Once is enough.

85 0 1
                                    

November 2014
Exam namin yun. Sinundo niya ko sa bahay. Wala ko sa mood tahimik lang ako. Nung asa school na kami pumunta na ako agad sa room ko kung saan ako mag eexam. Bigla akong napaisip na Itigil kung anong meron samin. Hindi ko alam kung bakit biglang sumagi sa isip ko yun at ginawa ko nga.

Madaming ngyari samin nung mga panahon na nagkahiwalay kami pero halos araw araw nagkakausap pa din at tntry ayusin yung relasyon namin. Kung baga on off on off kami. Dumating yung birthday niya.

November 29 2014
Umaga pa lang pinapatigil ko na siya, kasi parang gaguhan na lang din ang ngyayari samin. Pero nung bandang tanghali may tumawag sakin siya pala. Pinapapunta niya ako sa kanila nun. Kaso gabi nako nakadating pumunta pa kasi sa Robinson's kasama mga tropa namin. Bumili ako ng cake para sakanya dapat ang bibilhin kong cake yung favorite namin dalawa kaso wala kaya iba na lang binili ko. Pag dating ko sakanila andun yung mga tropa niya. Pero pinaalis niya din nung mga oras na yun dahil may dinner sila ng pamilya niya, bigla niya kong inaya na sumama sakanila. Kasama mga kapatid niya na bagong dating lang dito sa Pilipinas. Hindi ko inexpect na mangyayari yung mga yun. Nag dinner kami sa Shakey's. Nakilala ko yung mga kuya niya. Nung mga oras na yun pinalagpas ko muna lahat ng problema namin yung bang parang wala kaming problema dalawa. Birthday naman niya eh. Pinagbigyan ko na lang, mahal ko din naman eh. Madaling araw na ako nakauwi nun. Hinatid niya ko sa bahay namin. Hanggang sa nakauwi na ko nagtext siya bigla. Sa text niyang yun gusto niyang mabalik kami sa dati at nagsosorry siya sakin. Well mahal ko kaya pumayag naman ako.

Dumaan ang 2 araw pero unti unti nanaman nagbago.

December 2 2014
Ang gulo, bakit ganito? Parang iba na? Kala ko ba okay na? Bakit ganito pa din nararamdaman ko? Dapat pala pinagisipan ko muna kasi bago ako nagdisisyon. Tanong at sabi ko sa sarili ko. Hindi nako nag dalawang isip na kausapin siya dahil ako din ang nahihirapan.

" uy pwede ba tayo magusap? Kahit dito na lang oh. " sumunod lang siya sakin at umupo kaming dalawa.

" akala ko ba okay na? Bakit ganito pa din? " tanong ko.

" akala ko nga din eh. " sagot nya.

"kala ko ba mahal mko? " tanong ko uli.

" madami na ksi ng ngyari lah. " sagot niya.

"sige tama na. Tigil na natin. " sabi ko.

" sige. " biglang sabi niya.

Hindi nako magugulat kung pumayag man siya o hindi dahil ilang beses na ngyari samin to pero I think eto na yung official break up namin.

" oh tropa na lang? " tanong ko bago ako umalis.

" oo sige ingat ka na lang. " sabi niya.

Hindi nako nagsalita umakyat na lang ako agad sa room namin at nanahimik saglit nung sumunod na siya sakin tinitignan niya ko nakikita ko sa muka niya na nalulungkot siya pero ako pangiti ngiti lang hindi makatingin ng daretcho sakanya pero alam ko na alam niya na pinipilit ko lang maging okay.

Lumipas ang ilang araw, talagang wala na. Hindi ko na nasagip talaga yung relasyon namin. Umayaw na talaga siya.

Ansaya pala maramdaman na mas mahal ka ng taong mahal mo. Totoo nga talaga ang sabi nila, lahat ng sobra nakakasama. Masasabi ko na din na ako ang pinakamaswerteng babae nung kami pa dahil lahat pala ginawa niya masagip lang relasyon namin at para hindi magkalamat relasyon namin. Na dapat din pala pahalagahan mo hanggat anjan pa tao man o bagay.
Pero ng dahil dun nalaman din namin na may mas better pa na dadating samin. Sa ngayon masasabi ko na, masaya ko kung anong meron samin ngayon.

SORRY BABE...

Expect the unexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon