Prince Zeius' POV
Ako si Prince Zeius Tuazon, 16 taong gulang, isang normal na mamamayan at estudyante. Ang aking mga magulang ay sina Simeon Tuazon at Rina Tuazon. Panganay ako sa aming magkakapatid na sina Laurisa, 13 gulang at Jeremy, 5 gulang. Jeepney driver ang aking ama at nagtitinda naman ang aking ina ng mga ulam at meryenda. Meron lang kaming normal na pamumuhay, di mahirap at di rin mayaman. Ang aming pamilya ay nabubuhay ng marangal at masaya. Tuwing Linggo, kami'y nagsisimba't namamasyal. Pag araw naman ng Sabado, nagtutulungan kaming mag-linis o mag-ayos ng mga gawaing bahay at nag-aaral kaming magkakapatid kapag hapon.Ako'y nag-aaral sa St. Fatima High, isa iyong pampribadong paaralan. Natutustusan naman ng aking mga magulang ang tuition fee at mga bayarin rito dahil wala naman kaming mga utang at di rin kami gipit. Dito din nag-aaral si Laurisa bilang 7th grade at ako nama'y 4th year o mas kilala ngayon bilang 10th grade. Ang bunso ko namang kapatid na si Jeremy ay kinder sa St. Fatima Academy, pareho lang to ng aming paaralan ngunit pang-kinder at Elementary.
4-B ako't laging 1st ranker sa aming klase, (sa klase lang namin at di buong 4th years) simula nung 7th grade ay parati ako nasa section B kahit gusto ko man sa A, napakatalino kasi ng mga estudyante sa klaseng iyon. Kasama din ako sa Student Council, Peace Officer ang pwesto ko roon.
Ang aking mga kaibigan ay sina Michelle (sect. A), Robi (sect. B), Scarlet (sect. A), Ian Ralph (sect. A) at Mary Ann (sect. B). Di naman kami mga losers at mas lalong di kami bully, sa totoo nga eh ang kaibigan naming si Michelle ay 1st ranker sa buong 4th year at si Ian Ralph naman ay ang President ng Student Council. Mababait silang lahat at mapagkumbaba kahit meron sa aming mayaman o mahirap, nagtutulungan rin ang bawat isa sa amin. At meron ding nag-iibigan sa aming barkada, si Scarlet at Robi. Nililigawan palang ni Robi si Scarlet na halata namang may gusto rin sa kanya. At sabi-sabi naman ng iba kong kaibigan ay may lihim na pagtingin raw sa akin si Michelle.
_________________________________
A/N:
Heow Readers, hope you like it po! Thanks sa mga may gusto neto, and I don't really care sa mga ayaw!
|READ|VOTE|COMMENT|BE A FAN|
~RockMeJen
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Pero..
Teen Fiction(A/N: This is a not-so-long story, so don't expect too much) HAPPY READING ^_^