Mga Huni Sa Ulan

1 0 0
                                    

Sa pagdaan ng dilim
Ang langit ay kukulimlim
Kay bigat na ulap
gaya ng iyong mga talukap

Sa apat na sulok
ikaw, nagmumukmok,
kagaya ng langit
mabigat din ang bitbit

Nakalimot ka,
Kinalimutan mo na,
Pati ang pag-iyak
mga luhang pinilit 'di bumagsak

Sa pagdaan ng oras,
Babagyo ng malakas
'di laging araw ang siyang hari
'Di laging may bahaghari

Umiyak ka
Ngunit kung 'di mo kaya
ang langit ang siyang gagawa
Pakiramdaman mo
Saka sabayan mo

Sabayan mo ang kulog
Ang bawat pagdagundong,
Makipagpaligsahan ka sa mga alulong,
sa mga huni at bulong

Sabayan mo ang langit sa pagpalahaw,
at ang ibang gaya mo sa paghiyaw
ang mga kuliglig sa paghuni
Mga lumbay na dinaan sa pagmumuni

Isabay mo sa pagpatak ng ulan
'wag pigilan
Ang ulan ay titila
mga hampas ng hangin ay hihina

'wag mong pilitin ang pagtahan
hindi ka laging nasa tahanan
Madalas nasa piling ng dilim
umiyak ka kahit tahimik,kahit palihim

Ang pagtahan ay darating
Ang ulan ay titila rin
Kasabay ng 'yong pagkalma
Sa wakas,ay pagsara ng iyong mga mata

hihina,
titila,
kakalma,
tatahan ka

-Rixan-

Mga HuniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon