Fever

8.3K 56 27
                                    


Author's POV

7:07 am

Medyo late na ng magising si Sunoo, pagkatayo nya ay humiga ulit sya dahil sa sobrang sakit ng kanyang ulo, hinipo nya ang kanyang noo at napagtanto na may sakit sya. Kailangan pa naman nila ngayon pumasok ng mas maaga kesa sa nakasanayan dahil marami pa silang dapat gawin at tapusin. Sakto naman ng mga oras na yon ay ang iba ay kumakain na, sya nalang at si Riki ; na katabi nya sa kama, ang natitira sa kwarto.

"Riki, gising na" paggising nya dito habang inaalog dahil ang higpit ng pagkakayakap nito sa kanya.

"Hmm" tanging sagot ni Riki at ibinaon ang ulo sa unan, habang ang mga kamay nya ay nasa bewang parin ni Sunoo.

"Gising mainit ako, baka mahawaan kita" pabulong nyang ani kay Riki.

*Click*

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Jungwon mula doon.

"Guys tayo na kayo dyan, mag-almusal na kayo dahil kailangan nating maaga makapunta sa building" ani Jungwon habang naglalakad papunta sa higaan.

"Pasabi nalang kay Manager-nim di ako makakapasok ngayon, may lagnat ako eh" ani Sunoo kay Jungwon at medyo nagulat pa ang isa sa sinabi nya.

"May sakit ka!?!? Sobrang init mo ba hyung? Teka kunin ko lang yung thermometer" taranta nyang sabi at pumunta sa banyo upang kunin ang thermometer.

"Guys, di daw makakapasok si Sunoo dahil may lagnat sya, sino sainyo pede mag-alaga sa kanya? Madami pa kasi akong kailangan gawin at may inuutos pa sakin si Manager-nim" anunsyo ni Jungwon habang palabas sya ng banyo.

"May gagawin padin ako Jungwon eh, may recording at vocal lessons pa akong gagawin, same kami ni Jake." Sagot ni Heeseung habang binibigyan ng apologetic smile si Jungwon.

"Ayos lang hyung, kahit isa lang sa inyo" ani nya at dumiretso ulit sa kwarto para i-check ang temperatura ng nakatatanda.

"Umm, pwede kong bantayan si Sunoo-shii dahil wala naman akong masyadong gagawin, sasabihin ko nalang din kay Manager-nim na babantayan ko sya para gumaling agad sya." Ani Sunghoon habang pumapasok sa kwarto.

"Hindi hyung ayos lang ako, di ko naman kailangan alagaan eh, matanda na ako" ani Sunoo habang umuupo dahil i-checheck na ni Jungwon ang kanyang temperatura.

"Hindi. I insist. Aalagaan na kita para mabilis kang gumaling" he said, saka ngumiti sa nakababata.

"Sige, salamat na agad hyung" pasasalamat nya at ngumiti din.

"38.7 ka Sunoo hyung, mataas lagnat mo" ani Jungwon.

"Sunghoon hyung, pede mo ba gawan ng soup si Sunoo hyung? Kukuha lang ako ng labakara" Sabi ni Jungwon at nakatanggap naman sya ng tango. Lumabas silang dalawa at ginising ulit ni Sunoo si Riki.

"Rikiiiiiiiiiiiii, gising na" paggising nya dito at inalog sya ng mas malakas, dahilan para magising si Riki at umupo ng diretso. Bumaba sya sa higaan at dire-diretso syang lumabas ng kwarto at pumunta sa kainan na parang robot.

Oneshots (En×Sun) | ✓Where stories live. Discover now