The Clingy Boyfriend

132 7 0
                                    

     Pinapanood ni Timmy si Johnny na busy sa pagluluto sa kusina. Walang kamalay malay si Johnny na nasa pinto si Timmy at pinagmamasdan siya nito. Lalong  lumalalalim ang nararamdaman ni Timmy kay Johnny dahil sa pinapakita nitong kabaitan. Kung totoo lang ang relasyon nila mula umpisa palang masasabi ni Timmy na napakaswerte niyang boyfriend pero alam niyang panandalian lang ito lalo na bumalik na si Ann. Nang makita niya kanina ang dalawa  palapit sa parking lot kung saan siya naghihintay na nakahawak si Ann sa braso ni Johnny habang pa-ika ika itong naglalakad dahil sa sprain "kuno" niya binabalot siya ng selos pero wala siyang karapatan na magselos. Bagay na bagay silang dalawa lalo na't mukha at katawang babae rin si Ann. Kung wala lang talagang makakilala kay Ann mapagkamalan talaga itong tunay na babae. Samantalang kapag sila ni Johnny ang makitang ganyan napaka-awkward tingnan. Lalo pa siyang nagselos kanina ng pagkahatid nila kay Ann ay biglang nagbeso si Ann kay Johnny. Nakita niyang nabigla si Johnny sa ginawa ni Ann. Alam niyang sinadya iyon ni Ann. Pinapahiwatig ni Ann sa kanya na "let the battle begins now". Di niya lang pinansin ang pekeng babae. Alam niya dehado siya pero kailangan niyang ipapakita kay Ann na lumalaban siya.

     Lumapit si Timmy at biglang niyakap si Johnny mula sa likuran. Nagulat naman si Johnny.
"Oy baby nakakagulat ka naman. Nakakapanibago itong kasweetan mo ngayon ah."

      "Namiss lang kitang yakapin. Bakit niyayakap naman kita dati ah," wika ni Timmy habang yakap yakap pa rin si Johnny sa likuran.

     "Niyayakap naman pero hindi ikaw 'yong nag-iinitiate. Ako palagi and you're not that kind of sweet before that's why I'm surprised," wika ni Johnny habang tuloy ang ginagawa sa harap ng kalan.
    
      "Bakit ayaw mo bang pagiging sweet ko ngayon?," tila may himig na pagtatampo na tanong ni Timmy at akmang kakalas sa pagkakayakap kay Johnny.

     Pinigilan siya ni Johnny sa pag-ipit ng dalawang braso nito."I liked it baby. Gustung gusto ko nga. I didn't expect that you have a little sweetness hiding  in you," nakangiting wika ni Johnny.

      "I just want to enjoy the moment with you at ang sexy tingnan ng likod mo. Ang sarap yakapin. Ang bango bango mo pa. Mas mabango kaysa sa niluluto mo," wika ni Timmy habang inaamoy amoy at hinahalik halikan si Johnny sa batok.

     "Baby?," mahinang wika ni Johnny

    "Hmmm," sagot naman ni Timmy.

   "You're turning me on sa ginagawa mo," wika ni Johnny.

    "I will stop now huggybear. Gumagana na naman ang pagka "M" mo," wika ni Timmy at itinigil ang paghalik sa batok ni Johnny.

    "Sa'yo lang naman ako ganito Baby," wika ni Johnny.

    "Dahìl ako lang naman ang boyfriend mo eh. Doon na muna ako sa living room Huggybear. Tawagin mo na lang ako kung luto na," paalam ni Timmy.

    "Ok Baby. Malapit na ito," wika ni Johnny.

    Pagkaluto ay tinawag na ni Johnny si Timmy at kumain na sila. Maraming nakain si Timmy dahil masarap ang buto butong caldereta na luto ni Johnny. Tuwang tuwa naman si Johnny.

    Pagkatapos mag-urong ay nag-ayos na sila  para maglinis ng  katawan para sa pagtulog. Naunang naglinis si Timmy sumunod si Johnny.

    Paglabas ni Johnny ng bathroom ay nakita niyang ang lalim ng iniisip ni Timmy. Hindi nito namalayan ang paglabas niya. "Hey Baby, what are you thinking?" Untag ni Johnny.

    "Huh? I-I'm just thinking of something Huggybear," sagot ni Timmy.

   "What is it?" Tanong ni Johnny at humiga na sa tabi ni Timmy. Kinuha naman ni Timmy ang braso ni Johnny at ginawa niya itong unan at yumakap kay Johnny. Nagulat man si Johnny hinayaan niya na lang. Gusto rin naman kasi niya ang ginagawa ni Timmy. Unti unti nang komportable si Timmy sa kanya.

    "Huggybear, why is it that seeing you and Ann together  is okay for Charlie?" Tanong ni Timmy hang nilalaro laro ang harapan ng damit ni Johnny.

   "Because their relationship from the very start is fake.  Ann told me that they have an agreement na magpanggap si Charlie na boyfriend niya para di na daw ako maghahabol sa kanya. Di niya alam aksidente rin akong nakahanap ng kapalit niya sa katauhan mo," wika ni Johnny.

     "Kaya pala parang balewala lang sa kanya," wika ni Timmy. Gusto rin sanang itanong ni Timmy kung kailan naman makipagbreak si Johnny sa kanya pero pinigilan niya ang sarili. Hindi pa niya kayang marinig ang sagot ni Johnny. Kung makipagbreak man si Johnny sa kanya gusto niya graduate na sila para kahit magkasama man sila ni Ann hindi na siya masasaktan dahil di na niya ito makikita. Hanggat hindi nakikipagbreak sa kanya hahayaan niya na lang.

     "Sayang baby hindi ka makapanood ng laro namin bukas," pag-iiba ni Johnny ng usapan.

    "I'm sorry huggybear I want to but I have an important project to finish. Even I'm not there still do your best to win the game," wika ni Timmy at biglang hinalikan niya si Johnny ng madiin sa labi.

     Nagulat ulit si Johnny sa ginawa niya. "What is this for baby?"

    "It's a lucky charm kiss. Kapag maipanalo niyo ang laro bukas marami pang kiss ibibigay ko," wika ni Timmy.

    "Talaga? Promise we will  win the game tomorrow. I want to get more kisses from you," excited na wika ni Johnny.

    "Excited much. Here's another one para mamotivate ka pang galingan bukas," wika ni Timmy at hinalikan ulit si Johnny.

    Hindi na siya pinakawalan ni Johnny. Kinabig ang ulo ni Timmy palapit sa kanya at siniil ito ng halik. Napaungol na naman si Timmy sa sarap ng halik ni Johnny. Talagang naadik na siya sa halik nito. Pero hindi pa niya kayang ibigay ang sarili kay Johnny kaya hanggang halikan lang sila.

  

    
   

    

The Substitute BoyfriendWhere stories live. Discover now