Sky's P.O.V
" Sky ?! Bakit ngayon ka lang ?! Anong oras na ah ?! " - galit na sigaw sa akin ni Xavier. Patay kang bata ka....
" ah...eh..ano kasi nag yaya si kev. Na kumain sa labas congratulation gift daw..." - naka yuko kong sabi sa kanya. Aba mahirap nang sumagot ng pa taray, baka makain pa ako ng buhay.
" and so ?! Why does it have to be this late ?! " - galit na bulyaw niya pa sa akin. Huhuhu....tulong guys kakainin ako ng buhay ni Xavier the marshmallow monster...
" ah..eh..ano " - kinakabahan kong saad. Hala anong gagawin ko ? Tinaasan niya naman ako ng kilay na para bang sinasabing 'ano'
" sowy na Xavy....pwease * puppy dog eyes * pwomise last na to.." - pa cute na sabi ko. Bakit ba ? Eh sa wala na akong masabi e. Baka ma bulyawan pa ako nito lalo pag nag kataon. Nakakatakot kaya.
" tsk !! Sasusunod kasi mag paalam ka...jdbg hsshgj gjdjyfuras wq pfhdh " - inis na sabi niya sabay akyat sa taas. Ano daw ?! bubulong bulong pa. Pero at least di ba takas tayo sa sermon ni pastor Xavier. ^_^
Sumunod na din ako sa kanya sa taas at nag palit na ng damit at natulog na sa tabi niya. Hay... Ang init talaga ng katawan nitong lalaking to, sarap pang yakapin. Kaso wag na pala baka sapakin pa ako nito. Sunget pa naman niyan, parang laging may PMS.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
GOOD MORNING WORLD !!
" Good morning Xav--" - eh ?! Nawawala si Xavier !! Di kaya na galit talaga siya sa ginawa ko kagabi ?! Hala.. Lagot ako nito kay mama sasabihin nun sa akin
' skylar, bakit ka iniwan ng asawa mo ? Saan ba kami nag kulang anak. Alam kong arranged marriage lang kayo ni xavier pero dapat inalagaan mo siya anak. Para saan pa yung mga tinuro ko sayo dati ha ? Tinuruan pa man din kita kung paano mag alaga ng asawa tapos ganyan ? '
Hay.. Paniguradong misa na naman ang abot ko nito kay mama. Hindi. Hindi ako papayag na madamage ang precious ears ko ng dahil dun. Kailangan kong mahanap si xavier. Bago pa masira ang aking precious ears.
Nag ayos na ako ng sarili ko at nag handa nang pumasok. Malay mo naman nasa school na pala yung mokong na yun di man lang nag sabi di ba ? Ganun naman lagi yun eh. Di ako kilala sa school pero sa bahay akala mo tatay ko kung umasta. Tsk !! Tsk !! Tsk !! Mga kumag nga naman.