Chapter 4

10 0 0
                                    

Alyhana Montiveros PoV

"Listen everyone!" Panimula ng nagtuturo. "You have something to do." ani nito. "Find a partner, dapat ay babae at lalaki. Bawal babae sa babae bawal lalaki sa lalaki." Rinig na rinig ko ang ibang nagrereklamo. "Tigilan niyo ako! Kung ayaw niyong gawin walang grades!" Sigaw niya na patili tapos biglang kakalma.

"Yes!"

"Gumawa kayo ng ALBUM at mag-isip kayo ng lugar kung saan niyo gagawin ng kapareha mo. Be creative everyone. Huwag niyo akong pasahan ng dugyot! Ilagay ninyo ang mga opinyon o saloobin o experience or kahit caption na lamang. Sa loob ng isang buwan ninyo gagawin ang pinapagawa ko at sasabihin ko na lang kung kailan ipapasa. Clear?" Mahabang sabi niya kaya napataray naman ako. Ang daming lumapit saakin na mga lalaki para maging partner ako.

No way. Isang buwan talaga?

Hindi ba pwedeng ikaw na lang  mag-isa na gumawa?

"Hi Treexy! Uhm pwede ba kitang makapartner?" Napataas ang kilay ko na may ngiti sa labi. Alam ko na kasi sa isip ko na gustong makapartner ni Treexy si Germs HAHAHAHA.

"Huh? A..a.ano uhm." Nauutal na sagot ni Treexy. 

"Bakit Francisco ayaw mo ba dito kay nerdy boy?" Singit ng classmate naming lalaki at nagtawanan ang buong klase.

"H..huh? Hindi ah. Sege p..partner tayo hehe." Kamot ulong sabi ni Treexy dito kaya napailing ako at tinanggal ang tingin sa kanila. Gulat akong sumalubong ang panget na pagmumukha ni Jhimuel. Tinulak ko siya ng malakas.

"Aray ha!" Reklamo niya.

"OH BAGSAK!" Sabi ng classmate naming lalaki at nagtawanan nanaman ang buong klase. Inis niyang binato ang bag na nakuha niya sa classmate naming maingay.

"Hey! Bag ko yan brad!" 

"Paki ko?" Masungit na sabi ni Jhimuel kaya napataas ang kilay ko. "Bakit mo naman ginawa yon sa akin Baby?" Tumayo siya at pinagpagan ang sarili.

"Tanong mo sa pagong." Mataray na sabi ko.

"Saan natin gagawin ang Project?" Biglang sabi niya.

"Anong saan natin gagawin ang Project? Ayaw kita makapartner duh."

"Jhims. Ikaw sana gusto ko na kaparehas. Sayang." Nakapout na sabi ni Treexy kaya lumapit si kutong lupa para guluhin ang buhok niya. 

Walang lugar sa paglalandian?

"Okay lang yan call me if he do something bad to you." Taas baba ang kilay ni Jhimuel ng sulyapan ko siya.

"Thanks Jhims."

"Anytime."

"Mama mo anytime." Bulong kong sabi na ako lang ang makakarinig.

"Narinig ko yon." Ngising sabi ni kutong lupa kaya bigla ko siyang nilingon.

 Tao pa ba to? 

KASAMA ko ngayon si kutong lupa papunta ng Court. Ngayon kasi namin sisimulan ang Project. Wala na akong choice kundi ang maging partner siya. Labag na labag to sa loob ko kaso kasi naalala ko ang kahapon na naisip ko.

Wala namang mawawala e.

"Hoy hala kasama ni Captain si Maldita." Naalala ko ito yong Noah. Umikot ang mata ko sa sinabi niya.

"Atleast maganda."-ako.

"Wala naman akong sinabi." Basag sa akin ni Noah. Inis ko na nayukom ang mga palad ko sa sinabi niya.

How Deep Is Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon