One out of two.u

113 0 0
                                    

September 2 2014
Hindi ko inaasahan na magiging kami ng taong mahal ko. I mean ng tropa ko na lihim na din pala kong minamahal noon pa man.

Naging legal kami sa mga pamilya namin. Halos araw araw kaming magkasama kahit weekend magkasama pa din kami. Sweet, maalaga, mabait, mapagmahal, masunurin, mapagbigay, never niyang tinaasan pride niya para sakin at higit sa lahat yung pinaka nagustuhan ko sakanya yung sense of humor niya. Matatawag ko nabang swerte nako sa taong to?

Lahat ng bagay magkasundo kami. Open siya sakin open din ako sakanya. Maluwag ako sakanya pero siya medyo mahigpit pero alam ko naman na para din sakin yun. Kapag may tambay ang tropa at nagkayayaan lagi kaming present dalawa sabay pupunta at sabay uuwi. Pag papasok naman sa school madalas sinusundo niya ako at kapag uwian ihahatid niya din ako. Sabay kami mag lunch pag asa school, kapag may klase naman kapag tinamad isa samin makinig hindi na din makikinig ang isa pero kahit ganoon hindi pa din nawawala sa isip na dapat kahit kami na unahin pa din namin ang pagaaral.

Lumipas ang ilang araw magiisang buwan na kami. Ang daming ngyari. Away bati. Tampuhan. Iyakan. Tawanan. Asaran pero patuloy pa din kaming lumaban para sa relasyon namin at dumating na nga ang araw na pinakahihintay ko.

October 2 2014
Pinaghandaan ko talaga tong araw na to. Dahil syempre 1st monthsary namin pero bago dumating tong araw na to may ginawa akong gift para sakanya. May mga nakalagay sa jar na mga paper at sa mga paper na yun dun nakasulat ang mga bagay na ngyari samin sa loob ng isang buwan at qoutes at may isang yellow pad dun na letter ko na mahaba para sakanya. Pero bingay ko yun nung naguwian na kami hindi ko kasi alam kung paano ko ibibigay sakanya yun hanggang sa makakuha ako ng tyempo na iabot na sakanya nung uwian. Tuwang tuwa siya nung inabot ko yun pero mas tuwang tuwa ako sa ginawa niya nung araw na yon.

12:20pm October 2 2014
Nagawa ako ng Sw namin sa chemistry tapos biglang napansin ko magisa na lang ako sa classroom pero hinayaan ko na lang at nagpatuloy pa din ako sa pagsasagot makalipas ang ilang minuto biglang dumating yung dalawa kong classmate inaaya ako kumain sa baba. Nung pumayag ako bigla akong napasilip sa baba nagtaka ako bakit andaming tao sa tapat ng hagdan pagkalakad ko sa hallway nakita ko agad yung 2 kong bestfriend sa hagdan naka ngiti nung bumaba nako nagulat ako may nga tao sa gilid ng hagdan kada isang tao may hawak silang colored paper at nung binasa ko na ang nakasulat " I love you" halos hindi nako nakababa sa sobrang kilig at hiya ko nun biglang umakyat na lang siya at biglang sabi " happy monthsary babe. Inaantay kita sa baba eh ang tagal mo. I love you. :) " nung mga oras na yun hindi ko na talaga alam gagawin ko pero binaba niya na lang ako ng hagdan pag katapos niya sabihin sakin yun.

Haaaay. Nung ngyari yung araw na yon masasabi ko na atang ako na ang pinakamaswerteng babae sa mga oras na yon dahil hindi lang ako binigyan ni God ng masunurin at sweet na boyfriend.

Makalipas ang ilang linggo dumaan na din samin ang 2nd monthsary at na pagdiwang din naman namin ito ng masaya sinundo niya ko sa side ng mommy ko nung hapon tas umuwi na din agad dahil may pasok pa kami kinabukasan nun.
Ilang araw ang dumaan sa hindi namin inaasahang panahon nagkasakit siya. Ilang araw din siyang asa bahay lang dahil sa pababa taas baba taas ng lagnat niya hanggang sa na confine siya ng ilang araw nung mga panahon na yun salit salitan kami ng pamilya niya sa pag babantay sakanya. May time kaming dalawa lang ang magkasama dun okay lang sakin mahal ko naman tong taong to eh. Makalipas ang 2 araw nakauwi na din siya sa bahay nila at pumasok na siya kinabukasan.

Expect the unexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon