ILOG

0 0 0
                                    

Bata palang kami ay namatay na Ang aming magulang.Ang aking ama ay namatay sa sakit na cancer habang Ang aking Ina Naman ay namatay nung ako ay nasa ikasiyam na Taong gulang dahil nalunod Siya sa ilog.Dahil namatay ng maaga Ang aming magulang ay napilitan akong itigil Ang aking pag aaral at magtrabaho para mapag aral ko Ang nag iisa Kong kapatid na lalaki si Kyle.
Matalino Naman si Kyle kaya napapawi LAHAT ng pagod ko.Masipag din Siya at mapagmahal na kapatid.Bata palamang Siya at nais niyang matutong lumangoy. Ewan ko ba sa batang yun.
Kada sabado ay nasa ilog kami para maglaba.Naglalaro Naman Siya sa gilid at di makapunta sa mga kaibigan niya dahil di Siya marunong lumangoy.

"Ate turuan mo na kasi akong lumangoy para naman makasama ko mga kaibigan ko dun oh" Ani niya

"Sandali lang bunso dahil naglalaba pa Ang ate, Bukas promise tuturuan kita" Sabi ko

"Sabi mo yan ate ah, Nangako ka ah" sagot nya sakin

"Oo Naman" sumbat ko

Maghahapon na at umuwi na kami.Napansin ko na super excited Ang kapatid ko.Hinanda niya pa Ang kakailanganin. Sa sobrang excited niya ay di Siya makatulog. Kinaumagahan ay biglang tumawag Ang boss ko sinabing Kailangan Kong magtrabaho dahil nga madami daw costumer.Syempre Sayang Naman Yun diba.Pambili ko pa ng gamit ni Kyle pangeskwela.

"Ate Hindi mo ba ko tuturuang lumangoy Ngayon?" Tanong niya

"Pasensya na bunso hah,May work si ate.Sayang din Kasi kapag di ako pumasok di ko mabibili mga gusto mo.Sa susunod nalang kita turuan hah.Antayin mo si ate hah" sagot ko sakanya

"Okay lang ate,Magingat ka hah" Ani niya

Niyakap niya ako at ngumiti.Syempre bilang ate ngumiti rin ako sakanya.
Umalis na ako at nagtrabaho.Pagkauwi ko ay Nakita ko si Kyle sa Sala na nakaupo at basang basa

"Kyle maligo kana basang basa kana oh, magkakasakit ka nyan" utos ko sakanya

"Ate magkikita na kami ni mama at papa" sumbat niya sakin

"Ano ka ba Kyle, Patay na sila mama at papa.Halika nga Dito may pasalubong ako. Syempre paborito mo, Pizza" Sabi ko sakanya

Ngumiti nalamang Siya saakin at niyakap ako

"Ate mahal na mahal kita at salamat" Ani niya

"Romina, Romina" sigaw saakin ni aling Marites

"Yung kapatid mo,Yung kapatid mo nasa ilog nalunod" Sabi niya

Mabilis akong tumakbo at Nakita ko nalamang si Kyle na Wala ng buhay. Hindi ako makapaniwala Kasi nga Kasama ko lang Siya kanina at Ngayon ay Wala na Siya.Kung Sana tinuruan ko siyang lumangoy ay Buhay Siya Ngayon.

Horror StoriesWhere stories live. Discover now