit saan man sila ngayon nagtatago, matutunton natin sila."

Waiting For Me (COMPLETED) <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon