Prince Zeius' POV
Papaalis na ako dito sa street namin papuntang school. Subdivision to pero di kami home owner kasi rumerenta lang kami ng bahay, at may Excecutive Village sa dulo ng Subd. nato, dun nakatira ang karamihang nag-aaral sa SFH.
Nandito nako sa school at mukang napaaga yata ako dahil kakaunti palang ang mga estudyante. 7:00 ang eksaktong pasukan dito pero pagtingin ko sa aking relo, 6:15 pa lamang ng umaga. Naglakad-lakad na muna ako sa corridor ng 1st floor. Nang madaanan ko ang cr ng mga babae, napatigil ako dahil may narinig akong humihikbi."Huhuhuhu..."
Tuloy-tuloy lang ang pag-iyak nung babae. Sinilip ko muna kung may ibang tao sa corridor, baka pagkamalan pa akong manyak eh! At bago ako pumasok sumigaw muna ako sa loob ng cr.
"Uh, hello? May tao ba dyan?"
"Uwaaaaaa.. Huhu!"
Mas lumakas pa ang kanyang pag-iyak. Binuksan ko ang lahat ng cubicle hanggang sa mabuksan ko na ang pinakahuli. Papalabas na sana yung babae nang..
"Aaaaaaaaaaaahhhhh!!!"
"Aaaaaaaaaaaahhhhh!!!"Magkasabay naming sigaw dahil pareho kaming nagulat. At sa sobrang gulat nung babae, naitapon nya yung kanyang cellphone sa bowl/inidoro.
"Oh.My.Goshie! My cellphone!"
(0o0) -sya
(#>o>) -ako"Uh, sorry Miss! Curious lang kasi ako eh, may narinig kasi akong umiiyak dito kaya pinuntahan ko"
"Pano na iyan? How can we get it?"
Sinungkit ko yung cellphone nyang mamahalin gamit ang kamay ko habang hindi nakatingin don. Haist! Syempre mandidiri pa rin ako! Pagkakuha ko non, naglabas sya ng tissue at alcohol upang ipangpunas sa cellphone nya. Naghugas naman ako ng kamay dun sa gripo.
"Thank God, gumana!"
Nakita ko ang pag-ilaw ng kanyang cp"Sorry ulit, Miss ha? Akala ko kasi may nangyaring masama sa iyo"
"No need to say sorry, sadyang OA lang ako! Haha!"
"Ba't ka ba kasi umiyak?"
"Eeh, kasi eh! Ang hina ng internet at malapit nang maubos ang load ko" nag-pout sya.
"Dahil lang don?"
Tumango sya't natawa ako. Tapos nya na ring punasan at linisan ang kanyang cp, inamoy nya pa ito. Muka namang maayos na't mabango. May narinig kaming paparating na mga babae."Where's that girl na kaya?"
At nakapasok na nga sila at nabigla yata sila dahil may lalaki dito. Apat silang mga babae."Uh, girls! That's not what you think huh?!" sagot ng babaeng katabi ko na hanggang ngayon di ko pa kilala.
"Ano bang nangyari? At bakit namamaga yang eyes mo?" tanong nung isa.
"Let me explain Mickii! Wag kang OA ha? At wag dito noh!" sabi nya ulit
"Ah.. Eh, pano ba yan! Pwede na ba akong umalis?" tanong ko dahil medyo out of place na ako.
"Yeah, you can go! By the way, I'm Princess Jen Suarez, from 4-A" pakilala nya at nag-aamba syang makipag-shake hands.
"Ikaw pala ang Vice President namin sa SSC! Di pa kasi tayo nagmi-meeting eh kaya di ko pa kayo kilala at ikaw rin yung 2nd ranker diba? Ako naman si Prince Zeius Tuazon from 4-B, ako ang Peace officer nyo!" banggit ko
"Wow! Alam mo girl bagay kayo! Ayiie!" sabi nung isang kaibigan yata ni Jen.
"Psh! She's Fremenice pala! At heto naman si Mickii, sya si Sheila at ito si Katiana!" turo nya sa lahat
"Nice meeting you!" sambit ko.
"Bagay nga kayo!! Gosh! May naisip akong new loveteam!" sabi nung Katiana.
"Ano??!" tanong nilang lahat.
"Prince and Princess Jenius Suazon!"
"Too long!! Jenius nalang! Ayie!" sabi naman ni Sheila.
"Sorry! Ganyan talaga sila hehe!" sabi ni Jen.
"Ok lang, sige bye na!" sabi ko at naglalakad na palabas ng cr.
"Bye!!" sigaw nilang lahat. Kumaway ako sa kanila. Pupunta na rin ako sa classroom, marami-rami na rin ang estudyante.
_________________________________
A/N:
Please mag-vote naman po kayo! Kayo na nga lang ang nagbabasa eh! X-(
Pleeeaaaaasse??! Ipagdadasal ko talaga ang magvo-vote!
|READ|VOTE|COMMENT|~RockMeJen

BINABASA MO ANG
Mahal Kita Pero..
Novela Juvenil(A/N: This is a not-so-long story, so don't expect too much) HAPPY READING ^_^