Byahe

1 0 0
                                    

Byahe

Bakasyon na namin at balak naming umuwi papuntang benguet dahil nga malamig doon at Tahimik. Gusto daw Kasi ng magulang namin marelax utak namin dahil alam nilang stress na stress na kami. Si Manong Maryo Ang maghahatid saamin sa Benguet. Mabait Naman Siya at maganda Ang Kanyang sasakyan na Van, Dati Kasi Siya Ang aming driver at Ang van niya Ang aming  sinasakyan kapag uuwi kami ng benguet.Nagtaka ako bakit nag iba Ang kulay ng van. Ang dating itim na van ay Naging pula, Nag iba narin Ang plate number ngunit hinayaan ko nalang na. Nung ako'y Loloob na sa sasakyan ay napansin Kong may babae sa likod kasing edad ko lang siguro. Di ko na tinanong si Manong Maryo, Busy eh.Tyaka baka anak niya yun.
Tumabi nalang ako dun sa babae.Antahimik ng byahe at pansin ko na nakatulog na ang aking mga magulang. Napansin ko Naman Ang babae ay nakatingin sa bintana ng sasakyan.Dahil Wala akong magawa ay   kinausap ko Siya

"Hi ako nga pala si Anna" Ani ko

"Ako si Trisha" Ani niya

"Ang ganda Naman Ng pangalan mo" bati ko sakanya

Ngumiti nalamang Siya at bumalik sa pagmamasid sa labas

"Nakapunta ka na ba sa benguet?" Tanong ko

"Hindi pa" sagot niya

"Ay wow, Maganda dun sobra tyaka marerelax ka dun.Kakatapos nga lang ng research namin kaloka Ang hirap" Ani ko sakanya

Napansin ko na nakatingin parin siya sa bintana at syempre ako dahil boring ako ay kwenentuhan ko Siya ng kwenentuhan

"Nga pala Trisha, Salamat pala sa pakikinig ng kwento ko hah, Pasensya na Kapag madaldal ako. Matutulog lang muna ako hah tyaka dont worry if nagugutom ka may chocolate ako sa bag" Ani ko sakanya

"Okay lang, Huwag Kang mag alala babantayan kitang matulog" sagot niya

Natulog na ako nun at Pagkagising ko ay nasa Sayangan  na kami at Gising narin Ang aking mga magulang.Nagstop lang ung Van para bumili ng meryenda.
Napansin ko na Wala na si Trisha sa tabi ko, Sabi ko nalang sa isip ko baka bumili lang Yun ng meryenda.Pagdating Ng magulang ko sa sasakyan ay nagsimula na tong umandar 

"Manong Maryo, Wala pa po si Trisha antayin nalang po natin"  sigaw ko Kay manong Maryo

"Sinong Trisha?" Tanong ng tatay ko

"Yung katabi Kung babae papa" sagot ko sa tatay ko

"Katabi mo? Wala ka namang katabi diyan simula Nung umalis Tayo" Sabi ng nanay ko

At Dun ay nagtaka narin ako Kasi katabi ko lang Siya kanina,Napansin ko rin na umandar na agad Ang van at natahimik si Manong Maryo.Tumabi narin ako sa nanay ko dahil natatakot na ko.Nakarating na din kami sa benguet at nung pababa ko ng van ay umupo na muna ako sa gilid Ng aming tahanan at nung paalis na Ang Van ay nakita ko ulit si Trisha kumakaway At nagpapaalam sakin kaya  Kumaway narin ako.

"Pa, Yun si Trisha oh" Sabi ko habang tinuturo si Trisha
"Nandon sa likod ni Manong Maryo" dagdag ko

"Anak Wala naman,Halika na nga" Sabi sakin Ng tatay ko at tinawag ako para pumasok Ng aming tahanan

Hindi ko parin malimot- limutan si Trisha.Nagtataka parin ako kung Saan Siya pumwesto bakit Wala Siya Nung nasa sayangan kami.Sinabi ko nalang sa Isip ko na baka natulog sya sa sahig or nagnap kaya di ko nakita.Pumasok na ako sa Bahay at natulog.

Paglaan ng isang linggo ay Binuksan ng nanay ko Ang TV at dun ay narinig ko sa balita na may natagpuan na bangkay at ito ay hinihinalang nasagasahan at Ang suspek sa pag patay ay si Manong Maryo at Ang pangalan ng nasagasahan ay si Trisha Delos Santos.Nang marinig namin Ang balita ay nagulat kami.

Horror StoriesWhere stories live. Discover now