Chapter 3

674 32 10
                                    


Nang makarating si Win sa lugar na pagkikitaan nila ng kanyang kameeting ay ipinarada niya ang kanyang red Porsche 718 Boxster sa entrance ng hotel at bumaba siya mula sa sasakyan. Nakasuot siya ng kulay maroon na turtle neck paired with white pants, a casual shoes at kulay brown na overcoat and his outfit is matched with Jacques Marie Mage - Zephirin round-frame Acetate sunglasses. He looks amazing with his fit kaya lahat ng taong nasa paligid ay napatingin sa kanyang gawi.


Nang makalabas na siya ng sasakyan ay iniabot niya sa valet na lumapit sa kanya ang susi ng kanyang kotse. Tiningnan niya ang kanyang relong pambisig at tiningnan ang oras ~ 4:05 na kaya nagmadali siyang pumasok sa gusali at tumungo muna sandali sa restroom para tingnan ang sarili.


Nagmadaling naglakad si Win patungong restaurant pagkalabas niya ng restroom. Inaayos niya ang laylayan ng kanyang overcoat kaya hindi niya namalayang may isang pigura din na madaling naglalakad patungo sa kanyang direksyon na tila hindi din siya nakita.


It was too late when Win noticed. Namalayan na lang niya na may katawang bumangga sa kanya. Tumilapon ang mga dala nitong paperbags na hindi din alam ni Win kung ano ang laman ng mga iyon. But Win didn't care about those bags, madali siyang kumilos upang masalo ang kanyang nakabanggaan.


Inilandas ni Win ang kanyang kaliwang kamay patungo sa baywang ng lalake habang ang kanang kamay ay nakahawak sa kaliwang braso nito. Ang isang braso naman ng nakabangga ay mahigpit na nakakapit sa batok ni Win dahil sa takot na baka sa sahig siya pupulutin. Mariing nakapikit pa ang mga mata nito at kita ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib dahil sa mabibigat na paghinga, halatang kabado dahil sa nangyari.


Ilang sandali silang nanatili sa ganoong posisyon. Pinasadahan ni Win ng tingin ang kabuuan ng kanyang kaharap. Nakapikit ang mga mata nito, malalabong ang mga kilay, matangos ang ilong, medyo mabintog ang mga pisngi at mala-pana ni kupidong mga labi. Napalunok si Win sa kanyang naiisip.


Nang minulat ng lalake ang kanyang mga mata ay natulala ito nang makita ang nasa harapan. Win on the other hand, was mesmerized by the other's brown eyes. Para siyang hinihigop ng mga mata nito.


Nabalik lang sa katinuan si Win nang pumiglas ang lalake sa kanyang hawak. 


"Sorry po, di ako tumitingin sa dinadaanan ko" paumanhin ng lalake at dinampot ang paperbags at iba pang gamit na nahulog dahil sa pagkabangga.


Tinulungan din ni ito ni Win. Sabay pa nilang nadampot ang isang maliit na box na nasa sahig dahilan upang magdikit ang kanilang mga balat. Para namang nakuryente ang lalake at dali-daling binawi ang kanyang kamay kaya si Win na lamang ang tuluyang dumampot ng box. 


"Here" sabi ni Win nang iabot niya ito sa may-ari. 


"Thank you po tsaka pasensya na talaga di ko napansin na mababangga na pala kita" paumanhin ulit nito.


"Okay lang, it's partly my fault din. Di rin ako tumitingin sa dinadaanan ko" sabi ni Win habang nakangiti sa kaharap na sinuklian din naman nito ng isang ngiti. 


Sa hindi malamang kadahilanan, hindi maialis ni Win ang kanyang mga titig sa ngumingiting pigura ng kaharap. Crazy as it sound, but for Win, that smile was the most beautiful smile he has ever seen. Napatulala lang nang bahagya si Win dito.

Heraclitus is indeed RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon